Translate

Friday, October 29, 2010

Takdang Aralin at Pangkatang gawain sa Nobyembre

Pangkatang Gawain

> Paksa : Kabanata XVI- Si Sisa

Pangkat Humanismo- Paglalarawan kay SISA. Gumawa ng tsart na naglalaman ng positibo at negatibong katangian ni Sisa bilang asawa at ina.

Pangkat Realismo- Pagsasagawa ng maikling dula sa buhay ni Sisa bilang

asawa at ina

Pangkat Imahismo- Pagpapaliwanag : “Wala nang hihigit pa sa pag-ibig ng ina sa kanyang anak, mga pagpapakasakit at pagdurusa’y ipagwawalang bahala. Buhay ay handang ilaan para sa bunsong minamahal.” (Pagbuo ng simbolong larawan)

Pangkat Feminismo- Pagdedebate : Maituturing bang huwarang ina si Sisa,

Oo o Hindi?

Pangkat Marxismo – Pagbuo ng simbolong larawan tungkol sa sariling ina


Takdang Aralin

> Paksa : Kabanata XVI- Si Sisa

1. Gumawa ng liham pasasalamat sa ina o sa ama/ sa guardian (gamitin at sundin ang mga bahagi ng liham)

2. Gumawa ng repleksyon mula sa kabanata. Binubuo ng 3 talata



> Paksa : Kabanata XVII- Si Basilio

1. Ano ang damdamin ni Basilio sa sariling ama?
2. Bakit nagsinungaling siya tungkol sa kanyang panaginip?
3. Anu-ano ang balak ni Basilio?
4. Ano ang masasabi ninyo sa kanyang paraan ng pag-iisip at pagpapasya?
5. Bakit inilihim ni Basilio sa ina ang kanyang panaginip?

----Isulat ang mga katanungan at sagot sa kwaderno.

Ito ay titingnan ko sa darating na ika-lima ng Nobyembre