Translate

Wednesday, December 14, 2011

Katuturan at Uri ng Epiko

Katuturan at Uri ng Epiko

Epiko
ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.
Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na “epos” na nangangahulugang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang Epiko, samakatwid ay gumigising sa mga damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap at lalong magaling kung magkakaroon ng ganap na pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin sapagkat ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tulang ito.

Uri ng Epiko:

1. Epikong Sinauna: Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayan na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin. Ito’y karaniwan nang may katangian pangunahing tauhan nag-aangkin kahimah-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa. Ang tulang ito ay nag-pasalin salin sa mga bibig ng salinlahi at unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon.

2. Epikong Masining: tinatawag din itong Epikong Makabago o Epikong pampulitika.

3. Epikong Pakutya: kabalangkas ng Epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad na kutyain ang gawaing walang kabuluhan at pag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.

Halimbawa ng Epiko: Lam-Ang, Ibalon,Ullalim

No comments: