Translate

Monday, June 16, 2014

Breadwinner
(Isang halimbawa ng TALAMBUHAY NA PAIBA)

Musmos pa lamang siya noon nang mamulat sa kahirapan sa buhay. Madalas siyang isama ng nanay niya sa pagtitinda ng Balot sa kahabaan ng Katipunan. Kung minsan naman, nagbabarker  sa may Mc Donalds malapit sa kanilang lugar para makadagdag sa pang-araw-araw nilang gastos sa bahay o kaya’y baon niya sa pagpasok sa Mababang Paaralan sa Batino. Tuwang-tuwa ang nanay niya  kapag malaki ang kinita ni Jose sa pagbabarker o pagbabantay ng kotse ng mga customer sa Mc Donalds. Anim silang magkakapatid at pangalawa siya sa bunso. Sa lugar ng Katipunan isinilang at lumaki si Jose -sa isang squatter area. Family driver ang kaniyang tatay  at sadyang maliit lamang ang kinikita nito kayat napilitan ang  nanay niya na kumayod sa gabi. Kahit bata pa lamang siya noon, batid niya ang paghihirap ng mga magulang para mapag-aral silang lahat at makatawid sa gutom. Malaki ang pasasalamat ni Jose sa kanila dahil napagtapos sila sa elementarya hanggang hayskul. Sa wakas, nagtapos siya  sa Balara High School bilang Top 7 ng graduating class 2003. Napakasaya niya dahil nakatapos siya sa hayskul. Excited na nga si Jose mag-college. Ganumpaman, hindi na nila  kayang pag-aralin ang mga anak sa kolehiyo. Gusto niyang  makatapos. Gusto niyang magkaroon ng magandang trabaho balang araw. Gusto niyang makaalis sa kalagayan nilang hikahos. Gusto niyang  matupad ang kaniyang  pangarap - maging isang COMPUTER ENGINEER. Gusto niyang maging mariwasa ang buhay nila.
Mapalad si Jose dahil natanggap siya bilang iskolar ng ROTARY Club at ng SYDP (Scholarship and Youth Development Program)sa panunungkulan ni Sonny Belmonte bilang Mayor ng QC. Malaking tulong ang pagiging iskolar niya para makapagpatuloy sa pag-aaral kahit sa kursong edukasyon basta makamit lamang ang  kaginhawaan sa buhay. Kahit nag-aaral siya sa kolehiyo,hinangad niyang makatulong na rin sa magulang kayat nagtrabaho siya sa Mc Donalds bilang part-time crew. Pagkatapos ng kontrata niya dito nagpatuloy siyang magtrabaho sa Jollibee, Hidalgo at ang huli sa Jollibee Gagalangin. Pinagsikapan niyang  makatapos sa kolehiyo sa The National Teachers College noong taong 2008. Nag-uumapaw sa saya sa araw ng kaniyang pagtatapos dahil hindi niya akalain na darating ang buong pamilya  at ang kaniyang nobya sa araw ng pagtatapos  sa kolehiyo.Agad naman siyang kumuha ng LET noong Setyembre at sa taong ito, naging lisensyado siyang guro. Ganap na nga siyang guro. Sa School of Saint Anthony,sa Lagro Fairview siya unang nagturo.Dito niya higit na naramdaman na ito ang kaniyang misyon, ang plano ng  Diyos . Sa kasalukuyan, siya ay guro sa isang pampublikong paaralan.



                                              

Wednesday, June 11, 2014


Takda

1. Ano ang Panitikan?
2. Ano ang 2 anyo/dibisyon ng Panitikan ?Magbigay ng 5 halimbawa sa bawat anyo.

Saturday, June 7, 2014


Sa mga anak ko sa 7- Adelfa , ito na ang facebook page natin.
I-click ang link at sumali sa group page.

https://www.facebook.com/groups/sevenadelfa/


REVIEWER / Pre-test sa FILIPINO 7 Unang Markahan


REVIEWER / Pre-test sa FILIPINO 7
Unang Markahan

Ikalawang Araw, Hunyo 3, 2014

I-click ang link upang madownload
http://downloads.ziddu.com/download/23822297/PRE-TEST-FIL7.doc.html

Mga Aralin sa Filipino 7

Paalala : Kung gusto mong magkaroon ng kopya ng bawat akda, i-click lang ang link sa ibaba ng akda upang madownload ang file.


UNANG MARKAHAN

  1. BATANG-BATA KA PA ng APO Hiking Society   http://downloads.ziddu.com/download/23822254/Batang-bata-ka-pa-lyrics.doc.html
  2. ANG SUNDALONG PATPAT ni  Rio Alma  http://downloads.ziddu.com/download/23822282/ANG-SUNDALONG-PATPAT.doc.html
  3. ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT: Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong                                                    http://downloads.ziddu.com/download/23851813/Isang-Dosenang-klase-ng-high-school-students.doc.html
  4. SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia  http://downloads.ziddu.com/download/23868642/Sandaang-Damit.doc.html
  5. KUNG BAKIT UMUULAN: Isang Kuwentong Bayan  http://downloads.ziddu.com/download/23868648/Kung-Bakit-Umuulan.doc.html
  6. ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT ni Roberto Añonuevo  http://downloads.ziddu.com/download/23868645/Alamat-ni-Tungkung.doc.html
  7. SALAMIN ni Assunta Cuyegkeng   http://downloads.ziddu.com/download/23868647/SALAMIN.doc.html
  8. ANG PINTOR ni Jerry Gracio                         http://downloads.ziddu.com/download/23868646/Ang-Pintor.doc.html
  9. IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat        http://downloads.ziddu.com/download/23868649/Impeng-Negro-by-Rogelio-Sicat.doc.html
  10. ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan  http://downloads.ziddu.com/download/23868654/ANG-AMBAHAN-NI-AMBO-ni-Ed-Maranan.doc.html

IKALAWANG MARKAHAN
  1. NEMO, ANG BATANG PAPEL ni Rene O. Villanueva
  2. MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg
  3. ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
  4. KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar
  5. ANG MGA DUWENDE ni Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
  6. TRESE Isyu 5 ni Budjette Tan
  7. ALAMAT NG WALING-WALING
  8. MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL: Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal
  9. NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
  10. PAGLISAN SA TSINA ni Maningning Miclat

IKATLONG MARKAHAN
  1. PIMPLES, BRACES AT GWAPIGS ni Pol Medina Jr.
  2. SIPI MULA SA LIBRONG TUTUBI, TUTUBI, ‘WAG KANG MAGPAPAHULI SA MAMANG SALBAHE   
  3.  ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA, ANG WIKA NG KAPANGYARIHAN ni Conrado de Quiros
  4.  PANDESAL
  5. PORK EMPANADA ni Tony Perez
  6. IBONG ADARNA
  7. MAGKABILAAN ni Joey Ayala
  8. NANG MAGING MENDIOLA KO ANG INTERNET DAHIL KAY MAMA ni Abegail Joy Yuson Lee


IKAAPAT NA MARKAHAN

  1. HARI NG TONDO AT UPUAN ni Gloc 9
  2. SIPI MULA SA “AMPALAYA (ANG PILIPINAS 50 TAON MAKATAPOS NG BAGONG MILENYO)” ni Reuel Molina Aguila
  3. NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
  4. BAGONG BAYANI ni Joseph Salazar
  5. BAYAN KO: LABAN O BAWI ni Jose F. Lacaba
  6. PULANGI: ANG ILOG NA HUMUBOGSA MARAMING HENERASYON
  7. OBRA ni Kevin Bryan Madrin
  8. BERTDEY NI GUIDO

Kasunduan sa Filipino 7

F.G. CALDERON INTEGRATED SCHOOL
HERMOSA ST., TONDO MANILA

Kasunduan sa Asignaturang Filipino 7
TP. 2014-2015

  1. KWADERNO
    1. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang may kwaderno sa asignaturang Filipino na magiging talaan ng mga aralin/lectures, takdang-aralin at gawain-upuan o pagsasanay.
    2. Kailangang kumpleto ang mahahalagang tala mula sa tinalakay na mga paksang-aralin.
    3. Ito ay inaasahang maipapasa sa guro  isang linggo bago ang Pangkasanayan o Pangkalahatang Pagsusulit. Maaring suriin/siyasatin ng guro ng 2 hanggang 3 beses  sa bawat markahan, gayon din ng Tagapag-ugnay sa Filipino.

  1. TAKDANG ARALIN, PAGSASANAY (GAWAING UPUAN) AT MAIKLING PAGSUSULIT (QUIZZES)
    1. Ang mga takdang-aralin ay maaaring isulat sa kwaderno, papel, o bond paper batay sa sinabi ng guro. Ang bawat takdang-aralin ay maaaring may 10 o 20 puntos depende sa paksa o gawain. Kailangang may lagda ng magulang ang bawat takdang -aralin.
    2. Sinumang mag-aaral na lumiban sa klase ay maaaring magpasa ng takdang-aralin sa kanyang pagbabalik sa eskwela. Ang mga  maikling pagsusulit  at pagsasanay na hindi nagawa ay makukuha, kapag nagbigay ng “special test” ang guro sa takdang panahong inilaan sa bawat klase . Kinakailangang ipakita ang “excuse letter” o medical na sertipiko upang mabatid ng guro ang dahilan ng kanyang pagliban. Bibigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral upang maipasa ang mga gawain dahil sa kanyang pagliban,
    3. Ang mga mag-aaral na lumalahok sa paligsahan sa loob at labas ng paaralan ay bibigyan ng isang linggong palugit upang maisakatuparan at maipasa ang mga gawain, pagsusulit at takdang-araling hindi nagawa sa panahong siya’y wala sa klase. Pagkatapos ng inilaang panahon at hindi nakapagpasa ang isang kalahok, siya ay makatatanggap ng zero sa mga gawaing hindi naisakatuparan.

C.   MGA PANGUNAHING PAGSUSULIT
    1. Ang mga mag-aaral na lumiban sa klase sa panahon ng pagsusulit ay makakakuha ng “special test”, ngunit kinakailangang sumunod sa itinakdang panahong ibibigay ng guro
    2. Kailangang ipaalam sa gurong tagapayo ang dahilan ng pagliban sa klase at ipakita ang medikal na sertipiko o “excuse letter”.
 D.   PROYEKTO

    1. Ang bawat mag-aaral ay kailangang magpasa ng proyektong nakatakdang gawin sa bawat markahan.
    2. Bibigyan ng isang buwan o higit pang paghahanda ang mga mag-aaral upang maipasa ang proyekto sa mga takdang panahong ibibigay ng guro.
    3. Ang sinumang hindi makapagpasa ng proyekto sa mga takdang panahon ay makatatanggap ng bagsak na grado.
    4. Hindi tatanggapin ang anumang proyektong ipapasa nang huli pagkatapos ng mga takdang panahong ibinigay ng guro.
    5. Ang mga mag-aaral na nagkaroon ng karamdaman o liban sa klase sa huling araw ng pasahan ay maaaring magpasa ng proyekto kapag siya’y nagbalik na sa paaralan kalakip ang excuse letter o medical certificate.

 E.   PARAAN NG PAGMAMARKA SA ASIGNATURANG FILIPINO

KNOWLEDGE   
  • Maikling Pagsusulit (Quizzes) ………………….15%


PRODUCT
  • Portfolio                              ..…………………….10 %
  • Kwaderno  at Takdang Aralin           …………...10 %
  • Proyekto                                           …………….10 %

SKILLS
Ø  Interaksyong Pangklase                      
  • Recitation at Group Presentation    …………...15%
  • Pagsasanay / Gawaing-upuan      …………….15%

UNDERSTANDING
  • Markahang Pagsusulit                   …………….25%
                                                    Kabuuan                    100%

·         PARAAN NG PAGMAMARKA SA KWADERNO

a) Kumpletong tala ng mga aralin at nilalaman………….……………,,,,,,,,,70%
b) Kalinisan, pagkamalikhain at maayos na pagsulat (penmanship)……  30%

                                                                                                                             100%

Panibagong Landas ng Paglalakbay

Tapos na. Sa bawat katapusan ay may panibagong landas na tatahakin. Hunyo 4, 2012, ito ang araw ng pagtahak ko sa panibagong landas ng pakikipagsapalaran ko sa mundo ng "public school". Maraming masasayang karanasan at ganundin sa mga malulungkot na naranasan. Humigit dalawang taon na ang nakalipas pero ngayon ko lang muli naisipang gawin muli ang pagsulat dito sa aking blog. Sana tuluy-tuloy na. Nais kong ipagpatuloy ang aking nasimulan at lalong palawakin ang bukal ng karunungan dito sa aking gabay ng wika.