Ang pahinang ito ay laan sa lahat ng mag-aaral ng wikang Filipino hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Misyon kong maibahagi sa lahat ang kalinangan at pagkakakilanlan ng lahing Pilipino hanggang sa mga susunod na henerasyon. Maraming salamat sa iyong pagdalaw.
Translate
Sunday, January 21, 2024
Dalawang Paraan (Method) ng Pananaliksik
1. Palarawan -(DESCRIPTIVE METHOD) -Ito'y dinesenyo para sa mga mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan.May kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang naganap, mga gawaing umiiral, paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektibong nararamdaman o mga kalakarang nalinang.
Mga Anyo/ Uri ng Palarawan na Paraan
a. CASE STUDY - (Pag-aaral sa Kaso) paraan ng detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon
b. DEVELOPMENTAL STUDY (Pag-aaral na Developmental)- nagtatakda at kumukha ng mga mapanghahawakang impormasyon tungkol isang pangkat na tao sa loob ng mahabang panahon
c. DOCUMENTARY ANALYSIS(Dokumentaryong Pagsusuri)- nangangailangan ng pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakasulat na record o mga dokumento upang malutas ang suliranin
d. COMPARATIVE STUDY (Pag-uugnay na Pag-aaral)-pag-alam sa iba't ibang baryabol na magkakaugnay o kaya'y may relasyon sa isa't isa sa target na populasyon
e. FOLLOW-UP STUDIES (Pasubaybay na Pag-aaral) -ginagamit upang masubaybayan ang isang tiyak na prediksyon; ito ay kailangan kung ibig tiyakin nang maaaring bunga ng isang pag-aaral
2. Eksperimental na Paraan (EXPERIMENTAL METHOD)- Ito ang pamamaraan na tunay na makakasubok sa palagay o hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga
URI NG PANANALIKSIK
1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research)
Ang pananaliksik na ito ay may layuning magpaliwanag ng isang paksa. Ito ay binubuo ng teorya o paliwanag sa isang pangyayari.
Ang resulta ng pananaliksik na ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa kanilang paligid.
(kung mapapansin ang paksang ito ay hindi na bagong paksa na nais tuklasin sapagkat ang facebook ay dumaan na sa napakaraming pag-aaral ngunit nilalayon ng pag-aaral na ito na magbigay ng karagdagang impomasyon sa facebook hinggil sa kung ano ang nagiging epekto nito sa pakikisalamuha ng tao.)
2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)
- Ito ay gumagamit ng sopistikasyon sapagkat ito'y konklusyon at estadistika, gumagamit ng prediksiyon na nagkakatotoo. Karaniwang ito'y bunga ng madaling pagsasagawa ayon sa hinihinging panahon, Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng adbertisment., Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at mga napiling sampling. Ex. Panahon ng eleksiyon
-Ang layuning ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang suliraning iyon. Ito ay may layuning solusyunan ang suliranin ng tao at ang suliraning umiiral sa kanyang paligid.
3. Empirikal o Mala siyentipiko -
Nangangailangan ito ng malalim na pagsusuri ng ibidensiya at mga aktuwal na mga datos. Kailangang naihahambing, nailalarawan at natutuos ang mga datos upang makita ang relasiyon ng haypotesis sa panukalang tesis o kaya'y disertasyon na isang trabahong siyentipiko
4. Pure Research- para sa sariling pangkasiyahan upang maunawaan/mabigyang linaw gumugulo sa isipan ng gagawa ng pag-aaral. Maaaring gawin ayon sa hilig ng mananaliksik
5. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research) -ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon o komunidad. Ang pananaliksik na ito ay may payak na suliranin at kadalasang bahagi ang mananaliksik sa pinag-aaralan.