Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Samantala, ayon naman kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat- pampanananaliksik.
Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan. (Manuel at Medel:1976)
Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating depinisyon ang kina E. Trece at J. W Trece (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layuning prediksyon at eksplanasyon.
No comments:
Post a Comment