School of Saint Anthony
Lagro, Quezon City
Kasunduan sa Asignaturang Filipino
2010 – 2011
A. KWADERNO
1. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang may kwaderno sa asignaturang Filipino na magiging talaan ng mga aralin/lectures, takdang-aralin at gawain-upuan o pagsasanay.
2. Kailangang kumpleto ang mahahalagang tala mula sa tinalakay na mga paksang-aralin.
3. Ito ay inaasahang maipapasa sa guro isang linggo bago ang Pangkasanayan o Pangkalahatang Pagsusulit. Maaring suriin/siyasatin ng guro ng 2 hanggang 3 beses sa bawat markahan, gayon din ng Tagapag-ugnay sa Filipino.
B. TAKDANG ARALIN, PAGSASANAY (GAWAING UPUAN) AT MAIKLING PAGSUSULIT (QUIZZES)
1. Ang mga takdang-aralin ay maaaring isulat sa kwaderno, papel, o bond paper batay sa sinabi ng guro. Ang bawat takdang-aralin ay maaaring may 10 o 20 puntos depende sa paksa o gawain. Kailangang may lagda ng magulang ang bawat takdang -aralin.
2. Sinumang mag-aaral na lumiban sa klase ay maaaring magpasa ng takdang-aralin sa kanyang pagbabalik sa eskwela. Ang mga maikling pagsusulit at pagsasanay na hindi nagawa ay makukuha, kapag nagbigay ng “special test” ang guro sa takdang panahong inilaan sa bawat klase . Kinakailangang ipakita ang “excuse letter” o medical na sertipiko upang mabatid ng guro ang dahilan ng kanyang pagliban. Bibigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral upang maipasa ang mga gawain dahil sa kanyang pagliban,
3. Ang mga mag-aaral na lumalahok sa paligsahan sa loob at labas ng paaralan ay bibigyan ng isang linggong palugit upang maisakatuparan at maipasa ang mga gawain, pagsusulit at takdang-araling hindi nagawa sa panahong siya’y wala sa klase. Pagkatapos ng inilaang panahon at hindi nakapagpasa ang isang kalahok, siya ay makatatanggap ng zero sa mga gawaing hindi naisakatuparan.
C. MGA PANGUNAHING PAGSUSULIT
1. Mayroong dalawang Lagumang Pagsusulit bawat markahan maliban sa huling markahan at Pangkalahatang Pagsusulit.
2. Ang mga mag-aaral na lumiban sa klase sa panahon ng pagsusulit ay makakakuha ng “special test”, ngunit kinakailangang sumunod sa itinakdang panahong ibibigay ng mga Pangalawang Punungguro at ito ay gagawin sa silid-aklatan o bakanteng silid-aralan.
3. Kailangang ipaalam sa gurong tagapayo ang dahilan ng pagliban sa klase at ipakita ang medical na sertipiko o “excuse letter”.
D. PROYEKTO
1. Ang bawat mag-aaral ay kailangang magpasa ng proyektong nakatakdang gawin sa bawat markahan. May integrasyon ng ilang asignatura ang ibang proyekto, depende sa maaaring pagsamahing disiplina (subject area).
2. Bibigyan ng isang buwan o higit pang paghahanda ang mga mag-aaral upang maipasa ang proyekto sa mga takdang panahong ibibigay ng guro.
3. Ang sinumang hindi makapagpasa ng proyekto sa mga takdang panahon ay makatatanggap ng 65 na grado.
4. Hindi tatanggapin ang anumang proyektong ipapasa nang huli pagkatapos ng mga takdang panahong ibinigay ng guro.
5. Ang mga mag-aaral na nagkaroon ng karamdaman o liban sa klase sa huling araw ng pasahan ay maaaring magpasa ng poryekto kapag siya’y nagbalik na sa paaralan kalakip ang excuse letter o medical certificate.
Paalala:
1. Kailangang dala palagi ng mga mag-aaral ang dalawang aklat sa asignatura sa panahon ng pagkikita.
2. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kasanayan sa pagsulat sa pamamagitan ng paggawa ng Sulating Pormal at Impormal.
3. Ang lahat ng mga takdang gawain ay kinakailangang maipasa bago matapos ang ikatlong markahan para sa pagpapapirma ng “clearance”.
4. Ang paraan ng pagmamarka sa proyekto ay depende sa paraan ng ebalwasyong ibinigay ng guro.
E. PARAAN NG PAGMAMARKA SA ASIGNATURANG FILIPINO
a) Markahang Pagsusulit ……………………………..25%
b) Interaksyong Pangklase
Lagumang Pagsusulit ..…………………….10%
Recitation at Group Presentation …………...15%
Pagsasanay / Gawaing-upuan …………….10%
c) Performance ……………………………...15%
Kwaderno
Proyekto
Takdang-aralin
d) Pasulat na Awtput
Maikling Pagsusulit (Quizzes) ………………….15%
Sulating Pormal at Impormal ………………….10%
100%
• PARAAN NG PAGMAMARKA SA KWADERNO
a) Kumpletong tala ng mga aralin at nilalaman………….……………,,,,,,,,,70%
b) Kalinisan, pagkamalikhain at maayos na pagsulat (penmanship)……30%
100%
F. PARAAN NG PAGMAMARKA SA ASIGNATURANG FILIPINO PARA SA MGA DAYUHANG MAG-AARAL
a) Markahang Pagsusulit …………………………….. 10%
b) Interaksyong Pangklase
Summative Test …………………………….. 10%
Recitation ………….…………………. 10%
c) Performance
Module ……………...………………….. 40%
(Quizzes, Seatwork and Assignments)
Sulatin …………………………………. 10%
Portfolio …………………………………… 10%
Kwaderno ……………. ………………………10%
100%
3 comments:
Teacher Dan, pangilang page po yan??
pangatlong page
Post a Comment