Translate

Saturday, June 26, 2010

Talambuhay ni Gat Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

TALAMBUHAY ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda
- Isinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861 sa pagitan ng ika-11:00 at ika-12:00 ng hatinggabi, araw ng Miyerkules sa bayan ng Calamba, Laguna.
- Tatlong araw ang nakalipas nang siya ay pinabinyagan sa simbahang Katoliko ng Calamba. Ang nagbinyag ay si Padre Rufino Collantes at ang tumayong ninong ay si Padre Pedro Casanas.
Ama ng Bayani
- Don Francisco Mercado Rizal
- Isinilang sa Binan, Laguna noong Abril 18, 1818
- Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Dalubhasaan ng San Jose sa Maynila.
- Binawian ng buhay noong Enero 5, 1898
Ina ng Bayani
- Dona Teodora Alonzo y Quintos Realonda
- Isinilang sa Sibalon (Ongpin ), Sta Cruz, Maynila noong Nobyembre 14, 1827
- Nagtapos sa Dalubhasaan ng Sta. Rosa
- Binawian ng buhay sa Maynila noong Agosto 16, 1911
Mga Kapatid
1. Saturnina ( 1850-1913 )
2. Paciano ( 1851 – 1930 )
3. Narcisa ( 1852 – 1939 )
4. Olimpia ( 1855 – 1887 )
5. Lucia ( 1857 – 1919 )
6. Maria ( 1859 – 1945 )
7. Jose ( 1861 – 1896 )
8. Concepcion ( 1862 – 1865 )
9. Josefa ( 1865 – 1945 )
10. Trinidad ( 1868 – 1951 )
11. Soledad ( 1870 – 1929 )



Ang Kuwento ng Gamugamo
Sa lahat ng mga kuwentong isinalaysay kay Rizal ng kaniyang ina, ang tungkol sa gamugamo ang nag-iwan ng alaalang hindi makatkat sa kanyang isipan. Sa murang edad naitanim ang pagiging martir ng batang gamugamo na hindi inalintana ang kamatayan masunod lamang ang pangarap na makita ang liwanag.
Pag-Aaral
 Calamba – 1864 - ina ang unang guro-
- alpabeto at dasal
 Binan- 1870-871 Justiniano Aquino Cruz
Gramatika/Balarila
‘Sa Aking Mga Kabata’ - 1868 pinakaunang tula
 Ateneo de Municipal / de Manila 1872
pagbasa, pagsulat, aritmetika at relihiyon
 Unibersidad ng Sto. Tomas 1878
 Unibersidad Central de Madrid 1882
Pagkakulong ng Ina
1871 – Calamba, Laguna :
ikinulong ang ina niDr. Jose Rizal na si Dona Teodora Alonso dahil sa di umano’y pagkakalason sa asawa ng kaniyang pinsan na si Jose Alberto, isang kilalang negosyante sa bayan ng Binan, Laguna sa loob ng dalawang taon.
Mga Iba Pang Guro
1. Tiyo Manuel – nagturo ng pagpapalakas ng katawan at pagtatanggol ng sarili
2. Tiyo Jose Alberto – nagturo sa kahalagahan ng aklat
3. Tiyo Gregorio – nagturo sa pagpapahalaga sa sining
4. Leon Monroy – nagturo ng Latin
5. Tiyo Gregorio – nagturo ng pagpipinta
Unang Pakikipag-away sa Paaralan- pinagtawanan si Jose
ng kaniyang mga kamag-aral. Ito ay pinasimulan ng anak ng guro na si Pedro.Dahil sa pamamaraan sa pagtatanggol sa sarili na tinuro sa kanya ng Tiyo Manuel ay nagawang matalo ni Jose si Pedro.
1. Sa Ateneo – si Jose ay ipinadala sa Ateneo Municipal, isang kilalang
paaralan para sa mga kalalakihan. Noong una ay ayaw siyang tanggapin ni Padre Magin
Fernando sapagkat :
a. Huli na siyang nagpatala
b. Maliit at sakitin siya
Sa UST – noong 1878. Kumuha siya ng medesina sapagkat nais niyang magamot ang nanlalabong mata ng kaniyang ina at ipinayo ito sa kanya ng pari Rektor sa Ateneo na si Padre Pablo Roman
-may akda ng – A La Juventud Filipino(tula
Unibersidad Central de Madrid
• -nag-aral ng Pilosopiya at Medesina noong Nob.3, 1882
• Laong-laan ang sagisag na panulat sa pahayagang La Solidaridad
Mga aklat na binasa
• 1. Ang Konde ni Monte Cristo
• 2. Uncle Tom’s Cabin
• 3. The Wandering Jew
• 4. Universal History
• 5. Travel in the Philippines
Pag-Ibig ni Jose Rizal
- Mayroong siyam na babae na naugnay kay Jose Rizal :
1. Segunda Katigbak ( puppy love )
2. Leonor Valenzuela
3. Leonor Rivera ( true love ) – naging kasintahan ni Jose Rizal sa loob ng 11 taon, inilagay sa katauhan ni Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere
4. Consuelo
5. O Sei San – tinulungan si Jose na maintindihan ang pag-aaral ng Hapones.
6. Josephine Bracken – nakilala ni Jose Rizal sa Dapitan
Kamatayan ni Jose Rizal
Disyembre 29, 1896
11:00-12:00 n.g. – kinuha ni Rizal ang kaniyang oras para itago ang ginawang tula sa loob ng isang lampara. Kailangan niya itong gawin para hindi makahalata ang mga nagbabantay sa
kaniya. Malalaman na ang naturang tula ay ang ‘Huling Paalam’

Disyembre 30, 1896
5:00 – 6: 15 n.u. – naghilamos si Jose, kumain ng agahan at ginawa ang mga personal na gawain. Gumawa ng sulat para kay Josephine.
6:15-7:00 n.u. – naglakad si Jose sa Bagumbayan / Luneta kung saan siya babarilin
7:00 – 7:03 – narinig ang tunog ng mga baril
- Namatay si Jose Rizal sa batang gulang na 35 .
Buod ng Pelikulang Jose Rizal sa katauhan ni Cesar Montano
Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing upang itambad ang nasalikod na mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa nobela sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga Pilipino. Inilahad ang kawawang kalagayan ng Pilipinas, ang kanilang daing.
Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya ay pilit na ipinaaamin kung may kinalaman siya sa rebelasyon
• Nagunita rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA, ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Binan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina ng dalawang taon dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang nanang. Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya. Naikwento niya dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas.
• Habang sa Pilipinas, unti-unting ginigising ng Noli Me Tangere ni Rizal ang taong bayan, na panahon na ng pag-aaklas tulad narin ng sinabi ni Elias kay Ibarra. Dahil dito, upang hadlangan ang mga layunin ni Rizal, ipinagbawal at ipinasunog ng mga prayle ang lahat ng kopya ng Noli Me Tangere. Ginamit pa nila ang relihiyong Katoliko upang kontrolin ang mga Pilipino. Lalamunin nang apoy ang sinumang mapangahas, matakot na at magbalik loob na sa simbahan.
• Ika-30 ng Disyembre, 1896
• Araw ng kamatayan. Habang naglalakad patungo sa huling hantungan, naalala ni Rizal ang buhay niya sa Ateneo. Ang simula ng masasaya niyang araw. Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinagbigyan. Sa halip, hiniling na lang ni Rizal na huwag nalang patamaan ang kanyang ulo. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan nito noong ika-12 ng Hunyo, 1898.


Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Bago ang 1884- Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika
Enero 2, 1884
Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng Central University of Madrid
(C.U.M ) sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena, Valentin Ventura at ang magkakapatid
na Paternos. Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid na sumulat
sila ng isang nobelang hango sa masamang kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim
ng pamumuno ng Kastila at ang lahat ay sumang-ayon. Iminungkahi ni Rizal na pangkat
sila upang mailahad ang lahat ng pananaw. Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang pangkat” ng nobela ay hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang nobela ay nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon ang lahat maliban kay
Rizal sa sugal at pambabae kaya napabayaan ang napagkasunduan.Inumpisahan
ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos ang unang kalahati.Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa C.U.M., ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa nobela sa Paris,
Fransya kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang bahagi
ng nobela
April-June 1886
Sa loob ng mga buwan na ito,tinapos ni Rizal ang nobela sa Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit
wala pang pamagat.
Disyembre, 1886
Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siya’y nagutom at
nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi
naman inaanyayahan (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang
nobela kaya napag-isipang sunugin ito. Salamat na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola,
isang dating kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng nobela at
nagbigay ng pera upang matugunan ang mga pangangailangan.

Pebrero 21, 1887-Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng nobela upang mahanda sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan na Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft.Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi sa halagang P300.00.
Marso 5, 1887
Habang iniimprenta ang nobela ni Rizal, saka lang siya nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli Me Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang
bahaging ito ng bibliya ay nagsalaysay sa araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena: “Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama sa langit
Marso 21, 1887
Inilabas na ang nobelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa wikang Kastila.
Mga Kumakatawan sa mga Tauhan ng Noli Me Tangere
“Ang mga pangyayari na isinulat ko sa nobela ay pawang katotohanan lamang…Mapatutunayan ko iyan.”
--Jose Rizal
 Maria Clara – Leonor Rivera
 Crisostomo Ibarra/Elias - Rizal
 Tasyo – Paciano
 Padre Salvi – Fr. Antonio Peirnavieja of the Augustinian order.
 Kapitan Tiago – Capt. Hilario Sunico of San Nicolas.
 Dona Victorina – Dona Agustina Medel
 Padre Damaso – karaniwang paring Kastila noong panahon ni Rizal
Bakit isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere?
1. Upang ipaalam sa mga Espanyol sa Espanya ang mga kasamaang ginagawa ng kanilang kalahi sa mga Pilipino
2. Upang mamulat ang mga Pilipino sa mga maling pamamalakad ng mga Kastila
3. Upang ialay sa inang bayan
4. Dahil sa pagbasa niya ng Uncle Tom’s Cabin na nagsilbing inspirasyon
5. Upang magkaroon ng lunas sa kanser ng lipunan

9 comments:

camille said...

thank u po sa site na ito dhil ang dmi po nlang ibinahaging kaalaman sa atin ngayon ay alam ko na kya nkatulong po ito ng mlaki sa akin pati na rin sa iba nadagdagan pa ung mga kaalaman nmin kya maibabahagi pa nmin ito sa iba na hindi pa nakakaalam kya thank u po ng sobra sobra sana may maibahagi pa po kau sa amin ng iba pa at mas mrami pa sa gayon matulungan nyo pa po kmi at msagot ang aming mga katanungan na hanggang ngayon ay ndi pa rin msagot.. thank u po ulit

camille said...

thank u po..arigatou gozaimasu...

Anonymous said...

it really help me with my essay for our history class..thanks a lot...

Anonymous said...

bobo kasi kau eh

Anonymous said...

salamat po dito! :))) pinagawa nyo madali ang aking assignment :D

loudelene said...

<<>>>>>>

Anonymous said...

hastang malasa..sacto ba kaha ni..para sa akong report..para sa filipino...

darkside said...

ganbatte kudasai

ms.yamatho_13 said...

salamat po.. dahil po dito nagawa ko po ng maayos ang aking proyekto sa pilipino:) ....

naway marami pa po kayong matulungan na katulad kong mag-aaral:)