Takdang Aralin # 3 (Agosto 1-4)
A. Magsaliksik sa mga sumusunod :
1. Kaligirang Pangkasaysayan
ng Ibong Adarna
2. Mahahalagang Tauhan ng Ibong
Adarna at katangian ng bawat isa
B. Gumawa ng Repleksyon (6-15 pangungusap bawat aralin)
3. Aralin 1- Panalangin
4. Aralin 2- Si Haring Fernando
C. Gumawa ng tsart na nagpapakita ng pagkakaiba ng korido at awit
(Ilagay / Isulat sa kwaderno)
Ang pahinang ito ay laan sa lahat ng mag-aaral ng wikang Filipino hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Misyon kong maibahagi sa lahat ang kalinangan at pagkakakilanlan ng lahing Pilipino hanggang sa mga susunod na henerasyon. Maraming salamat sa iyong pagdalaw.
Translate
Thursday, July 28, 2011
Friday, July 15, 2011
Sakop ng Lagumang pagsusulit Hulyo 18
makrong kasanayan ,
kasaysayan ng pabula,
elemento ng pabula,
matsing at pagong,
bahagi ng pananalita-pang-uri pang-angkop pang-abay,
ayos ng pangungusap,
tungkulin ng pangungusap,
pinagmulan at katangian ng wika,
elemento ng tula
Kahulugan ng Filipino.

Elemento ng Tula
Mga Elemento ng Tula
a. Tugma
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
b. Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
c. Saknong
- tumutukoy sa grupo ng mga linya o taludtod
d. Taludtod -linya sa loob ng saknong
e. Tono/Indayog
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
f. Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan
g. Kariktan ng tula
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa
Tayutay
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
h. Talinghaga -malalalim na salita

Tuesday, July 12, 2011
WIKA
Mga Mahahalagang Kaisipan at Kahulugan ng Filipino ay maaaring i-download sa
http://www.ziddu.com/download/15663153/Wika2.doc.html
http://www.ziddu.com/download/15663153/Wika2.doc.html
Monday, July 11, 2011
Pinagmulan at katangian ng Wika
Maaari niyong i-download ang Pinagmulan at katangian ng Wika sa
http://www.ziddu.com/download/15651044/Mga-Katangian-Ng-Wika.doc.html
http://www.ziddu.com/download/15651044/Mga-Katangian-Ng-Wika.doc.html
Sunday, July 10, 2011
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
Ako’y Isang Mabuting Pilipino
BY: Noel Cabangon
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkunin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.
Nagbaba at nagsasakay ako sa tamang sakayan
‘di na makahambalang parang walang pakiaalam.
Pinagbibigyan Kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatangap kung binibigay
Ako’y nakatayo dun mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.
‘Di ako nagkakalat ng Basura sa lansangan.
‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos kong mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot.
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok.
Pinagtatangol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko binabenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayaan
Di ko binubulsa ang pera ng Bayan
Pinagtatangol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban ko ang Dangal ng bayan ko.
‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin.
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Pagkat ako’y ilang mabuting Pilipino
Panatang makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y tkanyang kinukopkop
At tinutulungan upang maging malakas
Maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti diringin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Sunsundin ko ang mga tungkulin ang aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayng makabayan
Paglilingkuran ko ang aking bayan
Ang walang pagiimbot at buong katapan
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino
Sa isip sa salita at sa gawa

Saturday, July 9, 2011
SULATING PORMAL
>>>Pagsulat ng Sanaysay at Tula
Panuntunan:
1.Ang bawat mag-aaral ay kailangang magpasa ng SULATIN na isusulat sa isang buong papel.
2. Ang paksa ng sulating pormal ay tungkol sa tema ng Buwan ng Wika 2011:
"ANG FILIPINO AY WIKANG PANLAHAT,ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS"
3. Maaaring pumili lamang kung sanaysay o tula ang gagawin. Para sa sanaysay,siguraduhin na ito'y naglalaman ng tatlong bahagi at sangkap sa pagbuo ng mahusay na sanaysay.Para sa Tula, ito'y maaaring may sukat/walang sukat,may tugma /wala.Samakatuwid, maaaring maging malaya o 'di malayang uri ng tula na nagtataglay ng kariktan.
4. Ito ay mas lalong ipapaliwanag ng guro sa Lunes, Hulyo 11 at kailangan maipasa hanggang sa Hulyo 15.
>>>Magsasagawa ng eliminasyong pangklase ang mga guro ng asignaturang Filipino para sa pagsulat ng sanaysay at tula na gagawin sa Agosto . Bahagi ito ng pagdiriwang pangklase ng Buwan ng Wika na makikita sa banghay-aralin ng guro at bilang gawaing upuan ng mag-aaral.

Monday, July 4, 2011
Pagganyak
(hindi ito homework NGUNIT malaki ang maitutulong nito upang maengganyo ka na basahin ang Ibong Adarna)
1. Bakit maraming kasintahan si Don Juan?
2. Uso na ba noon ang panliligaw ng babae sa lalaki?
3. Kapag tatlong babae ang nag-aagawan sa isang lalaki, sino ang dapat piliin ng lalaki, sang-ayon sa batas ng Diyos?
4. Sino ang dapat pakasalan ng lalaki: ang MINAMAHAL NIYA o ANG NAGMAMAHAL SA KANYA?
5. Hanggang saan ang kayang gawin ng isang babae/lalaki para sa kanyang minamahal?
6. Ano ang kayang gawin ni HARING SALERMO at MARIA BLANCA na HINDI KAYANG GAWIN NINA HARRY POTTER, DUMBLEDORE at mga KAMAG-ANAK ni Dracula sa TWILIGHT?
7. May gantimpala ba talagang naghihintay para sa mga gumagawa ng mabuti? Kung wala, bakit pa tayo dapat gumawa ng mabuti?
8. Ano ba ang tunog ng awit ng Ibong Adarna?
9. Ano ba talaga ang tunay na pamagat ng Ibong Adarna?
10. Bakit kaya walang tiyak na may-akda ang Ibong Adarna?Kailan kaya ito lumaganap?

Sunday, July 3, 2011
PANG-ABAY
Pang-abay – nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at iba pang pang-abay.
Halimbawa:
1. Tumakbo nang mabilis ang atleta.
2 Pangkat ng Pang-abay
1. Mga katagang pang-abay o ingklitik
2. Mga pang-abay na binubuo ng salita o parirala
16 na katagang pang-abay o ingklitik
ba daw/raw tuloy pa
kasi din/rin nga
kaya naman lamang/lang
na yata man
sana pala muna
Pang-abay na Pamanahon
• nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. (nang, sa noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,hanggang) / (kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali atbp.)
Halimbawa:
1. Tuwing Pasko ay nagsasalu-salo ang mag-anak sa noche buena.
2. Kung araw ng Linggo ay nagsisimba ang kanilang mag-anak.
3. Manonood kami bukas ng pagtatanghal sa CCP.
Pang-abay na Panlunan
• tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. (sa, kay o kina)
Halimbawa:
1. Masasarap na ulam ang itinitinda sa cafetorium.
2. Maraming nagsasaliksik sa silid-aklatan.
3. Siya ay nagsaing sa kaldero.
Pang-abay na Pamaraan
• naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. (nang, na, -ng)
Halimbawa:
1. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina.
2. Mabilis na tumakbo ang bata.
3. Natulog siya nang patagilid.
Pang-abay na Pang-agam
• tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. (marahil, siguro, tila, baka)
Halimbawa:
1. Marami na marahil ang nakakaalam sa pasya ng Sandiganbayan.
2. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
3. Waring natutupad din ang kanyang mga pangarap.
Pang-abay na Kundisyunal
• nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. (kung,kapag, pag, pagka-)
Halimbawa:
1. Kapag dumating na ang eleksyon, siguradong di-maiiwasan ang kaguluhan.
2. Maraming dolyar ang papasok sa bansa kapag nakapagbibili na tayo ng langis sa ibang bansa.
3. Makakamit ang pagbabagong inaasam kung buong-puso tayong makikiisa sa pagkilos.
Pang-abay na Panang-ayon
nagsasaad ng pagsang-ayon. (oo,opo,tunay,talaga)
Halimbawa:
1. Tunay na maraming Pilipino ang naghihirap sa kasalukuyan.
2. Opo, asahan niyo ang aking pagtulong.
3. Talagang mabilis ang pag-unlad ng turismo.
Pang-abay na Pananggi
• mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi. (hindi, di, ayaw)
Halimbawa:
1. Hindi pa lubusang nasusugpo ang kahirapan.
2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.
3. Di itinatanggi ng akusado ang paratang sa kanya.
Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
• mga pang-abay na nagsasaad ng timbang o sukat.
Halimbawa:
1. Tumaba ako nang limang libra.
2. Pinabawasan niya nang isang metro ang telang binibili niya.
3. Tumagal ng dalawang oras ang paglalakad ng mga kalahok sa parada.
Pang-abay na Kusatibo
• tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. (dahil, dahil sa)
Halimbawa:
1. Nagkasakit siya dahil sa pabago-bagong panahon.
2. Napapaniwala ko sila dahil dito (larawan).
Pang-abay na Benepaktibo
• tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Maglugaw ka para sa maysakit.
2. Magbenta ka ng mga lumang gamit para kumita ka at lumuwag ang iyong kwarto.
Pang-abay na Pangkaukulan
• pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol.
Halimbawa:
1. Nagplano kami tungkol sa gaganaping Christmas party.
2. Nagtapat siya sa kanyang kapatid hinggil sa totoong nangyari.

Takdang Aralin #2 (Para sa Hulyo 4- 8 )
Takdang Aralin # 2
1. Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod :
Panitikan :
Aralin 1 – “Nagkamali ng Utos”
ni Paz M. Belvez
Aralin 2 – “ Oo Nga’t Pagong”
ni Paz M. Belvez
Gramatika/Retorika
- Pangungusap a. dalawang bahagi
a.1. simuno
a.2. panaguri
b. Uri ng Pangungusap
b.1. ayon sa pagkakabuo o
kayarian
b.2. ayon sa gamit o tungkulin
2. Bumuo ng REPLEKSYON mula sa dalawang binasang pabula(may 2 talata at 4 na pangungusap pataas sa bawat talata)
Halimbawa : Ang Aking Repleksyon(Pamagat)
______________(unang repleksyon para sa "Nagkamali ng Utos")____
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________(ikalawang repleksyon para sa "Oo nga't Pagong")__

3. Ibigay ang kahulugan ng 4 na Uri ng Pangungusap ayon sa pagkakabuo o
kayarian at ayon sa gamit o tungkulin . Magbigay ng isang pangungusap bawat
kayarian at gamit ng pangungusap.
Sanggunian:
Bukal I- Serye sa Filipino Para sa Mataas na Paaralan ni Rodolfo C. Cruz et.al mp.2, 7 , 13, p.32

Saturday, July 2, 2011
Ang Aklasan ni Amado V. Hernandez
Ang Aklasan ni Amado V. Hernandez
I
Nangatigil
ang gawain
sa bukirin.
Nagpapahinga
ang makina
sa pabrika.
Natiwangwang
ang daunga’t
pamilihan.
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
Nangalupaypay
ang puhunan
at kalakal.
Nangasara
ang lahat na…
Welga! Welga!
Bawa’t sipag,
bawa’t lakas
ay umaklas.
Diwang dungo’t
ulong yuko’y
itinayo.
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.
Pagka’t bakit
di kakain
ang nagtanim?
Ang naglitson
ng malutong,
patay-gutom.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
ng salapi’y
nanghihingi.
Ang gumawa
ng dambana’y
hampas-lupa.
Ang bumungkal
niyang yaman,
nangungutang.
II
Bakit? Bakit
laging lupig
ang matuwid?
Di nasunod
pati Dios
na nag-utos.
Di tinupad,
binaligtad
pati batas.
Ah, kawawa
ang paggawa
at ang dukha.
Laging huli,
laging api,
laging bigti!
Ang aklasa’y
di tagumpay,
kung sa bagay.
Nalilibid
ng panganib,
dusa’t sakit.
Pagka’t ito
ay simbuyong
sumusubo.
Pagka’t ningas
na nagliyab
at sumikab.
Pagbabangon
ng ginutom
at inulol.
Himagsikan
ng nilinlang
at pinatay.
Buong sumpa,
poot, luha,
ng paggawa.
Katapusan
ng kasama’t
pangangamkam.
At sa wakas,
bagong batas,
bagong palad!
III
Nguni’t habang may pasunod
Na ang tao’y parang hayop,
Samantalang may pasahod
Na naki’y isang limos,
Habang yaong lalong subsob
At patay sa paglilingkod
Ay siyang laging dayukdok,
Habang pagpapabusabos
Ang magpaupa ng pagod,
Habang daming nanananghod
Sa pagkaing nabubulok
Ng masakin at maramot,
Habang laging namimintog
Sa labis na pagkabusog
Ang hindi nagpawis halos,
At habang may walang takot
Sa lipunan at Diyos,
At may batas na baluktot
Na sa ila’y tagakupkop,
Ang aklasan ay sisipot
At magsasabog ng poot,
Ang aklasa’y walang lagot,
Unos, apoy, kidlat, kulog,
Mag-uusig, manghahamok
Na parang talim ng gulok,
Hihingi ng pagtutuos
Hanggang lubusang matampok,
Kilalani’t mabantayog
Ang katwirang inaayop,
Hanggang ganap na matubos
Ang Paggawang bagong Hesus
Na ipinako sa kurus.
I
Nangatigil
ang gawain
sa bukirin.
Nagpapahinga
ang makina
sa pabrika.
Natiwangwang
ang daunga’t
pamilihan.
At sa madla
ay nagbanta
ang dalita.
Nangalupaypay
ang puhunan
at kalakal.
Nangasara
ang lahat na…
Welga! Welga!
Bawa’t sipag,
bawa’t lakas
ay umaklas.
Diwang dungo’t
ulong yuko’y
itinayo.
Ang maliit
na ginahis
ay nagtindig.
Pagka’t bakit
di kakain
ang nagtanim?
Ang naglitson
ng malutong,
patay-gutom.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
ng salapi’y
nanghihingi.
Ang gumawa
ng dambana’y
hampas-lupa.
Ang bumungkal
niyang yaman,
nangungutang.
II
Bakit? Bakit
laging lupig
ang matuwid?
Di nasunod
pati Dios
na nag-utos.
Di tinupad,
binaligtad
pati batas.
Ah, kawawa
ang paggawa
at ang dukha.
Laging huli,
laging api,
laging bigti!
Ang aklasa’y
di tagumpay,
kung sa bagay.
Nalilibid
ng panganib,
dusa’t sakit.
Pagka’t ito
ay simbuyong
sumusubo.
Pagka’t ningas
na nagliyab
at sumikab.
Pagbabangon
ng ginutom
at inulol.
Himagsikan
ng nilinlang
at pinatay.
Buong sumpa,
poot, luha,
ng paggawa.
Katapusan
ng kasama’t
pangangamkam.
At sa wakas,
bagong batas,
bagong palad!
III
Nguni’t habang may pasunod
Na ang tao’y parang hayop,
Samantalang may pasahod
Na naki’y isang limos,
Habang yaong lalong subsob
At patay sa paglilingkod
Ay siyang laging dayukdok,
Habang pagpapabusabos
Ang magpaupa ng pagod,
Habang daming nanananghod
Sa pagkaing nabubulok
Ng masakin at maramot,
Habang laging namimintog
Sa labis na pagkabusog
Ang hindi nagpawis halos,
At habang may walang takot
Sa lipunan at Diyos,
At may batas na baluktot
Na sa ila’y tagakupkop,
Ang aklasan ay sisipot
At magsasabog ng poot,
Ang aklasa’y walang lagot,
Unos, apoy, kidlat, kulog,
Mag-uusig, manghahamok
Na parang talim ng gulok,
Hihingi ng pagtutuos
Hanggang lubusang matampok,
Kilalani’t mabantayog
Ang katwirang inaayop,
Hanggang ganap na matubos
Ang Paggawang bagong Hesus
Na ipinako sa kurus.
Pandiwa
PANDIWA
• Salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
• Salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
ASPEKTO NG PANDIWA
1. PERPEKTIBO (ASPEKTONG PANGNAKARAAN) – kilos na nasimulan na at natapos na
1.1 ASPEKTONG PERPEKTIBONG KATATAPOS – nagsasaad ng kilos na kayayari o katatapos pa lamang bago nagsimula ang pagsasalita. (unlaping ka- + pag-uulit ng KP/P ng salitang ugat).
Anyong Pawatas
Maglakbay
magsulat
mag-impok
kumain
Perpektibong Katatapos
kalalakbay
kasusulat
kaiimpok
kakakain
2. IMPERPEKTIBO (ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN) – kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy
3. KONTEMPLATIBO (ASPEKTONG PANGHINAHARAP) – kilos na hindi pa nasisimulan
Anyong Pawatas
Magsaliksik
Yumuko
Pagbawalan
Matamaan
Lagutan
Regaluhan
Umawit
Perpektibo
Nagsaliksik
Yumuko
Pinagbawalan
Natamaan
Nilagutan
Niregaluhan ~ renigaluhan
Umawit
Imperpektibo
Nagsasaliksik
Yumuyuko
Pinagbabawalan
Natatamaan
Nilalagutan
Nireregaluhan ~ reniregaluhan
Umaawit
Kontemplatibo
Magsasaliksik
Yuyuko
Pagbabawalan
Matatamaan
Lalagutan
Reregaluhan
Aawit

Friday, July 1, 2011
Bahagi ng Pananalita
Mga Bahagi ng Pananalita
A. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)
1. Mga Nominal
a. Pangngalan
b. Panghalip
2. Pandiwa
3. Mga Panuring
a. Pang-uri
b. Pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig
b. Pang-angkop
c. Pang-ukol