PROYEKTO sa Filipino III
TP 2010-2011
Pamagat ng Kabuuang Proyekto : Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula gamit ang mga Teoryang Pampanitikan
I.Rasyunal
Batay sa itinadhanang kompetensi ng Revised Basic Education Curriculum, ang pag-aaral ng Filipino III sa mataas na paaralan ay naglalayong makahubog ng mga mag-aaral na mahuhusay na komyunikeytor ng wikang Filipino sa isang iskolarling pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita. Binibigyang-seguridad ang layuning ito sa pamamagitan ng iba't ibang pagdulog sa pagtuturo at pagkatuto. Kasama na ang pagpapaigting sa pagiging malikhain ng mga mag-aaral.Tinitiyak na ang mga makrong kasanayang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral ay napauunlad gamit din ang maraming gawaing tutulay sa iba pang disiplina ng karunungan.
Bunga ng mga konseptong ito, naghanda ang mga guro sa Filipino III ng isang developmental na proyekto na tutugon sa pagsukat sa kaalamang konseptwal at kasanayang saykomotor ng mga mag-aaral sa pag-aaral na kursong nabanggit. Sentro ng proyekto ang mga batayang kaalaman sa pag-aaral ng Maikling Kuwento at Tula na nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Award sa taong 2006-2009.
II.Mga Layunin
Sa paggawa ng proyektong ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang mga batayang detalye ng tiyak na bahagi ng Maikling Kuwento (Simula,Saglit na Kasiglahan,Suliraning hinahanapan ng lunas, Kasukdulan, Kakalasan at Wakas)at ng tula(saknong, taludtud, sukat, talinghaga at tugma)na susuriin ng pangkat bilang pasulat at pasalitang ulat ng proyekto,
b. nakasusuri ng akda batay sa mga Teoryang Pampanitikan,
c. nalilinang ang kakayahan sa pagsasalita ng bawat kasapi ng pangkat sa pamamagitan ng malikhaing pag-uulat tulad ng panel discussion, balitaan o talk show,
d. nakasusulat ng sariling maikling kwento at tula batay sa napiling teoryang pampanitikan,
e. nakapagsasagawa ng power point at video presentation na naglalaman ng mga pagsusuring pampanitikan ng isang akda.
III. Mga Materyales
Kopya o sipi ng Maikling Kwento at Tula na nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Award 2006-2009
Over Head Projector/ LCD Projector na gagamitin sa pasalitang pag-uulat ng pangkat,
Mga materyales na gagamitin ng mag-aaral sa pagsulat ng maikling kwento at tula
CD na ipapasa bilang awtput ng mag-aaral
IV.Pamamaraan
Unang Markahan: Pangkatang Pag-uulat o Presentasyon
1. Ang mga mga mag-aaral sa bawat klase ay hahatiin sa anim na grupo (8-10 miyembro bawat grupo).
2. Bubunot ang bawat kinatawan ng pangkat mula sa mga sumusunod na anim na piling akdang nanalo sa Palanca Memorial Award :
a. “Ang Nanay kong Lola” ni Milagros B. Gonzalez (3rd Prize Maikling
Kwentong Pambata 2009)
b. “Ang Ikaklit sa Aming Hardin” ni Bernadette Neri (1st prize 2006 Maikling Kwentong Pambata)
c. “May Tatlong Kurimaw” ni Allan Alberto N. Derain (3rd Prize - Maikling Kwentong Pambata 2008)
d. “Ang Iba’t Ibang Ngalan ng Hangin” ni Mikael de Lara Co ( 1st Prize Kalipunan ng Tula 2008)
e. “Yaong Pakpak na Binunot sa Akin” ni
( 2nd Prize Kalipunan ng Tula 2009)
f. “Sambutil na Daigdig sa Ilalim ng Pilik” ni Gerardus Antilochus Y Cervantez
(3rd Prize Kalipunan ng Tula 2009)
3. Iuulat sa takdang panahon ng bawat pangkat ang mga akdang napili nila. Kinakailangang sa bawat pag-uulat, matatalakay ito sa malikhaing paraan tulad ng pagsasagawa ng panel discussion, balitaan o talk show. Ilalahad ang mga sumusunod na elemento ng Maikling Kuwento (Simula,Saglit na Kasiglahan,Suliraning hinahanapan ng lunas, Kasukdulan, Kakalasan at Wakas) at ng tula(saknong, taludtud, sukat, talinghaga at tugma) at susuriin ang akda batay sa mga teoryang pampanitikang nakapaloob sa akda.
4. Bubuo rin ang bawat pangkat ng isang pasulat na ulat (written report) na nagtataglay ng mga elementong tatalakayin sa pasalitang ulat.
5. Sa ngalan ng pagkakapantay-pantay ng gawain, kinakailangang ang lahat ng kasapi ng pangkat ay may bahagi sa pasalitang ulat.(Ang kasanayang ito ang sentro ng proyekto sa unang markahan na siyang bibigyan ng marka)
Halimbawang gawain ng mga kasapi :
a. Pinuno- punong tagapagsalita, tagalagom ng impormasyong ilalahad ng pangkat
b. Mga miyembro : tagapagtalakay ng bawat bahagi ng maikling kuwento at tula at ng teoryang pampanitikang nakapaloob sa akdang sinusuri.
Ikalawang Markahan: Pagsulat ng sariling Maikling Kwento at Tula
1. Bubuo ang bawat mag-aaral ng sariling Maikling Kwento o Tula at susuriin ito ng buong pangkat gamit ang mga teoryang pampanitikan at elemento ng akdang isinulat.
2. Matapos masang-ayunan ng guro ang nabuong akda ay kinakailangang tipunin ang mga ito upang makabuo ng isang kompilasyon na naglalaman ng kanilang mga akdang sinulat at sinuri.
Ikatlong Markahan : Pagsusuri ng ibang akda at
pagbuo ng video/powerpoint presentation
1. Matapos maisakatuparan ang paggawa at pagsusuri ng sariling akda, ang bawat pangkat ay magsusuri ng isa o dalawang popular na Maikling Kwento at Tula sa pamamagitan ng mga teoryang pampanitikan at elemento ng akda.
2. Ipapakita ito sa harap ng klase sa pamamagitan ng panonood ng powerpoint o video presentation.
Ang mga tagapanood ay
a. Magbigay ng opinyon / puna hinggil sa :
1. Pagsusuri ng elemento ng akda
2. Paggamit ng teoryang pampanitikan
3. Pagbuo ng kabuuang presentasyon
V.Batayan sa Pagmamarka
Gagamitin ang sumusunod na rubrics para sa una at ikalawang markahan na inihanda ng Kagawaran ng Filipino para sa mga pangkatan, pasalita, at pasulat na gawain na kalikasan ng mga proyekto sa una at ikalawang markahan.
1.Nilalaman 30%
-kaangkupan sa paksa ng proyekto
-katumpakan(accuracy) ng nilalaman ng proyekto
-kawastuhan ng ginawang proyekto
2.Organisasyon at Kahandaan 20%
-may sistema ang bawat detalye ng proyekto
-kawalan ng mga mali, tipograpikal man o may kinalaman sa paksa
-may daloy o organisasyon ang pagkakaugnay ng proyekto o paksa
3.Pagkamalikhain 30%
-nagtataglay ng astetikong katangian
-kakikitaan ng craftsmanship o kahusayan
-may balanseng kaugnayan ang kagandahan sa dapat na nilalaman ng
proyekto
4.Pangkalahatang presentasyon 14% / 12%
94% / 92%(Kabuuan)
para sa ikatlong markahan:
Magiging batayan ang RUBRIC PARA SA PANUNURING PAMPANITIKAN
na nasa sumunod na pahina.
Ginamit ang 96% bilang perpektong marka ng proyekto sa ikatlong markahan sapagkat ang markang nabanggit ang pinakamataas na marka sa mga kontroladong kraytirya ng asignatura sa ikatlong markahan.
VI. Mga Takdang Panahon ng Pagpapasa
Unang Markahan – Agosto 16-21, 2010
Ikalawang Markahan – Nobyembre 8-12, 2010
Ikatlong Markahan – Pebrero 1-4 , 2011
Ang pahinang ito ay laan sa lahat ng mag-aaral ng wikang Filipino hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Misyon kong maibahagi sa lahat ang kalinangan at pagkakakilanlan ng lahing Pilipino hanggang sa mga susunod na henerasyon. Maraming salamat sa iyong pagdalaw.
Translate
Tuesday, June 29, 2010
Saturday, June 26, 2010
Talambuhay ni Gat Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
TALAMBUHAY ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda
- Isinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861 sa pagitan ng ika-11:00 at ika-12:00 ng hatinggabi, araw ng Miyerkules sa bayan ng Calamba, Laguna.
- Tatlong araw ang nakalipas nang siya ay pinabinyagan sa simbahang Katoliko ng Calamba. Ang nagbinyag ay si Padre Rufino Collantes at ang tumayong ninong ay si Padre Pedro Casanas.
Ama ng Bayani
- Don Francisco Mercado Rizal
- Isinilang sa Binan, Laguna noong Abril 18, 1818
- Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Dalubhasaan ng San Jose sa Maynila.
- Binawian ng buhay noong Enero 5, 1898
Ina ng Bayani
- Dona Teodora Alonzo y Quintos Realonda
- Isinilang sa Sibalon (Ongpin ), Sta Cruz, Maynila noong Nobyembre 14, 1827
- Nagtapos sa Dalubhasaan ng Sta. Rosa
- Binawian ng buhay sa Maynila noong Agosto 16, 1911
Mga Kapatid
1. Saturnina ( 1850-1913 )
2. Paciano ( 1851 – 1930 )
3. Narcisa ( 1852 – 1939 )
4. Olimpia ( 1855 – 1887 )
5. Lucia ( 1857 – 1919 )
6. Maria ( 1859 – 1945 )
7. Jose ( 1861 – 1896 )
8. Concepcion ( 1862 – 1865 )
9. Josefa ( 1865 – 1945 )
10. Trinidad ( 1868 – 1951 )
11. Soledad ( 1870 – 1929 )
Ang Kuwento ng Gamugamo
Sa lahat ng mga kuwentong isinalaysay kay Rizal ng kaniyang ina, ang tungkol sa gamugamo ang nag-iwan ng alaalang hindi makatkat sa kanyang isipan. Sa murang edad naitanim ang pagiging martir ng batang gamugamo na hindi inalintana ang kamatayan masunod lamang ang pangarap na makita ang liwanag.
Pag-Aaral
Calamba – 1864 - ina ang unang guro-
- alpabeto at dasal
Binan- 1870-871 Justiniano Aquino Cruz
Gramatika/Balarila
‘Sa Aking Mga Kabata’ - 1868 pinakaunang tula
Ateneo de Municipal / de Manila 1872
pagbasa, pagsulat, aritmetika at relihiyon
Unibersidad ng Sto. Tomas 1878
Unibersidad Central de Madrid 1882
Pagkakulong ng Ina
1871 – Calamba, Laguna :
ikinulong ang ina niDr. Jose Rizal na si Dona Teodora Alonso dahil sa di umano’y pagkakalason sa asawa ng kaniyang pinsan na si Jose Alberto, isang kilalang negosyante sa bayan ng Binan, Laguna sa loob ng dalawang taon.
Mga Iba Pang Guro
1. Tiyo Manuel – nagturo ng pagpapalakas ng katawan at pagtatanggol ng sarili
2. Tiyo Jose Alberto – nagturo sa kahalagahan ng aklat
3. Tiyo Gregorio – nagturo sa pagpapahalaga sa sining
4. Leon Monroy – nagturo ng Latin
5. Tiyo Gregorio – nagturo ng pagpipinta
Unang Pakikipag-away sa Paaralan- pinagtawanan si Jose
ng kaniyang mga kamag-aral. Ito ay pinasimulan ng anak ng guro na si Pedro.Dahil sa pamamaraan sa pagtatanggol sa sarili na tinuro sa kanya ng Tiyo Manuel ay nagawang matalo ni Jose si Pedro.
1. Sa Ateneo – si Jose ay ipinadala sa Ateneo Municipal, isang kilalang
paaralan para sa mga kalalakihan. Noong una ay ayaw siyang tanggapin ni Padre Magin
Fernando sapagkat :
a. Huli na siyang nagpatala
b. Maliit at sakitin siya
Sa UST – noong 1878. Kumuha siya ng medesina sapagkat nais niyang magamot ang nanlalabong mata ng kaniyang ina at ipinayo ito sa kanya ng pari Rektor sa Ateneo na si Padre Pablo Roman
-may akda ng – A La Juventud Filipino(tula
Unibersidad Central de Madrid
• -nag-aral ng Pilosopiya at Medesina noong Nob.3, 1882
• Laong-laan ang sagisag na panulat sa pahayagang La Solidaridad
Mga aklat na binasa
• 1. Ang Konde ni Monte Cristo
• 2. Uncle Tom’s Cabin
• 3. The Wandering Jew
• 4. Universal History
• 5. Travel in the Philippines
Pag-Ibig ni Jose Rizal
- Mayroong siyam na babae na naugnay kay Jose Rizal :
1. Segunda Katigbak ( puppy love )
2. Leonor Valenzuela
3. Leonor Rivera ( true love ) – naging kasintahan ni Jose Rizal sa loob ng 11 taon, inilagay sa katauhan ni Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere
4. Consuelo
5. O Sei San – tinulungan si Jose na maintindihan ang pag-aaral ng Hapones.
6. Josephine Bracken – nakilala ni Jose Rizal sa Dapitan
Kamatayan ni Jose Rizal
Disyembre 29, 1896
11:00-12:00 n.g. – kinuha ni Rizal ang kaniyang oras para itago ang ginawang tula sa loob ng isang lampara. Kailangan niya itong gawin para hindi makahalata ang mga nagbabantay sa
kaniya. Malalaman na ang naturang tula ay ang ‘Huling Paalam’
Disyembre 30, 1896
5:00 – 6: 15 n.u. – naghilamos si Jose, kumain ng agahan at ginawa ang mga personal na gawain. Gumawa ng sulat para kay Josephine.
6:15-7:00 n.u. – naglakad si Jose sa Bagumbayan / Luneta kung saan siya babarilin
7:00 – 7:03 – narinig ang tunog ng mga baril
- Namatay si Jose Rizal sa batang gulang na 35 .
Buod ng Pelikulang Jose Rizal sa katauhan ni Cesar Montano
Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing upang itambad ang nasalikod na mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa nobela sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga Pilipino. Inilahad ang kawawang kalagayan ng Pilipinas, ang kanilang daing.
Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya ay pilit na ipinaaamin kung may kinalaman siya sa rebelasyon
• Nagunita rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA, ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Binan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina ng dalawang taon dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang nanang. Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya. Naikwento niya dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas.
• Habang sa Pilipinas, unti-unting ginigising ng Noli Me Tangere ni Rizal ang taong bayan, na panahon na ng pag-aaklas tulad narin ng sinabi ni Elias kay Ibarra. Dahil dito, upang hadlangan ang mga layunin ni Rizal, ipinagbawal at ipinasunog ng mga prayle ang lahat ng kopya ng Noli Me Tangere. Ginamit pa nila ang relihiyong Katoliko upang kontrolin ang mga Pilipino. Lalamunin nang apoy ang sinumang mapangahas, matakot na at magbalik loob na sa simbahan.
• Ika-30 ng Disyembre, 1896
• Araw ng kamatayan. Habang naglalakad patungo sa huling hantungan, naalala ni Rizal ang buhay niya sa Ateneo. Ang simula ng masasaya niyang araw. Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinagbigyan. Sa halip, hiniling na lang ni Rizal na huwag nalang patamaan ang kanyang ulo. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan nito noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Bago ang 1884- Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika
Enero 2, 1884
Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng Central University of Madrid
(C.U.M ) sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena, Valentin Ventura at ang magkakapatid
na Paternos. Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid na sumulat
sila ng isang nobelang hango sa masamang kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim
ng pamumuno ng Kastila at ang lahat ay sumang-ayon. Iminungkahi ni Rizal na pangkat
sila upang mailahad ang lahat ng pananaw. Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang pangkat” ng nobela ay hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang nobela ay nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon ang lahat maliban kay
Rizal sa sugal at pambabae kaya napabayaan ang napagkasunduan.Inumpisahan
ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos ang unang kalahati.Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa C.U.M., ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa nobela sa Paris,
Fransya kung saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang bahagi
ng nobela
April-June 1886
Sa loob ng mga buwan na ito,tinapos ni Rizal ang nobela sa Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit
wala pang pamagat.
Disyembre, 1886
Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siya’y nagutom at
nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi
naman inaanyayahan (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang
nobela kaya napag-isipang sunugin ito. Salamat na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola,
isang dating kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng nobela at
nagbigay ng pera upang matugunan ang mga pangangailangan.
Pebrero 21, 1887-Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng nobela upang mahanda sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan na Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft.Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi sa halagang P300.00.
Marso 5, 1887
Habang iniimprenta ang nobela ni Rizal, saka lang siya nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli Me Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang
bahaging ito ng bibliya ay nagsalaysay sa araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena: “Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama sa langit
Marso 21, 1887
Inilabas na ang nobelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa wikang Kastila.
Mga Kumakatawan sa mga Tauhan ng Noli Me Tangere
“Ang mga pangyayari na isinulat ko sa nobela ay pawang katotohanan lamang…Mapatutunayan ko iyan.”
--Jose Rizal
Maria Clara – Leonor Rivera
Crisostomo Ibarra/Elias - Rizal
Tasyo – Paciano
Padre Salvi – Fr. Antonio Peirnavieja of the Augustinian order.
Kapitan Tiago – Capt. Hilario Sunico of San Nicolas.
Dona Victorina – Dona Agustina Medel
Padre Damaso – karaniwang paring Kastila noong panahon ni Rizal
Bakit isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere?
1. Upang ipaalam sa mga Espanyol sa Espanya ang mga kasamaang ginagawa ng kanilang kalahi sa mga Pilipino
2. Upang mamulat ang mga Pilipino sa mga maling pamamalakad ng mga Kastila
3. Upang ialay sa inang bayan
4. Dahil sa pagbasa niya ng Uncle Tom’s Cabin na nagsilbing inspirasyon
5. Upang magkaroon ng lunas sa kanser ng lipunan

Sunday, June 20, 2010
KALUPI
Ang Kalupi
ni Benjamin P. Pascual
Mataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalawas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa habing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school au hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano’t paano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.
“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marat at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
“Bakit no?” anito.
“E ... e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.
“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aappuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pintaka sa inyo.”
“Anong wala!” pasinghal na sa abi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.’
“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat at sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.
“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng tatoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad ... isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, anompang evidencia ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin; maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulya.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e, me sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyag Ines ko nakatira sa Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Kiyapo at kung minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
“Samakatuwid ay dito kayang mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata dalhin na antin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno, kung gusti n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yp sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dlang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinwakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”
Napihiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa knayng balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na mula ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umiimik si Aling Marta habng minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya kapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanyang. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwarderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.
“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”
May himig pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin ang inyong pangalan at deriksiyon ng iyong bahay upang kung mangailangan ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng nahahayap na mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot ng gulo at kahihiyan! sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka ... saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ng Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“E ... e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saa pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gumita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
Sanggunian:
Gonzales, Bro. Andrew FSC At Bisa, Simplicio P. Sangwikaan 4: Sining ng komunikasyon para sa mataas na paaralan. Phoenix Publishing House, Inc. 1995

Thursday, June 10, 2010
Takdang Aralin #1
1. Bakit sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
2. Bakit sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa wikang Espanyol?
3. Anu-ano ang mga Teoryang Pampanitikan?
4. Gumawa ng balangkas ng talambuhay ni Rizal.
5. Ano ang buong pangalan ni Rizal?
Ipapasa ang kwaderno sa Martes, Hunyo 15, 2010. :)

Monday, June 7, 2010
kasunduan
School of Saint Anthony
Lagro, Quezon City
Kasunduan sa Asignaturang Filipino
2010 – 2011
A. KWADERNO
1. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang may kwaderno sa asignaturang Filipino na magiging talaan ng mga aralin/lectures, takdang-aralin at gawain-upuan o pagsasanay.
2. Kailangang kumpleto ang mahahalagang tala mula sa tinalakay na mga paksang-aralin.
3. Ito ay inaasahang maipapasa sa guro isang linggo bago ang Pangkasanayan o Pangkalahatang Pagsusulit. Maaring suriin/siyasatin ng guro ng 2 hanggang 3 beses sa bawat markahan, gayon din ng Tagapag-ugnay sa Filipino.
B. TAKDANG ARALIN, PAGSASANAY (GAWAING UPUAN) AT MAIKLING PAGSUSULIT (QUIZZES)
1. Ang mga takdang-aralin ay maaaring isulat sa kwaderno, papel, o bond paper batay sa sinabi ng guro. Ang bawat takdang-aralin ay maaaring may 10 o 20 puntos depende sa paksa o gawain. Kailangang may lagda ng magulang ang bawat takdang -aralin.
2. Sinumang mag-aaral na lumiban sa klase ay maaaring magpasa ng takdang-aralin sa kanyang pagbabalik sa eskwela. Ang mga maikling pagsusulit at pagsasanay na hindi nagawa ay makukuha, kapag nagbigay ng “special test” ang guro sa takdang panahong inilaan sa bawat klase . Kinakailangang ipakita ang “excuse letter” o medical na sertipiko upang mabatid ng guro ang dahilan ng kanyang pagliban. Bibigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral upang maipasa ang mga gawain dahil sa kanyang pagliban,
3. Ang mga mag-aaral na lumalahok sa paligsahan sa loob at labas ng paaralan ay bibigyan ng isang linggong palugit upang maisakatuparan at maipasa ang mga gawain, pagsusulit at takdang-araling hindi nagawa sa panahong siya’y wala sa klase. Pagkatapos ng inilaang panahon at hindi nakapagpasa ang isang kalahok, siya ay makatatanggap ng zero sa mga gawaing hindi naisakatuparan.
C. MGA PANGUNAHING PAGSUSULIT
1. Mayroong dalawang Lagumang Pagsusulit bawat markahan maliban sa huling markahan at Pangkalahatang Pagsusulit.
2. Ang mga mag-aaral na lumiban sa klase sa panahon ng pagsusulit ay makakakuha ng “special test”, ngunit kinakailangang sumunod sa itinakdang panahong ibibigay ng mga Pangalawang Punungguro at ito ay gagawin sa silid-aklatan o bakanteng silid-aralan.
3. Kailangang ipaalam sa gurong tagapayo ang dahilan ng pagliban sa klase at ipakita ang medical na sertipiko o “excuse letter”.
D. PROYEKTO
1. Ang bawat mag-aaral ay kailangang magpasa ng proyektong nakatakdang gawin sa bawat markahan. May integrasyon ng ilang asignatura ang ibang proyekto, depende sa maaaring pagsamahing disiplina (subject area).
2. Bibigyan ng isang buwan o higit pang paghahanda ang mga mag-aaral upang maipasa ang proyekto sa mga takdang panahong ibibigay ng guro.
3. Ang sinumang hindi makapagpasa ng proyekto sa mga takdang panahon ay makatatanggap ng 65 na grado.
4. Hindi tatanggapin ang anumang proyektong ipapasa nang huli pagkatapos ng mga takdang panahong ibinigay ng guro.
5. Ang mga mag-aaral na nagkaroon ng karamdaman o liban sa klase sa huling araw ng pasahan ay maaaring magpasa ng poryekto kapag siya’y nagbalik na sa paaralan kalakip ang excuse letter o medical certificate.
Paalala:
1. Kailangang dala palagi ng mga mag-aaral ang dalawang aklat sa asignatura sa panahon ng pagkikita.
2. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kasanayan sa pagsulat sa pamamagitan ng paggawa ng Sulating Pormal at Impormal.
3. Ang lahat ng mga takdang gawain ay kinakailangang maipasa bago matapos ang ikatlong markahan para sa pagpapapirma ng “clearance”.
4. Ang paraan ng pagmamarka sa proyekto ay depende sa paraan ng ebalwasyong ibinigay ng guro.
E. PARAAN NG PAGMAMARKA SA ASIGNATURANG FILIPINO
a) Markahang Pagsusulit ……………………………..25%
b) Interaksyong Pangklase
Lagumang Pagsusulit ..…………………….10%
Recitation at Group Presentation …………...15%
Pagsasanay / Gawaing-upuan …………….10%
c) Performance ……………………………...15%
Kwaderno
Proyekto
Takdang-aralin
d) Pasulat na Awtput
Maikling Pagsusulit (Quizzes) ………………….15%
Sulating Pormal at Impormal ………………….10%
100%
• PARAAN NG PAGMAMARKA SA KWADERNO
a) Kumpletong tala ng mga aralin at nilalaman………….……………,,,,,,,,,70%
b) Kalinisan, pagkamalikhain at maayos na pagsulat (penmanship)……30%
100%
F. PARAAN NG PAGMAMARKA SA ASIGNATURANG FILIPINO PARA SA MGA DAYUHANG MAG-AARAL
a) Markahang Pagsusulit …………………………….. 10%
b) Interaksyong Pangklase
Summative Test …………………………….. 10%
Recitation ………….…………………. 10%
c) Performance
Module ……………...………………….. 40%
(Quizzes, Seatwork and Assignments)
Sulatin …………………………………. 10%
Portfolio …………………………………… 10%
Kwaderno ……………. ………………………10%