Translate

Saturday, September 6, 2008

Bahagi ng Pananalita

Pangalan -salitâ o bahagi ng pangungusap na nagpápakilala ng tao, bagay, lunán, gawâ o pangyayari.; gaya ng Budha, Hesukristo, Rizal, Husé, Doray, Pilipinas, Amérika, Himalaya; hayop, ibon, tubig, hangin, buhay, buti, kalákasan, karamdaman, pamalakad, paglulutò, pagkamatáy, pakiusap, páligsahan, palátuntunan, talátinigan, atb.

PANTUKOY ang si ay pantukoy sa ngalan ng tao
ang ang ay pantukoy sa ngalan ng mga bagay
ibá ang pantukoy na ng sa pang-abay at pangatníg na nang
sa, ang lalong maraming tungkulin sa pangungusap.
PANG-URÌ ang matandâ ay kalabáw
mapalad ang masalapî
sino ang tamád, dî ba ikáw?
PANGHALÍP ang ikáw ay pang-una sa pandiwà, ang ka ay panghulí
ibá ang atin sa amin
ang sino ay pantao, ang anó ay pambagay, nguni't ang alin ay pang-alinmán sa tao at sa bagay
PANDIWÀ sino ba ang gumagamót sa sakít mo?
ang nagsasabi nang tapát ay nákakasama nang maluwát
sa maís ay butil ang kinakain at dî busal
PANG-ABAY ibá ang kahapon sa kanginang hapon
ang walâ ay waláng máibibigáy
hindî ng dalaga at oo ng binatà ang pinag-úusapan
PANG-UKOL ang tungkól na pang-ukol ay ibá sa tungkól na pangngalan at tungkól na panghalíp
ang sa ay gamit sa lahát halos ng pang-ukol
PANGATNÍG kung ang pinag-uúsapan, at hindî pag
ang sapagka ay pinagkáugalian nang kabitán ng 't
ang subalì ay dî ginagamit kundî kung may násabi nang ngunì o dátapwâ

Tagalog Proverbs (Salawikain)

salawikain
proverb

kasabihan
saying

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
God helps those who help themselves.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Without perseverance, there is no reward.

Kung di ukol, di bubukol.
If it's not related to the matter at hand, it doesn't matter.


Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
A desperate person will grab the sharp blade of a knife.

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
A quiet person has anger boiling inside.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
To a person without fear, there is no such thing as a high fence.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
An apple tree will bear apples.

Kung may tinanim, may aanihin.
If you planted something, you'll harvest something.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
What good is the grass if the horse is already dead.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan.
If you don't know how to look back to where you came from,
you will not reach your destination.


Ang hindi magmahal sa kaniyang wika
ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
(José Rizal)
A person who does not love his own language
is worse than beast and foul-smelling fish.
Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
When the blanket is short, learn to curl up under it.


Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
A sincere invitation is accompanied by a pull (of the hand).

Saturday, August 9, 2008

:)

Mag-aral mabuti para sa pagsusulit!Kaya niyo iyan AS!

SSA Hymn

Saint Anthony Hymn - School of Saint Anthony


I
Alma Mater Saint Anthony
We look up to you our moral builder
Strong pillars of our country
Soon we will be
You shine with grandeur in the sky
With our heads held up high
Bring noble laurels to your side
Preparing young Anthonians, leaders of tomorrow
Saint Anthony pride of the community
II
With your Christian doctrines to abide
We put Jesus in our hearts and minds
The glory of your fame can never be denied
The emblems of your light,
Anthonians ready to fight.
In our hearts we solemnly sing

Hail to you oh, St. Anthony
With pride and dignity we say
Alma Mater Saint Anthony. (2x)

Repeat II

Saturday, July 12, 2008

mag-iwan ng mensahe








maaari na rin kayong manaliksik sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Unang_Pahina

Saturday, June 28, 2008

Wika

Ingklitik

- Pang-abay

- Maiikling salita

- Paningit lamang

- Mas binibigay linaw and mensahe ng pangungusap

Hal.

Din/Raw Pala Tuloy Nsmsn

Daw/Raw Kasi Man

Lamang/Lang Sana Muna


Klaster
– 2 Magkakasunod na katinig sa isang pantig

“Kambal katinig”

Hal. Kwa/der/no


Diptonggo
– Patinig na sinusundan ng malapatinig na katinig sa isang pantig na nasa dulo ng pantig

Hal.

Bu/hay Si/siw I/wa/gay/way

Ponolohiya

- Palatunugan

- Wikang Pilipino ay binubuo ng mga tunog

- Pag-aaral ng mga Ponema



Ponema:

A. Segmental

- Titik > katinig

> Patinig

B. Suprasegmental

- Nagbibigay lasa sa mga segmental

- Apat na Uri ng:

· Tono – pagtaas at pagbaba sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipagtalastasan.

· Diin – tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita

· Haba – haba ng bigkas sa patinig ng pantig

· Antala – saglit na pagtitigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang paghahatid ng mensahe

Hal. Hindi, ikaw

Hindi ikaw

Morpolohya - Palabuuan

- Pagbuo ng mga salita

- Morpema > salitang ugat at pantig



Hal. Makayoh – 2

Babae - 1

Pagbabagong Morpoponemiko

- pagbabagiong nagaganap sa morpema (S.U. at Pantig)

- mga nakapaligid sa ponema

Uri:

1) Asimilasyon

a) Parsyal – pagbabagong naganap sa NG ng morpermang NANG

Hal.

M(p,b) Pang+paaralan = Pampaaralan

N(D,l,r,s,t) Pang+taksil = Pantaksil

NG(pantig, atbp.) Pang+gabi = Panggabi



b) Ganap – tinatanggal ang unag titik ng S.U.

Hal.

Pang+palo = Pamalo

Pang+tali = Panali



2) Pagpapalit ng Ponema – titik ay nagbabago sa pagbuo ng salita

a) DàR

Hal.

Ma+dunong = Marunong Ma+dumi = Marumi

Tawid+an = tawiran Lapad+an = laparan

b) OàU

Hal.

Dugo+an = duguan

Ano(x2) = Anu-ano

c) HàN

Hal.

Tawa+han = tawanan



3) Metatesis – kapag ang S.U. nagsisimula sa L o’ Y at gigitpapian ng in ang L o’ Y ng S.U. at ang in ay magpapalit

Hal.

In+lipad = nilipad

In+yaya = niyaya



4) Pagkakaltas ng Ponema – ang patinig ng huling pantig ng S.U. ay nawawala

Hal.

Takip+an = Takipan = Takpan

Sara+han = Sarahan = Sarhan

Ayos ng Pangungusap

Ayos ng Pangungusap

Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung walang salitang ay.


Halimbawa:

Naglalaro ang magkakaibigan.
Hindi kumuha ng posporo si Eric.
Â

Kabalikan ang ayos ng pangungusap kung may salitang ay.


Halimbawa:

Ang magkakaibigan ay naglalaro.
Si Eric ay hindi kumuha ng posporo.

Pangungusap

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa. Basahin ang mga halimbawa ng mga pangungusap na walang paksa.

1. Mga pangusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Hal. Mayroon daw ganito roon. May tao sa labas.

2. Mga Pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga.

Hal. Kayganda ng babaing iyun! Ang tapang mo pala!

3. Mga sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Hal. Aray! Tulong! Naku! Bukas.

4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Hal. Maaga pa. Umuulan.

5. Mga formularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Hal. Magandang umaga po. Paalam.

Pangungusap ayon sa gamit

1.Paturol - pangungusap na nagbibigay ng impormasyon

2.Pautos - pangungusap na nag-uutos

Uri ng Pautos:
1.) Pautos na Pananggi - pangungusap na nagsisimula sa huwag
hal. Huwag mong pakielaman ang gamit ko.
2.) Pautos na Pawatas - pangungusap na may pandiwang pawatas (gerund) pag at mag.
hal. Magluto ka ng hapunan mamaya.
3.) Pautos na may Himig Nakikiusap - gumagamit ng paki o maki; may himig na paggalang
hal. Paki kuha ang aklat ko sa lamesa.
3.Pasalaysay - nagsasalaysay/nagkukwento

4.Patanong - nagtatanong

Uri ng Patanong:
1.) Patanong na sumasagot sa oo at hindi
2.) Tanong na nagsisimula sa Hindi (hal. Hindi mo pa ba ginagawa ang utos niya?)
MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang “ay” ay kadalasang makikita sa mga pagungusap na nasa di karaniwang ayos.

Karaniwan : Bumili ng bagong sasakyan si Elsie. Di- Karaniwan : Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan.

Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Ito ay maaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. Ito ay may apat na kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.

Halimbawa:

Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa. Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista. Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at.nagpinta ng mga pader sa paaralan. Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika:

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:

Halimbawa:

Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto paRa sa mga kabataan ng kanilang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamudmod sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga ang pangaral ng inyong magulang. Ang batang ang mga kamay ay putol na ay mahusay gumuhit.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya’t dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay. Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya’t payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin. Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon tungkulin, ito ay pasalaysay (declarative), patanong (interrogative), pautos (imperative) at padamdam (explanatory).

Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito’y nagsasalaysay ng isang katotohanan o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.

Halimbawa:

Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi. Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating ni Rene.

Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Ito’y gumagamit ng tandang pananong.

Halimbawa:

Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa New York? Sasama na ba ang mga bata sa pamamasyal?

Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o nakikiusap. Ito’y gumagamit ng tuldok tulad ng pasalaysay.

Halimbawa:

Sagutin mo agad ang liham ni Joy. Dalhin mo ang gamot sa ospital.

Ang na gaya ng pangungusap na padamdam ay nagpapakilala ng isang matinding damdamin ng pagkabigla, pagkainis o pagkagalit. Ito’y gumagamit ng tandang pandamdam.

Halimbawa

Naku! Binasag mo pala, ang mamahaling plorera. Kay ganda ng bansang Pilipinas!

Friday, June 13, 2008

BoteKapela Champion!



Ito ang simula ng hindi ko malilimutan dito sa SSA.Nakagagalak isipin na nakuha ng koponan namin ang titulong kampyon sa "Cheering" para sa "BoteKapela Contest". Hindi ko 'to inaasahan dahil may mga koponan din naman na magagaling.Nagpapasalamat ako sa klase ko at sa lahat ng TEAM Mangga dahil sa pakikiisa at pagsasakripisyo nila na mapagtagumpayan ang ganitong palatuntunan.SALUDO ako sa inyo!

Game 1

Salamat sa inyong mga kooperasyon!

Panimula ng "Fun Day 2008"




Mga kuha sa panimula ng "Fun Day". Kami ay napapabilang sa Orange Manggo Team.Sa kuhang ito ay kasama ang aking mga mag-aaral --ABAD SANTOS.

Friday, May 30, 2008

bilib ako sa 'yo!



wow!Pinahanga niya ko sa galing niya magdribble.Mahina ako sa dribbling pero okay naman sa shooting.Hindi na ko makapghintay na maglaro muli ng basketball sa darating na Foundation Day sa SSA.Sana makapaglaro.

Thursday, May 29, 2008

Ebolusyon ng Wikang Filipino

Ni Gester Jeff Quilala, Mary Thrasher Jose, Lutchie Anne Coral at
Gilbert Casado


Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaring ito ay sa porma ng watawat, sa himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding wika. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang Filipino? Kusa lamang ba itong sumibol? Ito ba ay isang wikang hiram? O ito ba ay pinagsama-samang mga salita mula sa iba’t-ibang kultura?

May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at kinabibilangan ito ng humigit-kumulang 3,000 pangunahing wika. Isa sa siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating wika ay nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng mga kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia.
Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang Malayo-Polynesian. Sa mga sub-pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang sangay na Tagala.

Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Kapam-pangan, Bicol, Waray o Samar-Leyte, Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at Maguindanao, batay sa dami ng populasyon o porsyento ng mga tao na gumagamit, nagasalita, nagsusulat, at nakakaunawa rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may kanya-kanyang dayalekto, gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba pa. Gauyundin sa Cebuano, na kung saan ay may Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang Hiligaynon naman ay mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweño, Ilongo, at iba pa. Ang Bicol ay mayroong Naga, Legaspi, Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbateño, at iba pa. Samantala ang Ilocano naman ay may Ilocos, Abra, Cagayan, Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa.

Ang alif-ba-ta at abecedario

Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa Arabo. Ang matandang alpabeto ng mga katutubo ay syllabic at binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants). Ang patinig ay mayroong a, e, at i, samantalang ang o at u naman ay may iisa lamang tunog na lubhang nakalilito. Bawat isa sa mga katinig ay binabasa na may kasama na patinig a, kapag ito ay walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na “kudlit,” o isang uri ng marka na ginagamit sa mga matatandang sistema ng pagsusulat. Kapag ito naman ay may kudlit sa ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i.

Nang sinakop ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas, pilit na binago ng mga ito ang kulturang pangkatutubo ng mga sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.

Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan. Ipinalaganap ng mga Amerikano ang pam-publikong sistema ng edukasyon. Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.

Ang Surian ng Wikang Pambansa

Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung “nasyonalismo.” Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng sambayanan. Ayon sa Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa.

Ang Unang Pambansang Asemblea noong ika-13 ng Nobyembre, 1937, ang siyang bumuo sa Institusyon ng Wikang Pambansa. Ang mga naging kasapi sa komiteng ito ay sina Jaime de Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix Rodriguez (Samarnon), Felix Sotto (Cebuano), Cecilio Lopez (Tagalog), Hadji Butu (Maranao-Maguindanao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampango), Jose Zulueta (Pangasinan), at Lope K. Santos (Tagalog).

Nang binuo ang Commonwealth Constitution, ang wikang “Tagalog” ang siyang naging pambansang wika ng Pilipinas, ayon na rin sa Executive Order Bilang 134. Ang mga naging batayan nito ay ang: pagiging lingua franca nito, o paggamit ng Tagalog sa maraming sangay ng komersyo at kalakalan; ang dami ng katutubong nagsasalita nito, sa dahilang ang wikang ito ay ang pangunahing ginagamit sa lungsod ng Maynila gayundin sa mga kalapit probinsya nito, at; ang karamihan ng panitikang Pilipino ay nakasulat sa Tagalog. Ngunit dahil sa ilang pagtutol ng mga kinatawan ng iba’t-ibang bahagi ng bansa matapos ang tatlong taon, ang naturang konstitusyon ay hindi klinasipika ang wikang Tagalog bilang opisyal na wikang pambansa, ngunit bilang isang pormal na dayalekto ng ating bansa lamang.

Nang kinilala ang Philippine language based-Tagalog, isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may 20 letra, na kung saan ang letrang “a” lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog nito.

Nung panahong din ito, umusbong ang mga salitang ginamit sa Balarila at ito ay ang mga: balarila (grammar), pandiwa (verb), pangngalan (noun), pang-uri (adjective), pang-abay (adverb), pangatnig (conjunction), patinig (vowel), katinig (consonant), panaguri (predicate), simuno (subject), pang-ukol (preposition), paningit (inclitic).

Samantala, nakasaad din sa Konstitusyon ng Komon-welt na ang wikang pambansa ay dapat na kumatawan sa lahat ng lalawigan ng bansa. Ibig sabihin, ito ay dapat na ginagamit sa halos lahat ng mga lalawigan. Hindi lamang iyan, ang naturang pambansang wika ay dapat may mga elemento ng iba’t-ibang dayalekto na siyang ginagamit ng iba’t-ibang lalawigan sa buong bansa.

Ang Tagalog bilang Pilipino

Bago naisagawa ang pangalawang konstitusyon noong dekada ‘70, higit na sa kalahati ng mga mamamayan ng bansa ang gumagamit na ng wikang Tagalog, kumpara noong nakaraang apat-napu’t taon na kung saan ay may halos dalawampu’t limang porsyento lamang ng mga Pilipino ang nagsasalita ng Tagalog. Isa sa mga kadahilanan ng paglaki ng bilang na ito ay nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig, ipinag-utos ng mga mananakop na Hapones na Tagalog ang wikang gamitin sa mga paaralan at maging sa mass media.

Dahil dito, ang mga “nationalists academics” ay nagkaisang magtulong-tulong upang magbigay daan tungo sa pagtatatag ng isang opisyal na pambansang wika, na siyang tatawaging “Pilipino”—na kung saan ay tanggap ng karamihan bilang ang wikang “Tagalog.”

Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan noong ika-30 ng Hulyo, 1976, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang banyagang-hiram na titik. Ang naturang revised Filipino Alphabet na binubuo ng 31 na letra, ay kinabibilangan ng mga letrang banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z. Ngunit dahil sa hindi naging malinaw ang paggamit sa mga letrang ito, ang naturang alpabeto ay dumaan uli sa panibagong pagsususog.

Noong mga panahong din iyon, isinagawa ang iba’t ibang paraan nang pagpapayaman ng pambansang wika. Pinilit ng mga dalubhasa na gawin itong maka-katutubo, na kung saan ang mga “salitang hiram” o mga salitang galing sa mga banyagang wika ay unti-unting tinanggal at pinapalitan ng katutubong salitang katumbas nito. Isang halimbawa ang salitang Espanyol na silya—na siyang pinalitan ng salitang “salumpuwit.” Ngunit sa kadahilanang ang mga salitang madalas na nating ginagamit ay hiram na halos sa mga banyagang salita tulad ng Ingles, Espanyol, Intsik, Hapon, at kung anu-ano pa, hindi na naging epektibo ang mga naturang hakbang ng mga nasyonalista sa larangan ng akademya.

Ang makabagong Filipino

Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay halaga sa mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika. Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong alpabetong Pilipino.

Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.

Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay naging bahagi rin ng kurikulum ng iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang “Filipino” bilang ang wikang pambansa, at ang “Tagalog” bilang isang uri ng katutubong salita o dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng iba’t-ibang lenguwahe ng iba’t ibang bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa kanila ng sarili nating wikang pambansa.

Imperyalismong Tagalog

Kahit na dumaan na sa maraming salin o pagbabago ang tawag sa wikang pambansa—mula sa Tagalog, na naging Pilipino (na base pa rin sa Tagalog ), na ngayon ay Filipino na—marami pa rin ang nasanay na sa pagtawag ng Tagalog bilang pambansang wika, mapabanyaga man o katutubong Pilipino. Ang kaisipang ito ay tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes na “Tagalog Imperialism.”
Ang pangyayaring ito ay ikinasama rin ng loob ng ilan nating kababayan na di-Tagalog. Sa tingin nila, hindi nabibigyan ng pansin ang ilan pang malalawak na gamiting wika tulad ng Ilokano at Cebuano. Nagbigay daan din ito sa pagpapalit ng mga konsepto ng wikang pambansa.

Sa ibang bansa, napansin ninyo ba na mas kilala ang salitang “Tagalog” kaysa sa Filipino bilang pangunahing wikang pambansa ng Pilipinas? Ang salitang Filipino para sa mga banyaga, ay isa lamang klase ng pang-uri. Ngunit ang ganitong pagkakakilanlan nila sa salitang Filipino ay hindi nagbibigay ng malaking pagkakaiba sa salitang Pilipino at Tagalog—gaya ng pagkakakilanlan ng mga Amerikano at maging ng mga Canadian.

Pilipino o Filipino?

Ngayon, malinaw na ba sa isipan ng lahat ang pinagkaiba ng salitang Filipino sa Pilipino? Para sa mga naguguluhan pa, ang wikang Filipino ay tinaguriang “Tagalog-plus” na kung saan ito ay binubuo ng iba’t-ibang banyagang salita maliban sa Tagalog. Ito rin ang nagbibigay lawak sa ideya ng makabagong diksyunaryong Filipino, na kung saan ang salitang Ingles na Dictionary at Espanyol na Diccionario ay maaari na ring gamitin sa wikang Filipino bilang “diksyunaryo.” Ngunit para sa mga malamim managalog o mas kilala sa tawag na “purist,” ang salitang dictionary ay ang “talatinigan.” Ilan pa sa mga halimbawa nito ay ang kompyuter, kwalipikasyon, okasyon, indibidwal, sipilis, at iba pa na galing sa mga salitang Ingles tulad ng computer, qualification, occasion, individual, at syphilis.

Ngunit para sa mga eksperto, mas maiging tawaging “Filipino” at hindi “Tagalog” ang sarili nating wika. Ito ay upang magbigay galang o konside-rasyon sa mga kababayan nating hindi ginagamit ang wikang Tagalog bilang kanilang pangunahing salita.

Ang hinaharap ng wikang Filipino

Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.

Ito ang dilemma ng pagiging intelektwalisado ng wikang Filipino: Kailangang palitan ng Filipino ang wikang Ingles bilang pinakagamiting wika sa ating bansa; ngunit para mangyari ito, kailangan munang maging intelektwalisado ang wikang Filipino.

Quezon: Ama ng Wikang Pambansa, Letranista

Si Manuel Luis Quezon ay isinilang noong ika-19 ng Agosto, taong 1978 sa Baler, Tayabas (ngayo’y Quezon). Siya ay anak ng mag-asawang Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, dalawa sa pinakapipitangang mamamayan sa kanilang lugar.

Sa edad na lima, si Manuel ay tinuruan ng kanyang inang magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at tinuruan din siya ng huli ng katekismo. Sa edad namang pito, nag-aral naman siya ng relihiyong Katolika sa pangunguna ni P. Teodoro Fernandez. Kabilang din sa mga pinag aralan niya na kasama ang pari ay ang mga asignaturang Latin at Heograpiya.

Mula pagkabata ay kinakitaan na ng potensiyal si Manuel na maging isang mabisang pinuno ng mga tauhang naniniwala at nagtitiwala sa kanya. Siya ay isang batang may tiwala sa sarili, interes sa pagkatuto, at handang magbigay tulong sa kapwa. Ngunit kabila ng mga ito ay hindi nawawala ang kanyang pagiging masiyahin. Si Manuel ay may ng tamang pag-uugali na sinamahan din ng di matatawarang kakisigan.

Matapos makakuha ng sapat na kaalaman mula sa kanyang mga magulang at ilang guro, si Manuel ay nagpunta sa Maynila upang mag-aral. Labing-isang taong gulang siya noon nang siya ay pumasok sa Colegio de San Juan de Letran kung saan siya’y nabigyan ng parangal sa Batselor ng Sining noong 1894. Itinuloy niya ang pag-aaral ng Batas sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ngunit bago pa man matapos ng Jurisprudence si Quezon, sumabog ang rebolusyon. Siya ay sumapi sa pwersa nina Heneral Emilio Aguinaldo at nakipagdigmaan sa Tarlac, Pampanga, at Bataan. Dahil na rin sa ipinamalas na katapangan at kagitingan, itinaas ang kanyang rango mula sa pagiging Ikalawang Tinyente sa pagiging Kapitan at nang lumaon ay naging Major.

Pagkatapos ng rebolusyon, bumalik si Quezon sa Santo Tomas at itinuloy ang kanyang pag-aaral at nakakuha ng ikaapat na pinakamataas na marka sa Bar noong 1903.

Si Quezon ay nagtrabaho bilang klerk at nang lumaon ay naatasang maging Piskal sa bayan ng Mindoro at Tayabas. Siya ay nanalo bilang konsehal sa Tayabas at nang tumakbong Gobernador ay nanalo noong 1906. Isang taon ang lumipas at siya’y nahalal bilang Majority Floor Leader ng Unang Asemblea ng Pilipinas at naging Chairman ng Committee on Appropriations. Mula 1909 hanggang 1916, siya ay nag-silbing Komisyoner ng Pilipinas para sa U.S House of Representatives.

Si Quezon ay naging Senador noong 1916 at naging pangulo ng Senado hanggang 1935. Nang taon ding iyon ay nanalo si Manuel Quezon bilang Pangulo ng Pilipinas laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay.
Matapos ang pananakop ng mga Hapones sa bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumipad patungong Amerika si Quezon. Siya ay dinapuan ng sakit na tuberkulosis at pumanaw noong ika-1 ng Agosto, taong 1944 sa Saranak Lake, New York. Bilang pagkilala sa pumanaw na Pangulo, inilibing siya sa Arlington National Cemetery kung saan tanging mga bayani lang ang nakahimlay. Matapos ang dalawang taon, dinala sa Pilipinas ang kanyang mga labi at inilibing sa Manila North Cemetery at inilipat namang muli sa Quezon Memorial Circle.

Si Quezon ay naikasal sa kanyang pinsan na si Aurora Aragon at nagbunga ng apat na anak na sina Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel Jr.

Wednesday, May 28, 2008

Kakatuwa:) hehehehe

Panitikan

Ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Mga akdang pampanitikan
Mga akdang tuluyan
Alamat
Anekdota
Nobela
Pabula
Parabula
Maikling kwento
Dula
Sanaysay
Talambuhay
Talumpati
Balita
kwentong bayan

Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
Awit at Korido
Epiko
Balad
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Kantahin
Tanaga

Araw ng Kalayaan




Nalalapit na naman ang paggunita natin ng Araw ng Kalayaan.Ito'y sa buwan ng Hunyo 12.Ganumpaman, ang araw na ito ay gugunitain sa Hunyo 9 bilang isang "Holiday" kung kayat walang pasok ang araw ng Lunes.Ang mahalaga ay maisapuso natin at mabigyang halaga ang mga ginawang kabayanihan ng ating mga bayani.

Mga kawikaíng Inglés na isinalin at ipinaliwanag sa wikang Filipino


Pork Barrel
Baríles ng Karné ng Baboy


Sa larangan pa rin ng pulitiká: ang pinagmulán ng pariralang pork barrel ay malapit sa pinanggalingan ng carpetbagger. Ang pork barrel ay salapî ng pámahalán na ginagamit ng isáng pulitikó para sa mga proyekto sa kaniyáng purók upang bumangó ang kaniyáng pangalan at maihalál siyáng mulî. Kadalasan ang mga proyektong itó ay hindî naman kailangan sa kaniyáng purók at ang pera ay ibinubulsá lamang niya at ng kaniyáng mga alipores o crony.

Malamáng na nanggaling ang katagáng pork barrel sa panahón bago pa ng Civil War sa U.S. Noón ay nagpapamudmód ng inasnáng baboy mula mga naglalakihang bariles para sa mga aliping itim. Kadalasan, ang mga bariles ng inasnang baboy ay pinagkakaguluhan ng mga aliping nagdaragsaán at nag-aagawan upang makakuha ng mas marami para sa sarili.

Break a leg
Mabalì sana ang isá mong bintî?


Malas daw kung sasabihing “Good luck” o “Palarin ka sana” sa isáng performer bago siyá magpalabás. Sa halíp nitó, ayon sa pamahiin, ang taong babatì ay dapat magkunwaríng malas ang inaasahan niyáng mangyayari sa palabás ng performer. Kayâ, nagíng uso ang pabiróng sumpáng break a leg o mabalì sana ang isá mong bintî ngunit hindî namán masamâ ang ibig sabihin nitó.

I was confused for a moment before the show when she said to me, “Break a leg!” But then I realized that she was actually wishing me good luck.

The apple of your eye
Ang mansanas ng iyóng matá?


Ang tawag sa pinakamamahál mo ay apple of your eye. Noóng unang panahón, apple ang tawag sa balintatáw o pupil ng matá. Itó ang itím na bilog na nasa kalagitnaan ng ating mga matá. Alikmatá ang isá pang pangalan nitó.

When we were young, my brother was the apple of my mother’s eye.

Hit the roof
Hampasín ang bubóng?


Ang pariralang (phrase) hit the roof ay tumútukoy sa isáng taong nagagalit. Pumapasok sa isip natin ang isáng taong lumúlundág, pumúputók o dî kayá’y lumílipád gaya ng isáng kuwitis dahil sa matindíng galit hanggáng mauntóg siyá sa bubóng o kísamé.

When Dad sees what happened to the car, he is going to hit the roof!