Balangkas ng mga Aralin sa Filipino III
UNANG MARKAHAN
2010-2011
YUNIT I AT YUNIT II (Mula sa Gintong Ani III at iba pang babasahin)
Aralin 1 : Miss Cruz
Aralin 2 : Ang Sukatan ng Tagumpay
Aralin 3 : Simula ng Isang Kahulugan
Aralin 4 : Dahil sa Alagang Hayop
Aralin 5 : Pilipino : Saan Patutungo?
Aralin 6 : Ang Gilingang Bato
Aralin 7 : “ Inay, Hayaan Mo Akong Mangarap…!”
Aralin 8 : Kataling-Pusod
Aralin 9 : Mabangis na Lungsod
Aralin 10 : Ang Dalaga sa Bato
Aralin 11 : Mga Aralin sa Unlad-Yaman Magasin
Aralin 12 : Pagsusuring Pampanitikan (Tula at Maikling Kwento)
> Teoryang Pampanitikan
> Elemento ng Tula at Maikling Kwento
Aralin 13 : Pagsulat ng Komposisyon (Pormal at Impormal)
Aralin 14 : Talambuhay ni Jose Rizal
NOLI ME TANGERE
Kabanata 1 : Ang Piging
Kabanata 2 Crisostomo Ibarra
Kabanata 3 : Hapunan
Kabanata 4 : Erehe at Pilibustero
Kabanata 5: Tala sa Karimlan
Kabanata 6 : Kapitan Tiago
Kabanata 7: Lambingan sa Asotea
Kabanata 8: Mga Gunita
Kabanata 9 : Mga bagay-bagay ukol sa bayan
Kabanata 10: Bayan ng San Diego
Kabanata 11 : Mga Makapangyarihan
Kabanata 12: Araw ng Patay
Kabanata 13 : Babala ng Sigwa
Kabanata 14 : Baliw o Pilosopo
Kabanata 15 : Mga Sakristan
Kabanata 16: Sisa
Kabanata 17: Basilio
Kabanata 18: Kaluluwang Ligaw
Kabanata 19: May isang Guro
Kabanata 20: Pulong sa Tribunal
SANGGUNIAN:
1. Gintong Ani III
2. Noli Me Tangere
3. Unlad Yamang Filipino Magasin
4. Balita at Pahayagan
5. Obra Maestra III
6. Sulo III
7. Makabagong Balarila
8. Talambuhay ni Jose Rizal
Ang pahinang ito ay laan sa lahat ng mag-aaral ng wikang Filipino hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Misyon kong maibahagi sa lahat ang kalinangan at pagkakakilanlan ng lahing Pilipino hanggang sa mga susunod na henerasyon. Maraming salamat sa iyong pagdalaw.
Translate
Wednesday, May 26, 2010
Friday, May 7, 2010
Tuesday, January 26, 2010
Sakop ng Ikatlong Lagumang Pagsusulit
1. F at L Aralin 23-30
2. Kaantasan ng Pang-uri
3. Elemento ng Tula
4. Pakikinig
2. Kaantasan ng Pang-uri
3. Elemento ng Tula
4. Pakikinig
Pakikinig
Pakikinig
--Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ang pakikinig, samakatuwid, ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig nang may layunin- ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napapakinggan.
Natatamo ang pag-uunawa sa pamamagitan ng ating isipan. Isang aktibo itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang mga bagay na kanyang napapakinggan hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng mga ito.Napakahalaga ng pag-unawa sa proseso ng pakikinig.
PAGKAKAIBA NG PANDINIG AT PAKIKINIG
Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang pandinig(hearing) at pakikinig(listening).
Sa level ng pisikal na pandinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang tunog na mabubuo sa isang salita. Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga.
Samantala, isang proseso ng pag-iisip na may layunin na unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan ang pakikinig.
Bagama’t magkaiba ang pandinig at pakikinig, magkaugnay ang dalawa sapagkat hindi maaaring mangyari ang tunay na pakikinig kung walang pandinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pandinig.
PROSESO NG PAKIKINIG
Sinasabi ni Kline(2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong magkakasunod na hakbangin: PAGDINIG, ATENSYON, at PAG-UUNAWA.
AND MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA LAYUNIN:
1. KASWAL
Pampakondisyon lamang o kaya’y pampalipas oras na nakagawiang pakikinig.
Halimbawa’y nagiisa’t nakasanayan nang may naririnig habang may ibang ginagawa
Hindi seryoso ang ganitong pakikinig kaya walang layunin, tuloy, wala ring matandaan sa napakinggan.
2. Impormal
Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga estudyante na tipong napilitan lamang dahil may dapat isagawang rekisito ng isang kurso.
Mangyari pa, may layunin pero pahapyaw lamang tuparin, basta makakuha ng konting impormasyon lamang tungkol sa itinakdang gawain.
3. Kritikal
Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwativ at apresyativ. Masinsin ang level ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo, ang pagkakatulad at pagkakaiba, gayundin ang reaksyon dito’t paghusga, sa gayon, mabigyan ng obhektibong pagpapahalaga.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin
Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya
Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita
Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig
Mga paraan ng pakikinig
1. Maging handa sa pakikinig.
2. Kilalanin ang mga pangunahing kaisipan.
3. Huwag punahin ang tagapagsalita.
4. Huwag punahin agad ang mensahe.
MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG
May pitong salik na lubhang nakakaimpluwensya upang maging epektibo ang pakikinig.
1. Oras o Panahon – may tinatawag na oras de peligro at mga panahon na malaking hadlang sa pakikinig. Halimbawa nito ay ang alas dose hanggang alos dos na syang nakakaantok, kapag malamig naman ang panahon ay talagaang nakakaantok, at kapag mainit nama’y hindi ka komportable at marami pa na syang humahadlang sa ating pakikinig.
2. Edad – mainiping makinig ang mga bata ngunit mas mahusay ang kanilang memorya samantalang sa matatanda nama’y matyagang makinig kaya’t mas naiintindihan nila ang kanilang pinapakinggan
3. Kasarian – mahaba ang pasensya ng mga babae sa pakikinig dahil interesado sila sa mga detalye ng mga ideya. Samanatalang ang mga lalake nama’y madaling mabagot at ibig nila ang diretsong pagpapahayag.
4. Tsanel – ang tsanel ay ang daluyan ng komyunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang mensahe mula sa enkowder ay naipapadala sa decoder. Sa kaso ng pakikinig, ang hangin ang daanan ng mensahe.
5. Lugar o Kapaligiran – isang lugar na malinis, tahimik, maliwanag, at malamig ang kailangang kapaligiran upang efektibong makapakinig ang isang indibidwal. Malaki ang magagawa na kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng kanyang pakikinig.
6. Kultura – may sagabal sa pag- uunawa ng mga konseptong naririnig kung iba ang kultura ng nakikinig. Maaaring asahan na higit na mahusay na tagapakinig ang taong naturuan ng tamang asal tulad ng paggalang sa kapwa at may sariling disiplina.
7. Konsepto sa sarili – maaaring ang taing may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay na konsepto sa sarili.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% sa pagsulat
Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa atin ay tiyakang matutugon natin kung maayos, malinaw at wasto ang ginagawa nating pakikinig. Magiging malawak ang kaalaman natin dahil sa pakikinig.
Anim na Kahalagahan ng Pakikinig :
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao ang pakikinig.
Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring makatulong upang maunawaan ang damdamin, kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos, gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang pamilya, pamayanan, paaralan o pamamalakad man ng isang uri ng pamahalaan.
Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa sinasabi ng kanyang pinuno ay maaaring magdulot ng ‘di pagkakaunawaan at pag-aalitan.
Iba Pang Kahadlangan sa Mabisang Pakikinig:
1. Lugar o Kapaligiran
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
2. Oras
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
3. Mga Kagamitan at Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon
4. Distansya
Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di maririnig, marinig ma ay bahagya’t di pa maintindihan. Pag naman sobrang lapit nagkakailangan. Yuon lamang tamang distansya
5. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
6. Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig
7. Timbre Ng Boses
Mga Kasanayan Sa Pakikinig:
Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika
Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan
Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain
Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon

Mga Takdang- Aralin
Abad Santos
T.A # 1. larawan, tsart
2. Pang-uri
3. Repleksyon 23 at 24
4. liham-pasasalamat
5. balita
6. F at L mp. 167 C at 172- mga tanong sa pag-unawa 1-3

Paalala: Maaari niyo nang simulan ang paghahanda sa inyong huling proyekto sa FIL2- pangkalahatang pagsasadula ng Florante at Laura (class project).
Ihanda ang mga sumusunod :
1. skrip
2. mga magsisiganap(aktor/aktres)
3. mga gagawa ng props, background, costume atbp.
4. mga iba pang kinakailangan sa pagbuo ng malikhaing pagsasadula
Ito ay isasagawa sa loob lamang ng silid-aralan sa huling linggo ng Pebrero.

Saturday, January 16, 2010
Pag-uulat sa F at L
Humanda para sa pag-uulat ng F at L sa Lunes , Enero 18, 2010.
Magsisimula sa Aralin 23...iulat lamang ang talasalitaan, pag-unawa sa nilalaman at pag-uugnay sa lipunan.

Wednesday, January 6, 2010
Takdang Aralin#2
1. Anu- ano ang tatlong kaantasan ng pang-uri? Ipaliwanag at magbigay ng 10 halimbawa sa bawat kaantasan.
Takdang Aralin# 1
1. Gumuhit/ gumupit ng mga paglalarawan sa mga sinauna at makabagong Pilipino.Ilagay ito sa isang short bond paper.
2. Anu-ano ang mga impluwensya ng Espanyol at Amerikano sa edukasyon , pag-iisip at damdamin ng bawat Pilipino? Gumawa ng dalawang tsart.
Sanggunian : Gintong Ani II- p.324

Saturday, December 26, 2009
Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II-- IKATLONG MARKAHAN
Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
IKATLONG MARKAHAN
2009-2010
YUNIT IV (Mula sa Gintong Ani II)
Pilipino : Isang Depinisyon
Iba’t ibang uri ng Pakikinig
Ang mga Pilipino Ngayon at Kahapon
Pagbabalangkas ng mga Plano
Teresa
Kasanayang Pangsanggunian
Nasagip
Kasanayan sa Pagsulat ng Buod at Pagbibigay-Puna
Ang Laki sa Layaw
Mabisang Paglalarawan
Pagsulat ng Tulang May Tugma
Mga araling hango sa Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikatlong Bahagi
FLORANTE AT LAURA
Aralin 23 Ang Unang Liham
Aralin 24 Mga Tagubilin ni Antenor
Aralin 25 Bihirang Balita'y Magtapat
Aralin 26 Heneral ng Hukbo
Aralin 27 Pag-ibig sa Unang Pagkikita
Aralin 28 Luha, Sagot sa Pag-ibig
Aralin 29 Krotona'y Nagdiwang
Aralin 30 Tagapagtanggol ng Syudad
Aralin 31 Ang Kasamaan ni Adolfo
Aralin 32 Pinag-isa ng Masamang Palad
Aralin 33 Dakilang Pag-ibig
Aralin 34 Panlilinlang ng Isang Balakyot
Aralin 35 Masayang Wakas
SANGGUNIAN :
Cruz, Teresita Cristobal. 2009
Gintong Ani, Ikalawang Taon. Quezon City
FNB Educational, Inc.
Ramos, Susan Helig. 1999
Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Quezon City

Sunday, November 15, 2009
Dapat Tandaan
November 2009
19 Thursday 2nd Summative Test B
20 Friday 2nd Summative Test B
23 Monday 2nd Summative Test B
24 Tuesday 2nd Summative Test B
Sakop ng ST B sa FIL II
1. Pangkatang Talakayan
2. Pagbabalangkas
3. Sa Pagbabalik ni Adela
4. F at L. 17-20
19 Thursday 2nd Summative Test B
20 Friday 2nd Summative Test B
23 Monday 2nd Summative Test B
24 Tuesday 2nd Summative Test B
Sakop ng ST B sa FIL II
1. Pangkatang Talakayan
2. Pagbabalangkas
3. Sa Pagbabalik ni Adela
4. F at L. 17-20
Saturday, November 7, 2009
need to speak your mind???
need to speak your mind??? just follow the link to join in a conference and collect lots of friends....
http://www.mylot.com/?ref=nilo_agpaoa
http://www.mylot.com/?ref=nilo_agpaoa
Tuesday, November 3, 2009
......sa aking balintataw
"Iyon lamang nakadarama ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan." --Kuwento ni Mabuti
Monday, November 2, 2009
Thursday, October 22, 2009
Test Schedules
November 2009
19 Thursday 2nd Summative Test B
20 Friday 2nd Summative Test B
23 Monday 2nd Summative Test B
24 Tuesday 2nd Summative Test B
December 2009
10 Thursday 2nd PERIODIC TEST
11 Friday 2nd PERIODIC TEST
14 Monday 2nd PERIODIC TEST
15 Tuesday 2nd PERIODIC TEST
January 2010
16 Saturday Issuance of Report Cards
19 Thursday 2nd Summative Test B
20 Friday 2nd Summative Test B
23 Monday 2nd Summative Test B
24 Tuesday 2nd Summative Test B
December 2009
10 Thursday 2nd PERIODIC TEST
11 Friday 2nd PERIODIC TEST
14 Monday 2nd PERIODIC TEST
15 Tuesday 2nd PERIODIC TEST
January 2010
16 Saturday Issuance of Report Cards
Sunday, October 11, 2009
TAKDA 3 AT 4
TAKDA 3
1. Alamin ang kahulugan ng Palabaybayang Filipino.
2. Anu-ano ang mga pangunahing tuntunin sa Palabaybayang Filipino?
Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino
TAKDA 4
1. Gumawa ng malaking venn diagram sa isang pahina ng kwaderno. Isulat sa loob ng bilog ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Kristyano at Muslim.
2. Gumawa ng CHARACTER PROFILE nina Florante at Aladin sa inyong kwaderno.
Sanggunian : F at L

Tuesday, September 29, 2009
Sa Oras ng Kalamidad
Nakalulunos. Ito ang salitang maikakabit ko sa bagyong Ondoy na sumalanta sa libu-libong ari-arian at higit sa lahat ay kumitil sa buhay ng napakaraming mamamayan sa lugar ng Marikina at Pasig gayundin sa mga lugar na hindi mo inaakalang mapipinsala ng bagyo. Sa kabila nito, paano napapanatili ng mga Pilipinong bumangon, lumaban, at maging matatag sa unos ng buhay?
(...brb)
(...brb)
Sakop ng ST A -Ikalawang Markahan
1. Uri ng Teksto
2. Kasidhian ng salita
3. Uri ng Panitikan
4. Pamana (G.A)
5. Ang mga Ninunong Pilipino (G. A)
6. Pagbaybay sa Filipino ng mga salitang banyaga
7. Aralin 13-16 (F at L)