Wika
(Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya)
Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Katangian ng wika
Ang wika ay may balangkas.
Ang wika ay binubuo ng makahulugang tunog.
Ang wika ay pinipili at isinasa-ayos.
Ang wika ay arbitraryo.
Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Ang wika ay ginagamit.
Ang wika ay kagila-gilagis.
Ang wika ay makapangyarihan.
May antas ang wika.
May pulitika ang wika.
Ang wika ay buhay.
Ang wika ay pantao
Mga kaantasan ng wika
Kolokyal / Pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang Ingles at Wikang Filipino.
Kolokyalismong Karaniwan - Ginagamit na salita na may "Taglish"
Kolokyalismong may Talino - Ginagamit sa loob ng Silid-Aralan / Paaralan
Lalawiganin / Panlalawigan - Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal / Balbal - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. ito ay nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. (Salitang Kalye)
Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng Balarila at Retorika.
9 comments:
ahh fudge ^_^
ty
answers many questions to my hw, thanks!!
answers many questions to my hw, thanks!!
Thanks a lot.:)
sino po ang author?
thank you very much po dahil dito may na isagot ko sa akin assignment ...
ba naman kasi hirap mag hanap sa mga libro eh dito one clck lang yun na
wow interisting dahil dyan may assignment na ako
at makakabisado kona din yung tungkol sa wika
thank you 😘
Post a Comment