Translate

Friday, December 30, 2011

Balangkas ng mga Aralin sa Filipino I Ikatlong Markahan

Makikita sa

http://www.ziddu.com/download/18010953/balangkasngaralin3rdgrading.doc.html

Wednesday, December 14, 2011

EPIKO ng IBALON , Bantugan , Indarapatra at Sulayman , Maragtas at Ullalim

Makukuha ang kopya sa mga sumusunod na web address :


http://www.ziddu.com/download/17824016/EpikoIBALON.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824042/EpikoPrinsipeBantugan.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824043/EpikoINDARAPATRA.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824044/EpikoMARAGTAS.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824045/epikoULLALIM.pdf.html

Katuturan at Uri ng Epiko

Katuturan at Uri ng Epiko

Epiko
ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.
Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na “epos” na nangangahulugang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang Epiko, samakatwid ay gumigising sa mga damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap at lalong magaling kung magkakaroon ng ganap na pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin sapagkat ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tulang ito.

Uri ng Epiko:

1. Epikong Sinauna: Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayan na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin. Ito’y karaniwan nang may katangian pangunahing tauhan nag-aangkin kahimah-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa. Ang tulang ito ay nag-pasalin salin sa mga bibig ng salinlahi at unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon.

2. Epikong Masining: tinatawag din itong Epikong Makabago o Epikong pampulitika.

3. Epikong Pakutya: kabalangkas ng Epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad na kutyain ang gawaing walang kabuluhan at pag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.

Halimbawa ng Epiko: Lam-Ang, Ibalon,Ullalim

Sunday, October 2, 2011

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang
katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang
kahulugan ay “upang mabasa”.
Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno, na
kilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga
karunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan.) Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o
nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang
lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga
marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay
nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga
Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at
pananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating mga
ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang
nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala,
at pananampalataya sa Lumikha.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay.
Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano.
May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga
karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto
na tinatawag na Alifbata o Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat
na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa
mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga
bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong
ito, higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang
pagano at sumibol ang “Maragtas” at “Malakas at Maganda”.
Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at
Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura na
nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa
mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga
ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga taong-bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na
may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng
pananampalatayang Kristyanismo. Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod
sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo.
Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira. Nanatili ang mga
alamat...nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na
panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyang.

Wednesday, September 14, 2011

Mga Halimbawa ng Simile (Pagtutulad)

Mga Halimbawa ng Simile (Pagtutulad)

Ang pagtutulad o simile ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

Mga Halimbawa ng Pagtutulad:
Examples of Similes

Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato.
Your heart is like a stone.

Ang gerilya ay tulad ng makata.
A guerilla is like a poet.

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
Weaving cloth is like the suffering of a person.

Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.

Ang pag-ibig mo ay para ng tubig − walang lasa.
Your love is like water − flavorless.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Your promises are like air.

Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
Under foreigners, the Philippines became like a carabao.

Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
The cloud is akin to a person's face.

Mga Tayutay (Figures of Speech)

Mga Tayutay (Figures of Speech)

Mga Uri ng Tayutay
Types of Figure of Speech

pagtutulad
simile

pagwawangis
metaphor

pagsasatao
personification

pagmamalabis
hyperbole pag-uyam
sarcasm

pagpapalit-saklaw
synecdoche

paghihimig
onomatopoeia

pagtanggi
litotes

Ano ang tayutay?

Ang tayutay ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.
Ano ang mga uri ng tayutay?


1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp.


2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.


3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman


4. Pagbibigay-katauhan (personification) - pagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay, may buhay man o wala


5. Pagpapalit-tawag (metonymy) - mahabang pangungusap na isang salita lamang ang katumbas


6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo

----mula sa tagaloglang.com

Takdang Aralin #1 - 2

T.A # 1 - REPLEKSYON

Aralin 4-6 Ibong Adarna

T.A # 2 - TAYUTAY

1. Ano ang Tayutay?
2. Ibigay ang kahulugan ng iba't ibang uri ng Tayutay.
3. Gumawa ng dalawang halimbawang pangungusap sa bawat uri ng Tayutay.

Ikalawang Markahan - Fil I

Proyekto sa FILIPINO I
Ikalawang Markahan

> Pagkatha ng sariling ALAMAT
> Ang bawat mag-aaral ay pipili/mag-iisip ng paksa para sa isusulat na ALAMAT.
Hindi maaaring magkapareho ang mga mag-aaral ng paksang pinili.
> Setyembre 26-27 - paggawa/ pagsulat ng proyekto sa oras ng klase sa FILIPINO.
> Oktubre 10- Unang Pagpasa
Oktubre 17- Ikalawang Pagpasa
Oktubre 24- Huling Pagpasa


>Hindi na tatanggap ng proyekto pagkatapos ng huling pasahan.

Monday, August 29, 2011

SAKOP NG PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA FIL 1 - SEPT 9

SAKOP NG PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA FIL 1 - SEPT 9

1. Kasaysayan ng Pabula

2. Elemento ng Pabula

3. Bahagi ng pananalita

- pang-angkop

- panghalip

- pang-uri

-pang-abay

4. Ayos ng pangungusap

5. awit at korido

6. Ibong Adarna

- tauhan

- aralin 1-3

7. Bukal

- Aralin 1-5

Thursday, July 28, 2011

Takdang Aralin # 3 (Agosto 1-4)

Takdang Aralin # 3 (Agosto 1-4)

A. Magsaliksik sa mga sumusunod :
1. Kaligirang Pangkasaysayan
ng Ibong Adarna
2. Mahahalagang Tauhan ng Ibong
Adarna at katangian ng bawat isa

B. Gumawa ng Repleksyon (6-15 pangungusap bawat aralin)
3. Aralin 1- Panalangin
4. Aralin 2- Si Haring Fernando

C. Gumawa ng tsart na nagpapakita ng pagkakaiba ng korido at awit

(Ilagay / Isulat sa kwaderno)

Friday, July 15, 2011

Sakop ng Lagumang pagsusulit Hulyo 18

makrong kasanayan ,

kasaysayan ng pabula,

elemento ng pabula,

matsing at pagong,

bahagi ng pananalita-pang-uri pang-angkop pang-abay,

ayos ng pangungusap,

tungkulin ng pangungusap,

pinagmulan at katangian ng wika,

elemento ng tula

Kahulugan ng Filipino.

Elemento ng Tula

Mga Elemento ng Tula

a. Tugma
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma


1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig

2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y

b. Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod

c. Saknong
- tumutukoy sa grupo ng mga linya o taludtod

d. Taludtod -linya sa loob ng saknong

e. Tono/Indayog
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula

f. Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan

g. Kariktan ng tula
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa
Tayutay
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula

h. Talinghaga -malalalim na salita

Tuesday, July 12, 2011

WIKA

Mga Mahahalagang Kaisipan at Kahulugan ng Filipino ay maaaring i-download sa

http://www.ziddu.com/download/15663153/Wika2.doc.html

Monday, July 11, 2011

Pinagmulan at katangian ng Wika

Maaari niyong i-download ang Pinagmulan at katangian ng Wika sa


http://www.ziddu.com/download/15651044/Mga-Katangian-Ng-Wika.doc.html

Sunday, July 10, 2011

Ako’y Isang Mabuting Pilipino

Ako’y Isang Mabuting Pilipino

BY: Noel Cabangon

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkunin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.

Nagbaba at nagsasakay ako sa tamang sakayan
‘di na makahambalang parang walang pakiaalam.
Pinagbibigyan Kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.

‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay

Ticket lamang ang tinatangap kung binibigay

Ako’y nakatayo dun mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.

‘Di ako nagkakalat ng Basura sa lansangan.
‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos kong mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot.
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok.

Pinagtatangol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko binabenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.

‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayaan
Di ko binubulsa ang pera ng Bayan

Pinagtatangol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban ko ang Dangal ng bayan ko.

‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin.

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Pagkat ako’y ilang mabuting Pilipino

Panatang makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y tkanyang kinukopkop
At tinutulungan upang maging malakas
Maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti diringin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Sunsundin ko ang mga tungkulin ang aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayng makabayan
Paglilingkuran ko ang aking bayan
Ang walang pagiimbot at buong katapan
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino
Sa isip sa salita at sa gawa

Saturday, July 9, 2011

SULATING PORMAL

>>>Pagsulat ng Sanaysay at Tula

Panuntunan:

1.Ang bawat mag-aaral ay kailangang magpasa ng SULATIN na isusulat sa isang buong papel.
2. Ang paksa ng sulating pormal ay tungkol sa tema ng Buwan ng Wika 2011:

"ANG FILIPINO AY WIKANG PANLAHAT,ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS"

3. Maaaring pumili lamang kung sanaysay o tula ang gagawin. Para sa sanaysay,siguraduhin na ito'y naglalaman ng tatlong bahagi at sangkap sa pagbuo ng mahusay na sanaysay.Para sa Tula, ito'y maaaring may sukat/walang sukat,may tugma /wala.Samakatuwid, maaaring maging malaya o 'di malayang uri ng tula na nagtataglay ng kariktan.

4. Ito ay mas lalong ipapaliwanag ng guro sa Lunes, Hulyo 11 at kailangan maipasa hanggang sa Hulyo 15.

>>>Magsasagawa ng eliminasyong pangklase ang mga guro ng asignaturang Filipino para sa pagsulat ng sanaysay at tula na gagawin sa Agosto . Bahagi ito ng pagdiriwang pangklase ng Buwan ng Wika na makikita sa banghay-aralin ng guro at bilang gawaing upuan ng mag-aaral.

Monday, July 4, 2011

Pagganyak

(hindi ito homework NGUNIT malaki ang maitutulong nito upang maengganyo ka na basahin ang Ibong Adarna)

1. Bakit maraming kasintahan si Don Juan?
2. Uso na ba noon ang panliligaw ng babae sa lalaki?
3. Kapag tatlong babae ang nag-aagawan sa isang lalaki, sino ang dapat piliin ng lalaki, sang-ayon sa batas ng Diyos?
4. Sino ang dapat pakasalan ng lalaki: ang MINAMAHAL NIYA o ANG NAGMAMAHAL SA KANYA?
5. Hanggang saan ang kayang gawin ng isang babae/lalaki para sa kanyang minamahal?
6. Ano ang kayang gawin ni HARING SALERMO at MARIA BLANCA na HINDI KAYANG GAWIN NINA HARRY POTTER, DUMBLEDORE at mga KAMAG-ANAK ni Dracula sa TWILIGHT?
7. May gantimpala ba talagang naghihintay para sa mga gumagawa ng mabuti? Kung wala, bakit pa tayo dapat gumawa ng mabuti?
8. Ano ba ang tunog ng awit ng Ibong Adarna?
9. Ano ba talaga ang tunay na pamagat ng Ibong Adarna?
10. Bakit kaya walang tiyak na may-akda ang Ibong Adarna?Kailan kaya ito lumaganap?

Sunday, July 3, 2011

PANG-ABAY

Pang-abay – nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at iba pang pang-abay.
Halimbawa:
1. Tumakbo nang mabilis ang atleta.

2 Pangkat ng Pang-abay
1. Mga katagang pang-abay o ingklitik
2. Mga pang-abay na binubuo ng salita o parirala

16 na katagang pang-abay o ingklitik
ba daw/raw tuloy pa
kasi din/rin nga
kaya naman lamang/lang
na yata man
sana pala muna


Pang-abay na Pamanahon
• nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. (nang, sa noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,hanggang) / (kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali atbp.)

Halimbawa:
1. Tuwing Pasko ay nagsasalu-salo ang mag-anak sa noche buena.
2. Kung araw ng Linggo ay nagsisimba ang kanilang mag-anak.
3. Manonood kami bukas ng pagtatanghal sa CCP.

Pang-abay na Panlunan
• tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. (sa, kay o kina)


Halimbawa:
1. Masasarap na ulam ang itinitinda sa cafetorium.
2. Maraming nagsasaliksik sa silid-aklatan.
3. Siya ay nagsaing sa kaldero.

Pang-abay na Pamaraan
• naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. (nang, na, -ng)
Halimbawa:
1. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina.
2. Mabilis na tumakbo ang bata.
3. Natulog siya nang patagilid.

Pang-abay na Pang-agam
• tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. (marahil, siguro, tila, baka)

Halimbawa:
1. Marami na marahil ang nakakaalam sa pasya ng Sandiganbayan.
2. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
3. Waring natutupad din ang kanyang mga pangarap.

Pang-abay na Kundisyunal
• nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. (kung,kapag, pag, pagka-)

Halimbawa:
1. Kapag dumating na ang eleksyon, siguradong di-maiiwasan ang kaguluhan.
2. Maraming dolyar ang papasok sa bansa kapag nakapagbibili na tayo ng langis sa ibang bansa.
3. Makakamit ang pagbabagong inaasam kung buong-puso tayong makikiisa sa pagkilos.

Pang-abay na Panang-ayon
nagsasaad ng pagsang-ayon. (oo,opo,tunay,talaga)

Halimbawa:
1. Tunay na maraming Pilipino ang naghihirap sa kasalukuyan.
2. Opo, asahan niyo ang aking pagtulong.
3. Talagang mabilis ang pag-unlad ng turismo.

Pang-abay na Pananggi
• mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi. (hindi, di, ayaw)

Halimbawa:
1. Hindi pa lubusang nasusugpo ang kahirapan.
2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.
3. Di itinatanggi ng akusado ang paratang sa kanya.

Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
• mga pang-abay na nagsasaad ng timbang o sukat.

Halimbawa:
1. Tumaba ako nang limang libra.
2. Pinabawasan niya nang isang metro ang telang binibili niya.
3. Tumagal ng dalawang oras ang paglalakad ng mga kalahok sa parada.

Pang-abay na Kusatibo
• tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. (dahil, dahil sa)
Halimbawa:
1. Nagkasakit siya dahil sa pabago-bagong panahon.
2. Napapaniwala ko sila dahil dito (larawan).

Pang-abay na Benepaktibo
• tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
1. Maglugaw ka para sa maysakit.
2. Magbenta ka ng mga lumang gamit para kumita ka at lumuwag ang iyong kwarto.

Pang-abay na Pangkaukulan
• pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol.

Halimbawa:
1. Nagplano kami tungkol sa gaganaping Christmas party.
2. Nagtapat siya sa kanyang kapatid hinggil sa totoong nangyari.

Takdang Aralin #2 (Para sa Hulyo 4- 8 )

Takdang Aralin # 2

1. Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod :

Panitikan :

Aralin 1 – “Nagkamali ng Utos”
ni Paz M. Belvez
Aralin 2 – “ Oo Nga’t Pagong”
ni Paz M. Belvez

Gramatika/Retorika
- Pangungusap a. dalawang bahagi
a.1. simuno
a.2. panaguri
b. Uri ng Pangungusap
b.1. ayon sa pagkakabuo o
kayarian
b.2. ayon sa gamit o tungkulin

2. Bumuo ng REPLEKSYON mula sa dalawang binasang pabula(may 2 talata at 4 na pangungusap pataas sa bawat talata)

Halimbawa : Ang Aking Repleksyon(Pamagat)

______________(unang repleksyon para sa "Nagkamali ng Utos")____
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________(ikalawang repleksyon para sa "Oo nga't Pagong")__
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Ibigay ang kahulugan ng 4 na Uri ng Pangungusap ayon sa pagkakabuo o
kayarian at ayon sa gamit o tungkulin . Magbigay ng isang pangungusap bawat
kayarian at gamit ng pangungusap.

Sanggunian:
Bukal I- Serye sa Filipino Para sa Mataas na Paaralan ni Rodolfo C. Cruz et.al mp.2, 7 , 13, p.32

Saturday, July 2, 2011

Ang Aklasan ni Amado V. Hernandez

Ang Aklasan ni Amado V. Hernandez


I



Nangatigil

ang gawain

sa bukirin.



Nagpapahinga

ang makina

sa pabrika.



Natiwangwang

ang daunga’t

pamilihan.



At sa madla

ay nagbanta

ang dalita.



Nangalupaypay

ang puhunan

at kalakal.



Nangasara

ang lahat na…

Welga! Welga!



Bawa’t sipag,

bawa’t lakas

ay umaklas.



Diwang dungo’t

ulong yuko’y

itinayo.



Ang maliit

na ginahis

ay nagtindig.



Pagka’t bakit

di kakain

ang nagtanim?



Ang naglitson

ng malutong,

patay-gutom.



Ang nagbihis

sa makisig

walang damit.



Ang yumari

ng salapi’y

nanghihingi.





Ang gumawa

ng dambana’y

hampas-lupa.



Ang bumungkal

niyang yaman,

nangungutang.




II



Bakit? Bakit

laging lupig

ang matuwid?



Di nasunod

pati Dios

na nag-utos.



Di tinupad,

binaligtad

pati batas.



Ah, kawawa

ang paggawa

at ang dukha.



Laging huli,

laging api,

laging bigti!



Ang aklasa’y

di tagumpay,

kung sa bagay.



Nalilibid

ng panganib,

dusa’t sakit.



Pagka’t ito

ay simbuyong

sumusubo.



Pagka’t ningas

na nagliyab

at sumikab.





Pagbabangon

ng ginutom

at inulol.



Himagsikan

ng nilinlang

at pinatay.



Buong sumpa,

poot, luha,

ng paggawa.



Katapusan

ng kasama’t

pangangamkam.





At sa wakas,

bagong batas,

bagong palad!




III



Nguni’t habang may pasunod

Na ang tao’y parang hayop,

Samantalang may pasahod

Na naki’y isang limos,

Habang yaong lalong subsob

At patay sa paglilingkod

Ay siyang laging dayukdok,

Habang pagpapabusabos

Ang magpaupa ng pagod,

Habang daming nanananghod

Sa pagkaing nabubulok

Ng masakin at maramot,

Habang laging namimintog

Sa labis na pagkabusog

Ang hindi nagpawis halos,

At habang may walang takot

Sa lipunan at Diyos,

At may batas na baluktot

Na sa ila’y tagakupkop,

Ang aklasan ay sisipot

At magsasabog ng poot,

Ang aklasa’y walang lagot,

Unos, apoy, kidlat, kulog,

Mag-uusig, manghahamok

Na parang talim ng gulok,

Hihingi ng pagtutuos

Hanggang lubusang matampok,

Kilalani’t mabantayog

Ang katwirang inaayop,

Hanggang ganap na matubos

Ang Paggawang bagong Hesus

Na ipinako sa kurus.

Pandiwa

PANDIWA

• Salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
• Salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

ASPEKTO NG PANDIWA

1. PERPEKTIBO (ASPEKTONG PANGNAKARAAN) – kilos na nasimulan na at natapos na

1.1 ASPEKTONG PERPEKTIBONG KATATAPOS – nagsasaad ng kilos na kayayari o katatapos pa lamang bago nagsimula ang pagsasalita. (unlaping ka- + pag-uulit ng KP/P ng salitang ugat).

Anyong Pawatas
Maglakbay
magsulat
mag-impok
kumain


Perpektibong Katatapos

kalalakbay
kasusulat
kaiimpok
kakakain



2. IMPERPEKTIBO (ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN) – kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy

3. KONTEMPLATIBO (ASPEKTONG PANGHINAHARAP) – kilos na hindi pa nasisimulan

Anyong Pawatas

Magsaliksik
Yumuko
Pagbawalan
Matamaan
Lagutan
Regaluhan
Umawit


Perpektibo

Nagsaliksik
Yumuko
Pinagbawalan
Natamaan
Nilagutan
Niregaluhan ~ renigaluhan
Umawit

Imperpektibo

Nagsasaliksik
Yumuyuko
Pinagbabawalan
Natatamaan
Nilalagutan
Nireregaluhan ~ reniregaluhan
Umaawit

Kontemplatibo

Magsasaliksik
Yuyuko
Pagbabawalan
Matatamaan
Lalagutan
Reregaluhan
Aawit

Friday, July 1, 2011

Bahagi ng Pananalita

Mga Bahagi ng Pananalita
A. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)
1. Mga Nominal
a. Pangngalan
b. Panghalip

2. Pandiwa

3. Mga Panuring
a. Pang-uri
b. Pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig
b. Pang-angkop
c. Pang-ukol

Saturday, June 25, 2011

Mga Takdang Aralin at Pangkatang Gawain sa susunod na Linggo - Hunyo 27-30, 2011

Indibidwal na takdang-aralin: (para sa section na handle ko-- mabini, jaena, aquino , rizal, del pilar at baltazar )

T. A # 1

1. Alamin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng

Pabula .

2. Ibigay ang kahulugan ng Mga Elemento ng Pabula

a. Tauhan

a.1. Mga uri ng Tauhan:

bilog (round) o lapad (flat)

b. Tagpuan

c. Banghay

d. Mahahalagang Kaisipan

3. Sumipi ng kwentong “Ang Matsing at ang Pagong” mula sa orihinal na komiks na nilikha ni Dr. Jose Rizal. Ilagay sa kwaderno.

4. Ibigay ang kahulugan ng mga Bahagi ng Pananalita at magbigay ng isang halimbawang pangungusap. Bilugan ang bahagi ng pananalita mula sa binuong pangungusap.

a. pangngalan

b. panghalip

c. pandiwa

d. pang-uri

e. pang-abay

f. pangatnig

g. pang-angkop

h. pang-ukol





Pangkatang gawain :




Pangkat Pangngalan : Pagtalakay / Pagbabalangkas ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula

Pangkat Panghalip : Paglalahad ng Mga Elemento ng Pabula

Pangkat Pandiwa : Pagsasadula ng “Ang Matsing at ang Pagong”

Pangkat Pang-uri : Pagpapakahulugan at pagbibigay halimbawa sa

a. pangngalan

b. panghalip

c. pandiwa

d. pang-uri

e. pang-abay

Pangkat Pang-abay : Pagpapakahulugan at pagbibigay halimbawa sa

f. pangatnig

g. pang-angkop

h. pang-ukol



Maghanda rin ng isang COMMERCIAL na may LESSONg mapupulot.



Ito ay gagawin sa Lunes o sa muli nating pagkikita. Maaari kayong gumamit ng iba't ibang estratehiya sa pag-uulat tulad ng mga sumusunod :

1. pagsasadula

2. balitaan - news report

3. panel discussion

4. media presentation - paggamit ng OHP, Video , LCD, IMC, o LIBRARY

5. Tableau / Picture Frame

6. Paggamit ng Graphic Organizers

7. Pagbabalangkas

8. pantomina

9. monologo

10. deklamasyon

11. dugtungang pagsasalaysay

12. mga palaro - tulad ng PINOY HENYO, pera at bayong, hephep hooray, pasahan bola atbp.

13. story telling--- pagkukwento

14. skit

15. at marami pang iba...depende sa naisip ninyong babagay sa paksang tatalakayin.



Hindi pwedeng "nakakabagot/ nakakaantok ang pag-uulat" . Isali ang mga tagapanood sa pag-uulat para mas masaya:) okidoki:)

Wednesday, June 22, 2011

Kasaysayan ng Pabula

Pumunta lamang sa link na to--

http://www.ziddu.com/download/15447230/kasaypabula.doc.html

Basahin at intindihing mabuti ang kasaysayan.


Takdang Aralin 1: Sagutan ang ikalawang linggo. Alamin ang mga kahulugan ng mga paksa sa ikalawang linggo.

Thursday, June 16, 2011

Mga Planong Gawain sa Filipino I -2011-2012

Puntahan lamang ang address na ito


http://www.ziddu.com/download/15383107/Mgaplanonggawainfil1courseoutline.doc.html


para makita ang Mga Planong Gawain sa Filipino I -2011-2012. Idikit ang nai-print sa pang-apat na pahina ng inyong kwaderno.

Kasunduan sa Asignaturang Filipino I -Taong-Panuruan 2011-2012

Maligayang pagbati sa mga mag-aaral ko sa Unang Antas ng SSA para sa panimula ng taong ito.

Maaari niyong makita /ma-download ang KASUNDUAN sa ASIGNATURANG FILIPINO para sa taong 2011-2012 sa link na ito -

http://www.ziddu.com/download/15383046/kasunduan2011-2012.doc.html

I- click lamang ang link o kaya'y i-copy paste sa web address bar.

Inaasahan kong magkakaroon kayo ng kopya ng kasunduan hanggang Hunyo 23,2011.
Idikit ang nai-print na kopya sa ikalawang pahina ng kwaderno.