Translate

Sunday, January 21, 2024

LAYUNIN NG PANANALIKSIK




Dalawang Paraan (Method) ng Pananaliksik


1. Palarawan -(DESCRIPTIVE METHOD) -Ito'y dinesenyo para sa mga mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan.May kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang naganap, mga gawaing umiiral, paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektibong nararamdaman o mga kalakarang nalinang.

 Mga Anyo/ Uri ng Palarawan na Paraan

     a. CASE STUDY - (Pag-aaral sa Kaso) paraan ng detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon

     b. DEVELOPMENTAL STUDY (Pag-aaral na Developmental)- nagtatakda at kumukha ng mga mapanghahawakang impormasyon tungkol isang pangkat na tao sa loob ng mahabang panahon

     c. DOCUMENTARY ANALYSIS(Dokumentaryong Pagsusuri)- nangangailangan ng pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakasulat na record o mga dokumento upang malutas ang suliranin

    d. COMPARATIVE STUDY (Pag-uugnay na Pag-aaral)-pag-alam sa iba't ibang baryabol na magkakaugnay o kaya'y may relasyon sa isa't  isa sa target na populasyon 

      e. FOLLOW-UP STUDIES (Pasubaybay na Pag-aaral) -ginagamit upang masubaybayan ang isang tiyak na prediksyon; ito ay kailangan kung ibig tiyakin nang maaaring bunga ng isang pag-aaral


2. Eksperimental na Paraan (EXPERIMENTAL METHOD)- Ito ang pamamaraan na tunay na makakasubok sa palagay o hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga

URI NG PANANALIKSIK

1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research)
Ang pananaliksik na ito ay may layuning magpaliwanag ng isang paksa. Ito ay binubuo ng teorya o paliwanag sa isang pangyayari.
Ang resulta ng pananaliksik na ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.

Halimbawang paksa:
Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa kanilang paligid.
(kung mapapansin ang paksang ito ay hindi na bagong paksa na nais tuklasin sapagkat ang facebook ay dumaan na sa napakaraming pag-aaral ngunit nilalayon ng pag-aaral na ito na magbigay ng karagdagang impomasyon sa facebook hinggil sa kung ano ang nagiging epekto nito sa pakikisalamuha ng tao.)

2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research)
- Ito ay gumagamit ng sopistikasyon sapagkat ito'y konklusyon at estadistika, gumagamit ng prediksiyon na nagkakatotoo. Karaniwang ito'y bunga ng madaling pagsasagawa ayon sa hinihinging panahon, Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng adbertisment., Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at mga napiling sampling. Ex. Panahon ng eleksiyon

-Ang layuning ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang suliraning iyon. Ito ay may layuning solusyunan ang suliranin ng tao at ang suliraning umiiral sa kanyang paligid.

3. Empirikal o Mala siyentipiko -

Nangangailangan ito ng malalim na pagsusuri ng ibidensiya at mga aktuwal na mga datos. Kailangang naihahambing, nailalarawan at natutuos ang mga datos upang makita ang relasiyon ng haypotesis sa panukalang tesis o kaya'y disertasyon na isang trabahong siyentipiko

4. Pure Research- para sa sariling pangkasiyahan upang maunawaan/mabigyang linaw gumugulo sa isipan ng gagawa ng pag-aaral. Maaaring gawin ayon sa hilig ng mananaliksik

5. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research) -ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon o komunidad. Ang pananaliksik na ito ay may payak na suliranin at kadalasang bahagi ang mananaliksik sa pinag-aaralan.

KAHULUGAN ng PANANALIKSIK




           Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.

         Samantala, ayon naman kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat- pampanananaliksik. 

       Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan. (Manuel at Medel:1976)

           Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. 

      Maidaragdag din sa ating depinisyon ang kina E. Trece at J. W Trece (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layuning prediksyon at eksplanasyon.

Monday, June 16, 2014

Breadwinner
(Isang halimbawa ng TALAMBUHAY NA PAIBA)

Musmos pa lamang siya noon nang mamulat sa kahirapan sa buhay. Madalas siyang isama ng nanay niya sa pagtitinda ng Balot sa kahabaan ng Katipunan. Kung minsan naman, nagbabarker  sa may Mc Donalds malapit sa kanilang lugar para makadagdag sa pang-araw-araw nilang gastos sa bahay o kaya’y baon niya sa pagpasok sa Mababang Paaralan sa Batino. Tuwang-tuwa ang nanay niya  kapag malaki ang kinita ni Jose sa pagbabarker o pagbabantay ng kotse ng mga customer sa Mc Donalds. Anim silang magkakapatid at pangalawa siya sa bunso. Sa lugar ng Katipunan isinilang at lumaki si Jose -sa isang squatter area. Family driver ang kaniyang tatay  at sadyang maliit lamang ang kinikita nito kayat napilitan ang  nanay niya na kumayod sa gabi. Kahit bata pa lamang siya noon, batid niya ang paghihirap ng mga magulang para mapag-aral silang lahat at makatawid sa gutom. Malaki ang pasasalamat ni Jose sa kanila dahil napagtapos sila sa elementarya hanggang hayskul. Sa wakas, nagtapos siya  sa Balara High School bilang Top 7 ng graduating class 2003. Napakasaya niya dahil nakatapos siya sa hayskul. Excited na nga si Jose mag-college. Ganumpaman, hindi na nila  kayang pag-aralin ang mga anak sa kolehiyo. Gusto niyang  makatapos. Gusto niyang magkaroon ng magandang trabaho balang araw. Gusto niyang makaalis sa kalagayan nilang hikahos. Gusto niyang  matupad ang kaniyang  pangarap - maging isang COMPUTER ENGINEER. Gusto niyang maging mariwasa ang buhay nila.
Mapalad si Jose dahil natanggap siya bilang iskolar ng ROTARY Club at ng SYDP (Scholarship and Youth Development Program)sa panunungkulan ni Sonny Belmonte bilang Mayor ng QC. Malaking tulong ang pagiging iskolar niya para makapagpatuloy sa pag-aaral kahit sa kursong edukasyon basta makamit lamang ang  kaginhawaan sa buhay. Kahit nag-aaral siya sa kolehiyo,hinangad niyang makatulong na rin sa magulang kayat nagtrabaho siya sa Mc Donalds bilang part-time crew. Pagkatapos ng kontrata niya dito nagpatuloy siyang magtrabaho sa Jollibee, Hidalgo at ang huli sa Jollibee Gagalangin. Pinagsikapan niyang  makatapos sa kolehiyo sa The National Teachers College noong taong 2008. Nag-uumapaw sa saya sa araw ng kaniyang pagtatapos dahil hindi niya akalain na darating ang buong pamilya  at ang kaniyang nobya sa araw ng pagtatapos  sa kolehiyo.Agad naman siyang kumuha ng LET noong Setyembre at sa taong ito, naging lisensyado siyang guro. Ganap na nga siyang guro. Sa School of Saint Anthony,sa Lagro Fairview siya unang nagturo.Dito niya higit na naramdaman na ito ang kaniyang misyon, ang plano ng  Diyos . Sa kasalukuyan, siya ay guro sa isang pampublikong paaralan.



                                              

Wednesday, June 11, 2014


Takda

1. Ano ang Panitikan?
2. Ano ang 2 anyo/dibisyon ng Panitikan ?Magbigay ng 5 halimbawa sa bawat anyo.

Saturday, June 7, 2014


Sa mga anak ko sa 7- Adelfa , ito na ang facebook page natin.
I-click ang link at sumali sa group page.

https://www.facebook.com/groups/sevenadelfa/


REVIEWER / Pre-test sa FILIPINO 7 Unang Markahan


REVIEWER / Pre-test sa FILIPINO 7
Unang Markahan

Ikalawang Araw, Hunyo 3, 2014

I-click ang link upang madownload
http://downloads.ziddu.com/download/23822297/PRE-TEST-FIL7.doc.html

Mga Aralin sa Filipino 7

Paalala : Kung gusto mong magkaroon ng kopya ng bawat akda, i-click lang ang link sa ibaba ng akda upang madownload ang file.


UNANG MARKAHAN

  1. BATANG-BATA KA PA ng APO Hiking Society   http://downloads.ziddu.com/download/23822254/Batang-bata-ka-pa-lyrics.doc.html
  2. ANG SUNDALONG PATPAT ni  Rio Alma  http://downloads.ziddu.com/download/23822282/ANG-SUNDALONG-PATPAT.doc.html
  3. ISANG DOSENANG KLASE NG HIGHSCHOOL STUDENT: Sipi mula sa Aba, Nakakabasa na Pala Ako! ni Bob Ong                                                    http://downloads.ziddu.com/download/23851813/Isang-Dosenang-klase-ng-high-school-students.doc.html
  4. SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia  http://downloads.ziddu.com/download/23868642/Sandaang-Damit.doc.html
  5. KUNG BAKIT UMUULAN: Isang Kuwentong Bayan  http://downloads.ziddu.com/download/23868648/Kung-Bakit-Umuulan.doc.html
  6. ALAMAT NI TUNGKUNG LANGIT ni Roberto Añonuevo  http://downloads.ziddu.com/download/23868645/Alamat-ni-Tungkung.doc.html
  7. SALAMIN ni Assunta Cuyegkeng   http://downloads.ziddu.com/download/23868647/SALAMIN.doc.html
  8. ANG PINTOR ni Jerry Gracio                         http://downloads.ziddu.com/download/23868646/Ang-Pintor.doc.html
  9. IMPENG NEGRO ni Rogelio R. Sikat        http://downloads.ziddu.com/download/23868649/Impeng-Negro-by-Rogelio-Sicat.doc.html
  10. ANG AMBAHAN NI AMBO ni Ed Maranan  http://downloads.ziddu.com/download/23868654/ANG-AMBAHAN-NI-AMBO-ni-Ed-Maranan.doc.html

IKALAWANG MARKAHAN
  1. NEMO, ANG BATANG PAPEL ni Rene O. Villanueva
  2. MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg
  3. ANG ALAMAT NI DARAGANG MAGAYON
  4. KAY MARIANG MAKILING ni Edgar Calabia Samar
  5. ANG MGA DUWENDE ni Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
  6. TRESE Isyu 5 ni Budjette Tan
  7. ALAMAT NG WALING-WALING
  8. MGA ALAMAT NI JOSE RIZAL: Kabanata 3, El Filibusterismo ni Jose Rizal
  9. NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
  10. PAGLISAN SA TSINA ni Maningning Miclat

IKATLONG MARKAHAN
  1. PIMPLES, BRACES AT GWAPIGS ni Pol Medina Jr.
  2. SIPI MULA SA LIBRONG TUTUBI, TUTUBI, ‘WAG KANG MAGPAPAHULI SA MAMANG SALBAHE   
  3.  ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA, ANG WIKA NG KAPANGYARIHAN ni Conrado de Quiros
  4.  PANDESAL
  5. PORK EMPANADA ni Tony Perez
  6. IBONG ADARNA
  7. MAGKABILAAN ni Joey Ayala
  8. NANG MAGING MENDIOLA KO ANG INTERNET DAHIL KAY MAMA ni Abegail Joy Yuson Lee


IKAAPAT NA MARKAHAN

  1. HARI NG TONDO AT UPUAN ni Gloc 9
  2. SIPI MULA SA “AMPALAYA (ANG PILIPINAS 50 TAON MAKATAPOS NG BAGONG MILENYO)” ni Reuel Molina Aguila
  3. NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
  4. BAGONG BAYANI ni Joseph Salazar
  5. BAYAN KO: LABAN O BAWI ni Jose F. Lacaba
  6. PULANGI: ANG ILOG NA HUMUBOGSA MARAMING HENERASYON
  7. OBRA ni Kevin Bryan Madrin
  8. BERTDEY NI GUIDO

Kasunduan sa Filipino 7

F.G. CALDERON INTEGRATED SCHOOL
HERMOSA ST., TONDO MANILA

Kasunduan sa Asignaturang Filipino 7
TP. 2014-2015

  1. KWADERNO
    1. Ang bawat mag-aaral ay inaasahang may kwaderno sa asignaturang Filipino na magiging talaan ng mga aralin/lectures, takdang-aralin at gawain-upuan o pagsasanay.
    2. Kailangang kumpleto ang mahahalagang tala mula sa tinalakay na mga paksang-aralin.
    3. Ito ay inaasahang maipapasa sa guro  isang linggo bago ang Pangkasanayan o Pangkalahatang Pagsusulit. Maaring suriin/siyasatin ng guro ng 2 hanggang 3 beses  sa bawat markahan, gayon din ng Tagapag-ugnay sa Filipino.

  1. TAKDANG ARALIN, PAGSASANAY (GAWAING UPUAN) AT MAIKLING PAGSUSULIT (QUIZZES)
    1. Ang mga takdang-aralin ay maaaring isulat sa kwaderno, papel, o bond paper batay sa sinabi ng guro. Ang bawat takdang-aralin ay maaaring may 10 o 20 puntos depende sa paksa o gawain. Kailangang may lagda ng magulang ang bawat takdang -aralin.
    2. Sinumang mag-aaral na lumiban sa klase ay maaaring magpasa ng takdang-aralin sa kanyang pagbabalik sa eskwela. Ang mga  maikling pagsusulit  at pagsasanay na hindi nagawa ay makukuha, kapag nagbigay ng “special test” ang guro sa takdang panahong inilaan sa bawat klase . Kinakailangang ipakita ang “excuse letter” o medical na sertipiko upang mabatid ng guro ang dahilan ng kanyang pagliban. Bibigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral upang maipasa ang mga gawain dahil sa kanyang pagliban,
    3. Ang mga mag-aaral na lumalahok sa paligsahan sa loob at labas ng paaralan ay bibigyan ng isang linggong palugit upang maisakatuparan at maipasa ang mga gawain, pagsusulit at takdang-araling hindi nagawa sa panahong siya’y wala sa klase. Pagkatapos ng inilaang panahon at hindi nakapagpasa ang isang kalahok, siya ay makatatanggap ng zero sa mga gawaing hindi naisakatuparan.

C.   MGA PANGUNAHING PAGSUSULIT
    1. Ang mga mag-aaral na lumiban sa klase sa panahon ng pagsusulit ay makakakuha ng “special test”, ngunit kinakailangang sumunod sa itinakdang panahong ibibigay ng guro
    2. Kailangang ipaalam sa gurong tagapayo ang dahilan ng pagliban sa klase at ipakita ang medikal na sertipiko o “excuse letter”.
 D.   PROYEKTO

    1. Ang bawat mag-aaral ay kailangang magpasa ng proyektong nakatakdang gawin sa bawat markahan.
    2. Bibigyan ng isang buwan o higit pang paghahanda ang mga mag-aaral upang maipasa ang proyekto sa mga takdang panahong ibibigay ng guro.
    3. Ang sinumang hindi makapagpasa ng proyekto sa mga takdang panahon ay makatatanggap ng bagsak na grado.
    4. Hindi tatanggapin ang anumang proyektong ipapasa nang huli pagkatapos ng mga takdang panahong ibinigay ng guro.
    5. Ang mga mag-aaral na nagkaroon ng karamdaman o liban sa klase sa huling araw ng pasahan ay maaaring magpasa ng proyekto kapag siya’y nagbalik na sa paaralan kalakip ang excuse letter o medical certificate.

 E.   PARAAN NG PAGMAMARKA SA ASIGNATURANG FILIPINO

KNOWLEDGE   
  • Maikling Pagsusulit (Quizzes) ………………….15%


PRODUCT
  • Portfolio                              ..…………………….10 %
  • Kwaderno  at Takdang Aralin           …………...10 %
  • Proyekto                                           …………….10 %

SKILLS
Ø  Interaksyong Pangklase                      
  • Recitation at Group Presentation    …………...15%
  • Pagsasanay / Gawaing-upuan      …………….15%

UNDERSTANDING
  • Markahang Pagsusulit                   …………….25%
                                                    Kabuuan                    100%

·         PARAAN NG PAGMAMARKA SA KWADERNO

a) Kumpletong tala ng mga aralin at nilalaman………….……………,,,,,,,,,70%
b) Kalinisan, pagkamalikhain at maayos na pagsulat (penmanship)……  30%

                                                                                                                             100%

Panibagong Landas ng Paglalakbay

Tapos na. Sa bawat katapusan ay may panibagong landas na tatahakin. Hunyo 4, 2012, ito ang araw ng pagtahak ko sa panibagong landas ng pakikipagsapalaran ko sa mundo ng "public school". Maraming masasayang karanasan at ganundin sa mga malulungkot na naranasan. Humigit dalawang taon na ang nakalipas pero ngayon ko lang muli naisipang gawin muli ang pagsulat dito sa aking blog. Sana tuluy-tuloy na. Nais kong ipagpatuloy ang aking nasimulan at lalong palawakin ang bukal ng karunungan dito sa aking gabay ng wika.

Friday, December 30, 2011

Balangkas ng mga Aralin sa Filipino I Ikatlong Markahan

Makikita sa

http://www.ziddu.com/download/18010953/balangkasngaralin3rdgrading.doc.html

Wednesday, December 14, 2011

EPIKO ng IBALON , Bantugan , Indarapatra at Sulayman , Maragtas at Ullalim

Makukuha ang kopya sa mga sumusunod na web address :


http://www.ziddu.com/download/17824016/EpikoIBALON.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824042/EpikoPrinsipeBantugan.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824043/EpikoINDARAPATRA.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824044/EpikoMARAGTAS.pdf.html

http://www.ziddu.com/download/17824045/epikoULLALIM.pdf.html

Katuturan at Uri ng Epiko

Katuturan at Uri ng Epiko

Epiko
ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.
Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na “epos” na nangangahulugang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang Epiko, samakatwid ay gumigising sa mga damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap at lalong magaling kung magkakaroon ng ganap na pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin sapagkat ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tulang ito.

Uri ng Epiko:

1. Epikong Sinauna: Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayan na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin. Ito’y karaniwan nang may katangian pangunahing tauhan nag-aangkin kahimah-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa. Ang tulang ito ay nag-pasalin salin sa mga bibig ng salinlahi at unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon.

2. Epikong Masining: tinatawag din itong Epikong Makabago o Epikong pampulitika.

3. Epikong Pakutya: kabalangkas ng Epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad na kutyain ang gawaing walang kabuluhan at pag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.

Halimbawa ng Epiko: Lam-Ang, Ibalon,Ullalim

Sunday, October 2, 2011

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang
katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang
kahulugan ay “upang mabasa”.
Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno, na
kilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga
karunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan.) Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o
nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang
lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga
marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay
nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga
Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at
pananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating mga
ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang
nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala,
at pananampalataya sa Lumikha.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay.
Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano.
May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga
karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto
na tinatawag na Alifbata o Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat
na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa
mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga
bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong
ito, higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang
pagano at sumibol ang “Maragtas” at “Malakas at Maganda”.
Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at
Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura na
nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa
mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga
ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga taong-bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na
may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng
pananampalatayang Kristyanismo. Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol
ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod
sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo.
Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira. Nanatili ang mga
alamat...nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na
panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyang.

Wednesday, September 14, 2011

Mga Halimbawa ng Simile (Pagtutulad)

Mga Halimbawa ng Simile (Pagtutulad)

Ang pagtutulad o simile ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

Mga Halimbawa ng Pagtutulad:
Examples of Similes

Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato.
Your heart is like a stone.

Ang gerilya ay tulad ng makata.
A guerilla is like a poet.

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
Weaving cloth is like the suffering of a person.

Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.

Ang pag-ibig mo ay para ng tubig − walang lasa.
Your love is like water − flavorless.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Your promises are like air.

Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
Under foreigners, the Philippines became like a carabao.

Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
The cloud is akin to a person's face.

Mga Tayutay (Figures of Speech)

Mga Tayutay (Figures of Speech)

Mga Uri ng Tayutay
Types of Figure of Speech

pagtutulad
simile

pagwawangis
metaphor

pagsasatao
personification

pagmamalabis
hyperbole pag-uyam
sarcasm

pagpapalit-saklaw
synecdoche

paghihimig
onomatopoeia

pagtanggi
litotes

Ano ang tayutay?

Ang tayutay ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.
Ano ang mga uri ng tayutay?


1. Pagtutulad (simile) - ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp.


2. Pagwawangis (metaphor) - katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.


3. Pagmamalabis (hyperbole) - lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman


4. Pagbibigay-katauhan (personification) - pagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay, may buhay man o wala


5. Pagpapalit-tawag (metonymy) - mahabang pangungusap na isang salita lamang ang katumbas


6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo

----mula sa tagaloglang.com

Takdang Aralin #1 - 2

T.A # 1 - REPLEKSYON

Aralin 4-6 Ibong Adarna

T.A # 2 - TAYUTAY

1. Ano ang Tayutay?
2. Ibigay ang kahulugan ng iba't ibang uri ng Tayutay.
3. Gumawa ng dalawang halimbawang pangungusap sa bawat uri ng Tayutay.

Ikalawang Markahan - Fil I

Proyekto sa FILIPINO I
Ikalawang Markahan

> Pagkatha ng sariling ALAMAT
> Ang bawat mag-aaral ay pipili/mag-iisip ng paksa para sa isusulat na ALAMAT.
Hindi maaaring magkapareho ang mga mag-aaral ng paksang pinili.
> Setyembre 26-27 - paggawa/ pagsulat ng proyekto sa oras ng klase sa FILIPINO.
> Oktubre 10- Unang Pagpasa
Oktubre 17- Ikalawang Pagpasa
Oktubre 24- Huling Pagpasa


>Hindi na tatanggap ng proyekto pagkatapos ng huling pasahan.

Monday, August 29, 2011

SAKOP NG PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA FIL 1 - SEPT 9

SAKOP NG PANGKALAHATANG PAGSUSULIT SA FIL 1 - SEPT 9

1. Kasaysayan ng Pabula

2. Elemento ng Pabula

3. Bahagi ng pananalita

- pang-angkop

- panghalip

- pang-uri

-pang-abay

4. Ayos ng pangungusap

5. awit at korido

6. Ibong Adarna

- tauhan

- aralin 1-3

7. Bukal

- Aralin 1-5