Wednesday, June 24, 2009

Alaala ng Nakaraan


Ito ang larawan ng una kong karanasan sa larangan ng pagtuturo.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga batang ito mula sa I-A PM class sa pinagtapusan kong paaralan(NTC). Maraming masasayang alaala ang sumasagi sa aking isipan sa tuwing nakikita ko ang larawang ito.Hindi ko mapigilang malungkot dahil napamahal na sila sa akin. Ngayon ay marahil nasa Ikatlong Taon na sila sa hayskul. Kitang-kita sa larawang ito ang dati kong palitong katawan(konting ihip ng hangin ...tangay ako!), pagod na mukha (ngunit laging nakangiti) at nanghihinang kalooban(maiiyak lang ako kapag tinanong mo kung bakit). Sa kabila ng lahat, isa lang ang masasabi ko sa kanila sa oras na ito... Mahal na mahal ko sila".

Iba't ibang mukha ng mga bata at sa kasalukuyan ay patuloy pa rin akong magmamahal sa mga batang tinuturuan ko.

Ito ang bokasyon na ipinagkaloob Niya sa akin :)

1 comment:

Jm Benavidez Estoque said...

:)
Sir? anong subject ba tinuturo nyo?

I'm sure hindi rin nila kayo makakalimutan lalo't alam ko na isa kayong mabuti na guro. :P

kung mayroon kayong libren panahon, iniimbitahan ko kayo na dalawin din ang site ko.

:)