Translate

Wednesday, December 10, 2008

Pagsusuring Pampanitikan(Ikalawang Antas)








Ito ang inyong susuriin. Ang format ng pagsusuri ay nasa inyong kasanayan. Basahin at pag-aralan mabuti ang pagbuo ng pagsusuri.
Titser: isang nobela
Ayon kay Liwayway A. Arceo
Inilathala ni Ateneo de Manila University Press, 1995
ISBN 9715501818, 9789715501811
150 mga pahina

Saturday, November 22, 2008

PRC's SEPT. 2008 LET RESULTS


glitter-graphics.com


glitter-graphics.com

Roll of Successful Examinees in the
L.E.T. - SECONDARY - All Regions
Held on SEPTEMBER 28, 2008
Released on NOVEMBER 15, 2008 Page: 11 of 378

Seq. No. N a m e

451 AGPAD, GLADYS OLA-AO
452 AGPAO, NATY AKLIPEN
453 AGPAOA, DANILO PUEBLAS
454 AGPAOA, QUIRINO JR AGUIDAN
455 AGPASA, MARICOR GABRILLO
456 AGPOON, MARTE MOLINA
457 AGPUON, ALLAN ANTONIO
458 AGREDA, PRESCIOUS LOVE LADAN
459 AGRIPA, RIZZEL MARIÑAS
460 AGSALOG, CHERRY MAY PICHAY
461 AGSALOG, MYRNA QUIMADA
462 AGSAOAY, GRACE MACUSI
463 AGUANTA, GRECEL MALLORCA
464 AGUARILLES, ERIC BATISLAONG
465 AGUAS, FRANCES CLAIRE MULI
466 AGUAS, JOEL ANGUSTIA
467 AGUAS, MARITA CONTRERAS
468 AGUDO, MA EUZEL RECENTE
469 AGUELO, JOSIELYN DEL MUNDO
470 AGUHOB, NOVELYN SUPERA
471 AGUIHAP, EDILIZA DIMZON
472 AGUILA, ALVIN MENDOZA
473 AGUILA, CHERRINA DOMINGO
474 AGUILA, CHRISTINE JOY DEL ROSARIO
475 AGUILA, MINERVA ACAR
476 AGUILA, PINE DESIREE CANTUBA
477 AGUILA, VIOLETA JELEN MORALES
478 AGUILAR, ALLELI CABANILLA
479 AGUILAR, DEXTER LAZARTE
480 AGUILAR, ERICH MARIE SEBIAL
481 AGUILAR, JASMIN ITABLE
482 AGUILAR, JAY-AR PERALTA
483 AGUILAR, JESUS PASCUAL BICALDO
484 AGUILAR, JOSE LORENZO FAULVE
485 AGUILAR, MARIA VANESSA MENDOZA
486 AGUILAR, MARY ROSE DACANAY
487 AGUILAR, MELCAR CANOMON
488 AGUILAR, MELINA CONCHA
489 AGUILAR, PATRICIA GRACE CAYANAN
490 AGUILAR, PAUL GAMALIEL RAZO
491 AGUILAR, REX JONNARD VILLAFUERTE
492 AGUILAR, REYSAN BRAVO
493 AGUILAR, RODELYN AMBROS
494 AGUILAR, SHERYL MARTINEZ
495 AGUILAR, SHERYL SAMPAGA
496 AGUILAR, STEPHANIE JUNE MABINI
497 AGUILAR, TERESA SEMIRA
498 AGUILARIO, MARY GRACE PARREÑO
499 AGUILLON, JOVIE BATIDOR
500 AGUILLON, ROBY JOY DE GUZMAN

Wastong Gamit ng Salita

hango sa
Wastong Gamit ng Salita

1. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.



Hal. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.

Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.



Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.

Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

2. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo; pangungusap ang tinutukoy

ng imik.

Hal. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.

Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.

Hal. Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.

Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.

3. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil, pangngalan ang dahilan;pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay.

Hal. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.

Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.

Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.

Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.

Mali: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.

4. HABANG at SAMANTALANG

Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na

hangganan,o “mahaba”.

Samantalang- ang isang kalagayang may taning, o

“pansamantala”.

Hal. Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.

Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho.

Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyan kasintahan.

Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan.
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang

pagtatambis sa dalawang kalagayan.


Hal. Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag

kanina pa?

5. IBAYAD at IPAGBAYAD

Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran

Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao


Hal. Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na

pera.
Ipagbabayad muna kita sa sine.

MALI at katawa-tawa): Ibayad mo ako sa sine.

Ibinayad ko siya sa bus.

6. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan), pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Hal. May anay sa dingding na ito.

May kumakatok sa pinto.

May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip napanao o pamatlig o pang-abay na panlunan.

Hal. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.

Mayroon iyang malaking suliranin.

Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?

Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.

Hal. “May asawa ba siya?’ “Mayroon.”

Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.



Hal. Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung

sino ang wala.

7. PAHIRAN at PAHIRIN

Pahiran - paglalagay

Pahirin - pag-aalis

Hal. Pahiran mo ng sukang iloko ang noo niya.

Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.


8. PINTO at PINTUAN

Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi iito
mapagdaanan

Pintuan- ang puwang sa dingding o pader na

pinagdaraanan.

Hal. Huwag kang humara sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.

Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan

Hagdan - ang inaakyatan at binababaan

Hagdanan - nag kinalalagyan ng hagdan

9. SUBUKAN at SUBUKIN

Subukan - pagtingin nang palihim

Subukin - pagtikim at pagkilatis

Hal. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa
bahay.

Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.

Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.


Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at

pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba nag anyo sa

panghinaharap: susubukan, sususbukin


10. TAGA- at TIGA

Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.

Hal. Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.

Ao ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.

Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga

pambilang: tig-isa, tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.

11. AGAWIN at AGAWAN

Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.

Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.

Hal: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.

Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.

12. HINAGIS at INIHAGIS

hinagis ng isang bagay

inihagis ang isang bagay
Hal. Hinagis niya ng bato ang ibon.

Inihagis niya ang bola sa kalaro.



13. ABUTAN at ABUTIN

abutin ang ang isang bagay

abutan ng isang bagay

Hal. Abutin mo ang bayabas sa puno.

Abutan mo ng pera ang Nanay.

14. BILHIN at BILHAN

bilhin ang isang bagay

bilhan ng isang bagay

Hal. Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.

Bilhan antin ng sapatos ang ate.

15. WALISAN at WALISIN

walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis

walisan ang ang pook o lugar

Hal. Nais kong walisan ang aklatan.

Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.

15. SUKLAYIN at SUKLAYAN
suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba

sukalyan - ng buhok ang ibang tao

Hal. Suklayin mo ang buhok ko,Luz.

Suklayan mo ako ng buhok, Alana.

16. NAMATAY at NAPATAY

napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya

namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi

sakit,

katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya;

ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na

walang buhay.

Hal. Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.

Napatay ang aking alagang aso.

17. MAGSAKAY at SUMAKAY

magsakay - magkarga ( to load)

sumakay - to ride

Hal.

Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.

Sumakay na tayo sa daraang bus.

18. OPERAHAN at OPERAHIN

operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin

operahan - tumutukoy sa tao

Hal.

Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.

Si Luis ay ooperahan sa Martes.

19. NANG at NG

nang - pangatnig na panghugnayan

- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon

- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit

ng - pantukoy ng pangngalang pambalana

- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa

- pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”

Hal. Umalis siya nang sila’y dumating.

Tumawa nang tumawa ang mga mag-aaral.

Nagalit ang guro nang kami’t nag-ingay.



Bumili kami ng mga pasalubong para kay ditse.

Pumanhik ng bahay ang mga panauhin.

20. KATA at KITA

kata - ikaw at ako

kita - ikaw

Hal.

Manood kata ng sine.

Iniibig kita.


Wastong Gamit ng mga Salita

Kila at Kina
Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.

Hal. Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.

Daw/ Din at Raw/ Rin
Ginagamit ang daw/ din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.

Hal. May sayawan daw sa plasa.
Sasama raw siya sa atin.

Kung at Kong
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari

Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.

Kung Di at Kundi
Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.

Hal. Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

Hagdan at Hagdanan
Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantalam ang hagdanan
(stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

Ikit at Ikot
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.

Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

Hatiin at Hatian
Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.

Hal. Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

Nabasag at Binasag
Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.

Bumili at Magbili
Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta

Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

Kumuha at Manguha
Kumuha- to get; Manguha – to gather, to collect

Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

PANG-URI AT GAMIT NG GITLING

Hango sa http://mamsha.tripod.com/id43.html

Pang - Uri (Kayarian at Kaantasan)

Pang-uri – ay ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa

pangngalan o panghalip.
¨ Pang-uring palarawan
Kayarian ng pang-uri

1. Payak – binubuo ng salitang ugat lamang.

Ha. Bilog , pula

2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.

§ Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit:

/Ka-/ ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa

isang taong binabanggit sa pangungusap.

Hal. Kalahi, kasundo

/kay-/ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na

inilalarawan.

Hal. Kayganda, Kaysaya

/ma-/ nagpapakita ng katangian ng pangngalan o

panghalip

Hal. Matalino, Mahusay

/maka-/ nagpapakilala ng pagkikiayon o pakikisama.

Gumagamit ng gitling kapag ito ay

ikinakabit sa pangngalang pantangi.
Hal. Makabayan, Maka-Diyos

/Mala-/ nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad

ng salitang-ugat.

Hal. Malarosas, malaprinsesa

3. Inuulit – binubuo ng salitang inuulit.

1. Ganap – buong salita ang inuulit

Hal. Sira-sira

2. Di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit

Hal. Matatamis
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat na inuulit
- Karaniwang kahulugan

Hal. Balikbayan

- Matalinhagang kahulugan

Hal. Bukas-palad



Kaantasan ng Pang-Uri

1. lantay – karaniwang anyo ng pang-uri.

ha. mayaman, pang-araro, palabiro, atb.

2. Katamtaman – naipapakita ito sa paggamit ng mga salitang medyo, nang, bahagya, nang kaunti, atb., o sa pag-uulit ng salitang –ugat o dalawang unang pantig nito.

hal. Medyo hilaw, mapurol nang kaunti, masarap-

sarap

3. Pinakamasidhi – Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng

1). pag-uulit ng salita (hal. mataas na mataas)

2). paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-…-an,

pagka- at kay-. (hal. napakalamig)

3). sa pamamagitan ng salitang (hal. Masyadong

nasalanta ng bagyo…)

Saturday, October 25, 2008

Binabati ko ang lahat ng mag-aaral sa Ikalawang antas!
Kampyon tayo sa ating "Joseph the dreamer"...:)
Salamat sa inyo!

Sunday, October 19, 2008

Ibong Adarna's website

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Ibong_Adarna

http://www.viloria.com/ibongadarna/

Takdang Aralin (Unang Antas-Boni,Mabini,Del Pi)

1. Talambuhay na pang-iba
2. Talumpati(sariling paksa-sa papel isulat)
3. Uri ng liham
4. Sagutan ang pagsasanay (1-10)at talasalitaan(1-10) sa Ibong adarna p. 144-146
5. Pang-uri(Magbigay ng 5 halimbawang salita sa bawat kayarian)
6. pang-abay (Isulat ang 8 uri )
7. Gintong Ani p. 166, 188, 204 (Basahin at pag-aralan)
8. Basahin ang Aralin 22-28 sa Ibong Adarna

-----Sa mga hindi pa nakapagpasa ng kasanayan,ihanda na ito sa unang linggo ng Nobyembre.

-----Ang mga takdang-araling ito ang siyang magiging sakop din ng lagumang pagsusulit sa Nobyembre 20-21, 2008.Isulat ang mga kasagutan sa inyong kwaderno.

Saturday, October 18, 2008

Dapat puntahan...

maaari na kayong magtungo sa address na ito para makakuha ng pagsusulit

Profile address
http://www.quia.com/profiles/dagpaoa

Thursday, October 16, 2008

Para sa lahat :

Paalala: Kung sakaling naisipang gumamit ng internet, pinapakiusapan ang lahat ng aking mag-aaral na dumalaw kahit saglit sa website na ito upang ma-update ang sarili sa iba o mga bagong impormasyon o paalala. Maraming Salamat! Magandang Araw. Kung may tanong mag-iwan lamang kayo ng mensahe.







Maikling Pagsusulit

Para sa Ikalawang Antas :Pumunta sa website na ito upang makakuha ng pagsusulit. TANDAAN : Gamitin lamang ang sariling username at password. Isang beses lamang kayo maaaring makakuha ng pagsusulit at isang beses na pagpili ng sagot lamang kaya mag-isip mabuti. Sumagot lamang sa loob ng 20 minuto.

http://www.quia.com/quiz/1530353.html

Kunin sa akin ang sariling username at password. SECRET CODE : agpaoa

Para sa Ika-unang Antas :

pumunta sa http://www.quia.com/quiz/1531493.html

TANDAAN : Gamitin lamang ang sariling username at password. Isang beses lamang kayo maaaring makakuha ng pagsusulit at ilang beses na pagpili ng sagot.

Wednesday, October 15, 2008

Takdang Aralin (Ikalawang Antas)

Ikalawang Markahang Aralin

(Abad Santos)
Mga Takdang Aralin

1.Editoryal
2.Kapangyarihan ng Imahinasyon
3.Gintong Ani p. 138-141
4. 5 Dimensyon
6. TSISMIS
7. Karanasan sa pagtulong sa kapwa
8. Larawan ng Bagong Bayani
9. Larawan ng Kaibigan
-----Mga karagdagang takda para sa pagdating ng buwan ng Nobyembre
10. Pagpapaliwanag sa Saknong
Ipaliwanag ang bawat saknong sa Aralin 20 Para ng Halaman p. 125-126
sa Florante at Laura. Bumuo lamang ng 2-3 pangungusap sa bawat saknong.
-- Sa inyong kwaderno isusulat ang mga ito.

(Aguinaldo)
1.Editoryal
2.Pang-abay na panunuran(Mga halimbawang pangungusap)
3. Kapangyarihan ng Imahinasyon
3.Florante at Laura (pagsasanay 113-114)
4. 5 Dimensyon
6. TSISMIS
-----Mga karagdagang takda para sa pagdating ng buwan ng Nobyembre
7. Larawan ng Kaibigan(Ipaliwanag kung bakit siya/sila ang napili)
8. Pagpapaliwanag sa Saknong
Ipaliwanag ang bawat saknong sa Aralin 20 Para ng Halaman p. 125-126
sa Florante at Laura. Bumuo lamang ng 2-3 pangungusap sa bawat saknong.
-- Sa inyong kwaderno isusulat ang mga ito.

Saturday, September 6, 2008

Bahagi ng Pananalita

Pangalan -salitâ o bahagi ng pangungusap na nagpápakilala ng tao, bagay, lunán, gawâ o pangyayari.; gaya ng Budha, Hesukristo, Rizal, Husé, Doray, Pilipinas, Amérika, Himalaya; hayop, ibon, tubig, hangin, buhay, buti, kalákasan, karamdaman, pamalakad, paglulutò, pagkamatáy, pakiusap, páligsahan, palátuntunan, talátinigan, atb.

PANTUKOY ang si ay pantukoy sa ngalan ng tao
ang ang ay pantukoy sa ngalan ng mga bagay
ibá ang pantukoy na ng sa pang-abay at pangatníg na nang
sa, ang lalong maraming tungkulin sa pangungusap.
PANG-URÌ ang matandâ ay kalabáw
mapalad ang masalapî
sino ang tamád, dî ba ikáw?
PANGHALÍP ang ikáw ay pang-una sa pandiwà, ang ka ay panghulí
ibá ang atin sa amin
ang sino ay pantao, ang anó ay pambagay, nguni't ang alin ay pang-alinmán sa tao at sa bagay
PANDIWÀ sino ba ang gumagamót sa sakít mo?
ang nagsasabi nang tapát ay nákakasama nang maluwát
sa maís ay butil ang kinakain at dî busal
PANG-ABAY ibá ang kahapon sa kanginang hapon
ang walâ ay waláng máibibigáy
hindî ng dalaga at oo ng binatà ang pinag-úusapan
PANG-UKOL ang tungkól na pang-ukol ay ibá sa tungkól na pangngalan at tungkól na panghalíp
ang sa ay gamit sa lahát halos ng pang-ukol
PANGATNÍG kung ang pinag-uúsapan, at hindî pag
ang sapagka ay pinagkáugalian nang kabitán ng 't
ang subalì ay dî ginagamit kundî kung may násabi nang ngunì o dátapwâ

Tagalog Proverbs (Salawikain)

salawikain
proverb

kasabihan
saying

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
God helps those who help themselves.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Without perseverance, there is no reward.

Kung di ukol, di bubukol.
If it's not related to the matter at hand, it doesn't matter.


Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
A desperate person will grab the sharp blade of a knife.

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
A quiet person has anger boiling inside.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
To a person without fear, there is no such thing as a high fence.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
An apple tree will bear apples.

Kung may tinanim, may aanihin.
If you planted something, you'll harvest something.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
What good is the grass if the horse is already dead.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan.
If you don't know how to look back to where you came from,
you will not reach your destination.


Ang hindi magmahal sa kaniyang wika
ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
(José Rizal)
A person who does not love his own language
is worse than beast and foul-smelling fish.
Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
When the blanket is short, learn to curl up under it.


Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
A sincere invitation is accompanied by a pull (of the hand).

Saturday, August 9, 2008

:)

Mag-aral mabuti para sa pagsusulit!Kaya niyo iyan AS!

SSA Hymn

Saint Anthony Hymn - School of Saint Anthony


I
Alma Mater Saint Anthony
We look up to you our moral builder
Strong pillars of our country
Soon we will be
You shine with grandeur in the sky
With our heads held up high
Bring noble laurels to your side
Preparing young Anthonians, leaders of tomorrow
Saint Anthony pride of the community
II
With your Christian doctrines to abide
We put Jesus in our hearts and minds
The glory of your fame can never be denied
The emblems of your light,
Anthonians ready to fight.
In our hearts we solemnly sing

Hail to you oh, St. Anthony
With pride and dignity we say
Alma Mater Saint Anthony. (2x)

Repeat II

Saturday, July 12, 2008

mag-iwan ng mensahe








maaari na rin kayong manaliksik sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Unang_Pahina

Saturday, June 28, 2008

Wika

Ingklitik

- Pang-abay

- Maiikling salita

- Paningit lamang

- Mas binibigay linaw and mensahe ng pangungusap

Hal.

Din/Raw Pala Tuloy Nsmsn

Daw/Raw Kasi Man

Lamang/Lang Sana Muna


Klaster
– 2 Magkakasunod na katinig sa isang pantig

“Kambal katinig”

Hal. Kwa/der/no


Diptonggo
– Patinig na sinusundan ng malapatinig na katinig sa isang pantig na nasa dulo ng pantig

Hal.

Bu/hay Si/siw I/wa/gay/way

Ponolohiya

- Palatunugan

- Wikang Pilipino ay binubuo ng mga tunog

- Pag-aaral ng mga Ponema



Ponema:

A. Segmental

- Titik > katinig

> Patinig

B. Suprasegmental

- Nagbibigay lasa sa mga segmental

- Apat na Uri ng:

· Tono – pagtaas at pagbaba sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipagtalastasan.

· Diin – tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita

· Haba – haba ng bigkas sa patinig ng pantig

· Antala – saglit na pagtitigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang paghahatid ng mensahe

Hal. Hindi, ikaw

Hindi ikaw

Morpolohya - Palabuuan

- Pagbuo ng mga salita

- Morpema > salitang ugat at pantig



Hal. Makayoh – 2

Babae - 1

Pagbabagong Morpoponemiko

- pagbabagiong nagaganap sa morpema (S.U. at Pantig)

- mga nakapaligid sa ponema

Uri:

1) Asimilasyon

a) Parsyal – pagbabagong naganap sa NG ng morpermang NANG

Hal.

M(p,b) Pang+paaralan = Pampaaralan

N(D,l,r,s,t) Pang+taksil = Pantaksil

NG(pantig, atbp.) Pang+gabi = Panggabi



b) Ganap – tinatanggal ang unag titik ng S.U.

Hal.

Pang+palo = Pamalo

Pang+tali = Panali



2) Pagpapalit ng Ponema – titik ay nagbabago sa pagbuo ng salita

a) DàR

Hal.

Ma+dunong = Marunong Ma+dumi = Marumi

Tawid+an = tawiran Lapad+an = laparan

b) OàU

Hal.

Dugo+an = duguan

Ano(x2) = Anu-ano

c) HàN

Hal.

Tawa+han = tawanan



3) Metatesis – kapag ang S.U. nagsisimula sa L o’ Y at gigitpapian ng in ang L o’ Y ng S.U. at ang in ay magpapalit

Hal.

In+lipad = nilipad

In+yaya = niyaya



4) Pagkakaltas ng Ponema – ang patinig ng huling pantig ng S.U. ay nawawala

Hal.

Takip+an = Takipan = Takpan

Sara+han = Sarahan = Sarhan

Ayos ng Pangungusap

Ayos ng Pangungusap

Karaniwan ang ayos ng pangungusap kung walang salitang ay.


Halimbawa:

Naglalaro ang magkakaibigan.
Hindi kumuha ng posporo si Eric.
Â

Kabalikan ang ayos ng pangungusap kung may salitang ay.


Halimbawa:

Ang magkakaibigan ay naglalaro.
Si Eric ay hindi kumuha ng posporo.

Pangungusap

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa. Basahin ang mga halimbawa ng mga pangungusap na walang paksa.

1. Mga pangusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Hal. Mayroon daw ganito roon. May tao sa labas.

2. Mga Pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga.

Hal. Kayganda ng babaing iyun! Ang tapang mo pala!

3. Mga sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Hal. Aray! Tulong! Naku! Bukas.

4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Hal. Maaga pa. Umuulan.

5. Mga formularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Hal. Magandang umaga po. Paalam.

Pangungusap ayon sa gamit

1.Paturol - pangungusap na nagbibigay ng impormasyon

2.Pautos - pangungusap na nag-uutos

Uri ng Pautos:
1.) Pautos na Pananggi - pangungusap na nagsisimula sa huwag
hal. Huwag mong pakielaman ang gamit ko.
2.) Pautos na Pawatas - pangungusap na may pandiwang pawatas (gerund) pag at mag.
hal. Magluto ka ng hapunan mamaya.
3.) Pautos na may Himig Nakikiusap - gumagamit ng paki o maki; may himig na paggalang
hal. Paki kuha ang aklat ko sa lamesa.
3.Pasalaysay - nagsasalaysay/nagkukwento

4.Patanong - nagtatanong

Uri ng Patanong:
1.) Patanong na sumasagot sa oo at hindi
2.) Tanong na nagsisimula sa Hindi (hal. Hindi mo pa ba ginagawa ang utos niya?)
MGA AYOS NG PANGUNGUSAP

May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang “ay” ay kadalasang makikita sa mga pagungusap na nasa di karaniwang ayos.

Karaniwan : Bumili ng bagong sasakyan si Elsie. Di- Karaniwan : Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan.

Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Ito ay maaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. Ito ay may apat na kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.

Halimbawa:

Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa. Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista. Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at.nagpinta ng mga pader sa paaralan. Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika:

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:

Halimbawa:

Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto paRa sa mga kabataan ng kanilang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamudmod sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga ang pangaral ng inyong magulang. Ang batang ang mga kamay ay putol na ay mahusay gumuhit.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya’t dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay. Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya’t payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin. Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon tungkulin, ito ay pasalaysay (declarative), patanong (interrogative), pautos (imperative) at padamdam (explanatory).

Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito’y nagsasalaysay ng isang katotohanan o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.

Halimbawa:

Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi. Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating ni Rene.

Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Ito’y gumagamit ng tandang pananong.

Halimbawa:

Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa New York? Sasama na ba ang mga bata sa pamamasyal?

Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o nakikiusap. Ito’y gumagamit ng tuldok tulad ng pasalaysay.

Halimbawa:

Sagutin mo agad ang liham ni Joy. Dalhin mo ang gamot sa ospital.

Ang na gaya ng pangungusap na padamdam ay nagpapakilala ng isang matinding damdamin ng pagkabigla, pagkainis o pagkagalit. Ito’y gumagamit ng tandang pandamdam.

Halimbawa

Naku! Binasag mo pala, ang mamahaling plorera. Kay ganda ng bansang Pilipinas!

Friday, June 13, 2008

BoteKapela Champion!



Ito ang simula ng hindi ko malilimutan dito sa SSA.Nakagagalak isipin na nakuha ng koponan namin ang titulong kampyon sa "Cheering" para sa "BoteKapela Contest". Hindi ko 'to inaasahan dahil may mga koponan din naman na magagaling.Nagpapasalamat ako sa klase ko at sa lahat ng TEAM Mangga dahil sa pakikiisa at pagsasakripisyo nila na mapagtagumpayan ang ganitong palatuntunan.SALUDO ako sa inyo!

Game 1

Salamat sa inyong mga kooperasyon!

Panimula ng "Fun Day 2008"




Mga kuha sa panimula ng "Fun Day". Kami ay napapabilang sa Orange Manggo Team.Sa kuhang ito ay kasama ang aking mga mag-aaral --ABAD SANTOS.

Friday, May 30, 2008

bilib ako sa 'yo!



wow!Pinahanga niya ko sa galing niya magdribble.Mahina ako sa dribbling pero okay naman sa shooting.Hindi na ko makapghintay na maglaro muli ng basketball sa darating na Foundation Day sa SSA.Sana makapaglaro.

Thursday, May 29, 2008

Ebolusyon ng Wikang Filipino

Ni Gester Jeff Quilala, Mary Thrasher Jose, Lutchie Anne Coral at
Gilbert Casado


Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan. Maaring ito ay sa porma ng watawat, sa himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding wika. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang Filipino? Kusa lamang ba itong sumibol? Ito ba ay isang wikang hiram? O ito ba ay pinagsama-samang mga salita mula sa iba’t-ibang kultura?

May siyam na pamilya ng wika sa buong daigdig at kinabibilangan ito ng humigit-kumulang 3,000 pangunahing wika. Isa sa siyam na ito ay kinabibilangan ng wika sa Pilipinas. Ang ating wika ay nasasaklawan ng pamilyang Austronesian o Malayo-Polynesian na kinabibilangan ng mga kawikaan sa Timog Silangang Asya gaya ng Indonesia at Malaysia.
Sawaiori at Jahori, Mela-nesia, at Malay ay ang tatlong subpamilyang nasa ilalim ng pamilyang Malayo-Polynesian. Sa mga sub-pamilyang ito, ang ating wika ay napapaloob sa Malay bilang sangay na Tagala.

Itinuturing pangunahing wikang katutubo ang Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Kapam-pangan, Bicol, Waray o Samar-Leyte, Cebuano, Hiligaynon o Ilongo, Maranaw, Tausug, at Maguindanao, batay sa dami ng populasyon o porsyento ng mga tao na gumagamit, nagasalita, nagsusulat, at nakakaunawa rito. Halos lahat ng mga wikang ito ay may kanya-kanyang dayalekto, gaya ng Tagalog (Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Cavite, at iba pa. Gauyundin sa Cebuano, na kung saan ay may Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa. Ang Hiligaynon naman ay mayroong Aklanon, Kiniray-a, Cuyunon, Palaweño, Ilongo, at iba pa. Ang Bicol ay mayroong Naga, Legaspi, Bato, Buhi, Catanduanes, Sorsogon, Masbateño, at iba pa. Samantala ang Ilocano naman ay may Ilocos, Abra, Cagayan, Samtoy, Ibanag, Bulubundukin, at iba pa.

Ang alif-ba-ta at abecedario

Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa Arabo. Ang matandang alpabeto ng mga katutubo ay syllabic at binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants). Ang patinig ay mayroong a, e, at i, samantalang ang o at u naman ay may iisa lamang tunog na lubhang nakalilito. Bawat isa sa mga katinig ay binabasa na may kasama na patinig a, kapag ito ay walang marka sa itaas o sa ibaba na mas kilala sa tawag na “kudlit,” o isang uri ng marka na ginagamit sa mga matatandang sistema ng pagsusulat. Kapag ito naman ay may kudlit sa ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u. Ngunit kung ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i.

Nang sinakop ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas, pilit na binago ng mga ito ang kulturang pangkatutubo ng mga sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.

Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay ang pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan. Ipinalaganap ng mga Amerikano ang pam-publikong sistema ng edukasyon. Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang Hispanisasyon ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.

Ang Surian ng Wikang Pambansa

Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung “nasyonalismo.” Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na dapat magkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na siyang mahalaga sa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng pambansang pagmamalaki ng sambayanan. Ayon sa Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa.

Ang Unang Pambansang Asemblea noong ika-13 ng Nobyembre, 1937, ang siyang bumuo sa Institusyon ng Wikang Pambansa. Ang mga naging kasapi sa komiteng ito ay sina Jaime de Veyra (Hiligaynon), Santiago Fonacier (Ilocano), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix Rodriguez (Samarnon), Felix Sotto (Cebuano), Cecilio Lopez (Tagalog), Hadji Butu (Maranao-Maguindanao), Isidro Abad (Cebuano), Zoilo Hilario (Pampango), Jose Zulueta (Pangasinan), at Lope K. Santos (Tagalog).

Nang binuo ang Commonwealth Constitution, ang wikang “Tagalog” ang siyang naging pambansang wika ng Pilipinas, ayon na rin sa Executive Order Bilang 134. Ang mga naging batayan nito ay ang: pagiging lingua franca nito, o paggamit ng Tagalog sa maraming sangay ng komersyo at kalakalan; ang dami ng katutubong nagsasalita nito, sa dahilang ang wikang ito ay ang pangunahing ginagamit sa lungsod ng Maynila gayundin sa mga kalapit probinsya nito, at; ang karamihan ng panitikang Pilipino ay nakasulat sa Tagalog. Ngunit dahil sa ilang pagtutol ng mga kinatawan ng iba’t-ibang bahagi ng bansa matapos ang tatlong taon, ang naturang konstitusyon ay hindi klinasipika ang wikang Tagalog bilang opisyal na wikang pambansa, ngunit bilang isang pormal na dayalekto ng ating bansa lamang.

Nang kinilala ang Philippine language based-Tagalog, isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may 20 letra, na kung saan ang letrang “a” lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog nito.

Nung panahong din ito, umusbong ang mga salitang ginamit sa Balarila at ito ay ang mga: balarila (grammar), pandiwa (verb), pangngalan (noun), pang-uri (adjective), pang-abay (adverb), pangatnig (conjunction), patinig (vowel), katinig (consonant), panaguri (predicate), simuno (subject), pang-ukol (preposition), paningit (inclitic).

Samantala, nakasaad din sa Konstitusyon ng Komon-welt na ang wikang pambansa ay dapat na kumatawan sa lahat ng lalawigan ng bansa. Ibig sabihin, ito ay dapat na ginagamit sa halos lahat ng mga lalawigan. Hindi lamang iyan, ang naturang pambansang wika ay dapat may mga elemento ng iba’t-ibang dayalekto na siyang ginagamit ng iba’t-ibang lalawigan sa buong bansa.

Ang Tagalog bilang Pilipino

Bago naisagawa ang pangalawang konstitusyon noong dekada ‘70, higit na sa kalahati ng mga mamamayan ng bansa ang gumagamit na ng wikang Tagalog, kumpara noong nakaraang apat-napu’t taon na kung saan ay may halos dalawampu’t limang porsyento lamang ng mga Pilipino ang nagsasalita ng Tagalog. Isa sa mga kadahilanan ng paglaki ng bilang na ito ay nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig, ipinag-utos ng mga mananakop na Hapones na Tagalog ang wikang gamitin sa mga paaralan at maging sa mass media.

Dahil dito, ang mga “nationalists academics” ay nagkaisang magtulong-tulong upang magbigay daan tungo sa pagtatatag ng isang opisyal na pambansang wika, na siyang tatawaging “Pilipino”—na kung saan ay tanggap ng karamihan bilang ang wikang “Tagalog.”

Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan noong ika-30 ng Hulyo, 1976, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang banyagang-hiram na titik. Ang naturang revised Filipino Alphabet na binubuo ng 31 na letra, ay kinabibilangan ng mga letrang banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z. Ngunit dahil sa hindi naging malinaw ang paggamit sa mga letrang ito, ang naturang alpabeto ay dumaan uli sa panibagong pagsususog.

Noong mga panahong din iyon, isinagawa ang iba’t ibang paraan nang pagpapayaman ng pambansang wika. Pinilit ng mga dalubhasa na gawin itong maka-katutubo, na kung saan ang mga “salitang hiram” o mga salitang galing sa mga banyagang wika ay unti-unting tinanggal at pinapalitan ng katutubong salitang katumbas nito. Isang halimbawa ang salitang Espanyol na silya—na siyang pinalitan ng salitang “salumpuwit.” Ngunit sa kadahilanang ang mga salitang madalas na nating ginagamit ay hiram na halos sa mga banyagang salita tulad ng Ingles, Espanyol, Intsik, Hapon, at kung anu-ano pa, hindi na naging epektibo ang mga naturang hakbang ng mga nasyonalista sa larangan ng akademya.

Ang makabagong Filipino

Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay halaga sa mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika. Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong alpabetong Pilipino.

Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.

Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay naging bahagi rin ng kurikulum ng iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang “Filipino” bilang ang wikang pambansa, at ang “Tagalog” bilang isang uri ng katutubong salita o dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng iba’t-ibang lenguwahe ng iba’t ibang bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa kanila ng sarili nating wikang pambansa.

Imperyalismong Tagalog

Kahit na dumaan na sa maraming salin o pagbabago ang tawag sa wikang pambansa—mula sa Tagalog, na naging Pilipino (na base pa rin sa Tagalog ), na ngayon ay Filipino na—marami pa rin ang nasanay na sa pagtawag ng Tagalog bilang pambansang wika, mapabanyaga man o katutubong Pilipino. Ang kaisipang ito ay tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes na “Tagalog Imperialism.”
Ang pangyayaring ito ay ikinasama rin ng loob ng ilan nating kababayan na di-Tagalog. Sa tingin nila, hindi nabibigyan ng pansin ang ilan pang malalawak na gamiting wika tulad ng Ilokano at Cebuano. Nagbigay daan din ito sa pagpapalit ng mga konsepto ng wikang pambansa.

Sa ibang bansa, napansin ninyo ba na mas kilala ang salitang “Tagalog” kaysa sa Filipino bilang pangunahing wikang pambansa ng Pilipinas? Ang salitang Filipino para sa mga banyaga, ay isa lamang klase ng pang-uri. Ngunit ang ganitong pagkakakilanlan nila sa salitang Filipino ay hindi nagbibigay ng malaking pagkakaiba sa salitang Pilipino at Tagalog—gaya ng pagkakakilanlan ng mga Amerikano at maging ng mga Canadian.

Pilipino o Filipino?

Ngayon, malinaw na ba sa isipan ng lahat ang pinagkaiba ng salitang Filipino sa Pilipino? Para sa mga naguguluhan pa, ang wikang Filipino ay tinaguriang “Tagalog-plus” na kung saan ito ay binubuo ng iba’t-ibang banyagang salita maliban sa Tagalog. Ito rin ang nagbibigay lawak sa ideya ng makabagong diksyunaryong Filipino, na kung saan ang salitang Ingles na Dictionary at Espanyol na Diccionario ay maaari na ring gamitin sa wikang Filipino bilang “diksyunaryo.” Ngunit para sa mga malamim managalog o mas kilala sa tawag na “purist,” ang salitang dictionary ay ang “talatinigan.” Ilan pa sa mga halimbawa nito ay ang kompyuter, kwalipikasyon, okasyon, indibidwal, sipilis, at iba pa na galing sa mga salitang Ingles tulad ng computer, qualification, occasion, individual, at syphilis.

Ngunit para sa mga eksperto, mas maiging tawaging “Filipino” at hindi “Tagalog” ang sarili nating wika. Ito ay upang magbigay galang o konside-rasyon sa mga kababayan nating hindi ginagamit ang wikang Tagalog bilang kanilang pangunahing salita.

Ang hinaharap ng wikang Filipino

Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.

Ito ang dilemma ng pagiging intelektwalisado ng wikang Filipino: Kailangang palitan ng Filipino ang wikang Ingles bilang pinakagamiting wika sa ating bansa; ngunit para mangyari ito, kailangan munang maging intelektwalisado ang wikang Filipino.

Quezon: Ama ng Wikang Pambansa, Letranista

Si Manuel Luis Quezon ay isinilang noong ika-19 ng Agosto, taong 1978 sa Baler, Tayabas (ngayo’y Quezon). Siya ay anak ng mag-asawang Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, dalawa sa pinakapipitangang mamamayan sa kanilang lugar.

Sa edad na lima, si Manuel ay tinuruan ng kanyang inang magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at tinuruan din siya ng huli ng katekismo. Sa edad namang pito, nag-aral naman siya ng relihiyong Katolika sa pangunguna ni P. Teodoro Fernandez. Kabilang din sa mga pinag aralan niya na kasama ang pari ay ang mga asignaturang Latin at Heograpiya.

Mula pagkabata ay kinakitaan na ng potensiyal si Manuel na maging isang mabisang pinuno ng mga tauhang naniniwala at nagtitiwala sa kanya. Siya ay isang batang may tiwala sa sarili, interes sa pagkatuto, at handang magbigay tulong sa kapwa. Ngunit kabila ng mga ito ay hindi nawawala ang kanyang pagiging masiyahin. Si Manuel ay may ng tamang pag-uugali na sinamahan din ng di matatawarang kakisigan.

Matapos makakuha ng sapat na kaalaman mula sa kanyang mga magulang at ilang guro, si Manuel ay nagpunta sa Maynila upang mag-aral. Labing-isang taong gulang siya noon nang siya ay pumasok sa Colegio de San Juan de Letran kung saan siya’y nabigyan ng parangal sa Batselor ng Sining noong 1894. Itinuloy niya ang pag-aaral ng Batas sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ngunit bago pa man matapos ng Jurisprudence si Quezon, sumabog ang rebolusyon. Siya ay sumapi sa pwersa nina Heneral Emilio Aguinaldo at nakipagdigmaan sa Tarlac, Pampanga, at Bataan. Dahil na rin sa ipinamalas na katapangan at kagitingan, itinaas ang kanyang rango mula sa pagiging Ikalawang Tinyente sa pagiging Kapitan at nang lumaon ay naging Major.

Pagkatapos ng rebolusyon, bumalik si Quezon sa Santo Tomas at itinuloy ang kanyang pag-aaral at nakakuha ng ikaapat na pinakamataas na marka sa Bar noong 1903.

Si Quezon ay nagtrabaho bilang klerk at nang lumaon ay naatasang maging Piskal sa bayan ng Mindoro at Tayabas. Siya ay nanalo bilang konsehal sa Tayabas at nang tumakbong Gobernador ay nanalo noong 1906. Isang taon ang lumipas at siya’y nahalal bilang Majority Floor Leader ng Unang Asemblea ng Pilipinas at naging Chairman ng Committee on Appropriations. Mula 1909 hanggang 1916, siya ay nag-silbing Komisyoner ng Pilipinas para sa U.S House of Representatives.

Si Quezon ay naging Senador noong 1916 at naging pangulo ng Senado hanggang 1935. Nang taon ding iyon ay nanalo si Manuel Quezon bilang Pangulo ng Pilipinas laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay.
Matapos ang pananakop ng mga Hapones sa bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumipad patungong Amerika si Quezon. Siya ay dinapuan ng sakit na tuberkulosis at pumanaw noong ika-1 ng Agosto, taong 1944 sa Saranak Lake, New York. Bilang pagkilala sa pumanaw na Pangulo, inilibing siya sa Arlington National Cemetery kung saan tanging mga bayani lang ang nakahimlay. Matapos ang dalawang taon, dinala sa Pilipinas ang kanyang mga labi at inilibing sa Manila North Cemetery at inilipat namang muli sa Quezon Memorial Circle.

Si Quezon ay naikasal sa kanyang pinsan na si Aurora Aragon at nagbunga ng apat na anak na sina Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel Jr.

Wednesday, May 28, 2008

Kakatuwa:) hehehehe

Panitikan

Ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Mga akdang pampanitikan
Mga akdang tuluyan
Alamat
Anekdota
Nobela
Pabula
Parabula
Maikling kwento
Dula
Sanaysay
Talambuhay
Talumpati
Balita
kwentong bayan

Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
Awit at Korido
Epiko
Balad
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Kantahin
Tanaga

Araw ng Kalayaan




Nalalapit na naman ang paggunita natin ng Araw ng Kalayaan.Ito'y sa buwan ng Hunyo 12.Ganumpaman, ang araw na ito ay gugunitain sa Hunyo 9 bilang isang "Holiday" kung kayat walang pasok ang araw ng Lunes.Ang mahalaga ay maisapuso natin at mabigyang halaga ang mga ginawang kabayanihan ng ating mga bayani.

Mga kawikaíng Inglés na isinalin at ipinaliwanag sa wikang Filipino


Pork Barrel
Baríles ng Karné ng Baboy


Sa larangan pa rin ng pulitiká: ang pinagmulán ng pariralang pork barrel ay malapit sa pinanggalingan ng carpetbagger. Ang pork barrel ay salapî ng pámahalán na ginagamit ng isáng pulitikó para sa mga proyekto sa kaniyáng purók upang bumangó ang kaniyáng pangalan at maihalál siyáng mulî. Kadalasan ang mga proyektong itó ay hindî naman kailangan sa kaniyáng purók at ang pera ay ibinubulsá lamang niya at ng kaniyáng mga alipores o crony.

Malamáng na nanggaling ang katagáng pork barrel sa panahón bago pa ng Civil War sa U.S. Noón ay nagpapamudmód ng inasnáng baboy mula mga naglalakihang bariles para sa mga aliping itim. Kadalasan, ang mga bariles ng inasnang baboy ay pinagkakaguluhan ng mga aliping nagdaragsaán at nag-aagawan upang makakuha ng mas marami para sa sarili.

Break a leg
Mabalì sana ang isá mong bintî?


Malas daw kung sasabihing “Good luck” o “Palarin ka sana” sa isáng performer bago siyá magpalabás. Sa halíp nitó, ayon sa pamahiin, ang taong babatì ay dapat magkunwaríng malas ang inaasahan niyáng mangyayari sa palabás ng performer. Kayâ, nagíng uso ang pabiróng sumpáng break a leg o mabalì sana ang isá mong bintî ngunit hindî namán masamâ ang ibig sabihin nitó.

I was confused for a moment before the show when she said to me, “Break a leg!” But then I realized that she was actually wishing me good luck.

The apple of your eye
Ang mansanas ng iyóng matá?


Ang tawag sa pinakamamahál mo ay apple of your eye. Noóng unang panahón, apple ang tawag sa balintatáw o pupil ng matá. Itó ang itím na bilog na nasa kalagitnaan ng ating mga matá. Alikmatá ang isá pang pangalan nitó.

When we were young, my brother was the apple of my mother’s eye.

Hit the roof
Hampasín ang bubóng?


Ang pariralang (phrase) hit the roof ay tumútukoy sa isáng taong nagagalit. Pumapasok sa isip natin ang isáng taong lumúlundág, pumúputók o dî kayá’y lumílipád gaya ng isáng kuwitis dahil sa matindíng galit hanggáng mauntóg siyá sa bubóng o kísamé.

When Dad sees what happened to the car, he is going to hit the roof!

Saturday, May 24, 2008

Tagapaggabay



Ito ngayon ang labis kong pinagkakaabalahan...ang paggawa ng bulletin board sa aking "advisory class". Napakagulo pa. Buti na lang nandyan sina T. JC para gabayan ako sa pagsasaayos ng kwarto ko...Salamat din sa aking Level Leader na si T. Alexix...Sana huwag kayong makulitan sa mga mararami kong katanungan.Ganito lang talaga ako...matanong.hehehehe.Sa Hunyo 5 na ang araw na kailangan tapos ko na ang pagasasaayos. Salamat sa iyo T. Leslie...sa mga "Donation"hehehe...

Pasasalamat Sa Iyo Ama...

Usap tayo!







Friday, May 23, 2008

Samahan....


Masaya ako't nakilala ko sila. Sila na bago kong kasamahan sa SSA ( School of Saint Anthony) . Ito ay kinuha pagkatapos ng aming ensayo sa sayaw. Ako siyempre ang nakaupo sa sahig sa kaliwa. Maraming araw na puno ng kasiyahan ang dumating sa amin ngunit may araw din na para bang nakakapanghinayang. Mahirap ipaliwanag ngunit lilipas din naman ang araw na makakalimutan ko ang malungkot na araw na iyon. Sana magtagal ang aming samahan na puno ng kasiyahan. Salamat sa inyo:)

Wednesday, May 21, 2008

Bakit ba Gabay ng Wika?

Ang GAWI (Gabay ng Wika) ay binuo upang gisingin ang interes at kamalayan ng mga mag- aaral at ng bawat Pilipino sa kahalagahan ng ating sariling wika, ang wastong paggamit ng Balarilang Filipino, pagpapayaman nito, gayundin ang pagpapatupad sa mga proyektong magpapamalas ng pagpapaunlad sa ating wika. Ito ay may layuning makapagbigay halaga sa Wikang Filipino at sa sariling literatura ng bansa at makatulong sa pag-unlad ng bawat mag-aaral at kapwa ko Pilipino na may hangaring makilala nang lubusan ang ating wika.

Tuesday, May 20, 2008

Ano ba ang Wika?

Wika

(Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya)

Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.


Katangian ng wika

Ang wika ay may balangkas.
Ang wika ay binubuo ng makahulugang tunog.
Ang wika ay pinipili at isinasa-ayos.
Ang wika ay arbitraryo.
Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Ang wika ay ginagamit.
Ang wika ay kagila-gilagis.
Ang wika ay makapangyarihan.
May antas ang wika.
May pulitika ang wika.
Ang wika ay buhay.
Ang wika ay pantao

Mga kaantasan ng wika
Kolokyal / Pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay malayang pinagsasama ang Ingles at Wikang Filipino.

Kolokyalismong Karaniwan - Ginagamit na salita na may "Taglish"
Kolokyalismong may Talino - Ginagamit sa loob ng Silid-Aralan / Paaralan
Lalawiganin / Panlalawigan - Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal / Balbal - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao. ito ay nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. (Salitang Kalye)
Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng Balarila at Retorika.

Filipino ba o Tagalog???

Nakakainis isipin na marami sa ating Pilipino ang patuloy na minamaliit ang ating wika.Minsan nga may nakapagsabi sa akin kung bakit daw ako nagpapakadalubhasa sa Filipino ,simple lang dahil gusto kong makilala nang lubusan ang ating wika dahil ako ay isang Pilipino.E, ganun na nga raw, Pilipino naman daw tayo pero bakit kailangan pang pag-aralan, e ang dali-dali lang naman. Buti na lang at nakapagtimpi ako at ito ang aking nasabi "Iginagalang ko po ang inyong opinyon,sana po maliwanagan kayo sa inyong sinasabi."--- hay....sa isip-isip ko, tanungin ko kaya ito kung sino ang Ama ng Balarila baka mapanganga siya na may kasamang kamot sa ulo.
Maiba tayo,bakit kaya ang Pinoy kapag tinanong mo kung ano ang Wikang Pambansa, madalas ang sagot nila ay Tagalog? Tama ba???Sigurado ka???


Pakibasa po ito- http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino

Napagtanto

Lumipas na naman ang buong maghapon. Hindi ko namamalayan ang takbo ng oras dahil sa dami kong ginagawa. Mabuti na lang at marami akong natutunan mula sa "in-service training" ko ngayon sa SSA. Napagtanto ko na maraming paraan para maiwasan ang stress.Napakaimportante talaga nito lalo na sa mga may mabibigat na trabaho gayundin sa mga taong madalas mag-isip ng mag-isip. Isa lang naman ang pinakatinandaan ko na ang stress ay lubos na maiiwasan kung meron ka nito - POSITIBONG PANANAW SA LAHAT NG BAGAY. Madaling isipin ngunit mahirap gawin...pero unti-unti makakaya natin ito.

Sunday, May 18, 2008

Pag-usbong

Araw ng Lunes...Mayo 19, 2008.Ito ang simula ng kauna-unahan kong  "blog site". Napakaaga kong nagising ,alas-tres ng umaga para maghanda na naman sa maasikasong araw. Kailangan ko pang ipalista ang aking bunsong kapatid na si Melanie sa papasukan niyang mataas na paaralan. Sandaling oras lang naman iyon. Agad akong pupunta sa papasukan kong paaralan sa School of Saint Anthony sa Lagro para makipagkita at makausap ang aming "Level Leader" . Sana mabilis lang nang sa gayo'y maayos ko naman ang silid-aralan ng magiging "advisory class" ko. Pagdating ng hapon, sa ganap na alas-dos, pagsasanay naman sa sayaw ang dapat na asikasuhin para sa paghahanda bukas sa "in-service training" na dadaluhan ng lahat ng guro. Naku, nakakahiya... sana hindi ako magkamali. Ganunpaman, kahit napakaraming gagawin sa loob ng isang Linggo, masaya ako dahil napakaraming biyayang dumarating sa akin bilang isang baguhang guro. Salamat Ama. Magandang Umaga!:)