Translate

Saturday, December 26, 2009

Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II-- IKATLONG MARKAHAN

Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
IKATLONG MARKAHAN
2009-2010


YUNIT IV (Mula sa Gintong Ani II)

 Pilipino : Isang Depinisyon
 Iba’t ibang uri ng Pakikinig
 Ang mga Pilipino Ngayon at Kahapon
 Pagbabalangkas ng mga Plano
 Teresa
 Kasanayang Pangsanggunian
 Nasagip
 Kasanayan sa Pagsulat ng Buod at Pagbibigay-Puna
 Ang Laki sa Layaw
 Mabisang Paglalarawan
 Pagsulat ng Tulang May Tugma
 Mga araling hango sa Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikatlong Bahagi


FLORANTE AT LAURA
 Aralin 23 Ang Unang Liham
 Aralin 24 Mga Tagubilin ni Antenor
 Aralin 25 Bihirang Balita'y Magtapat
 Aralin 26 Heneral ng Hukbo
 Aralin 27 Pag-ibig sa Unang Pagkikita
 Aralin 28 Luha, Sagot sa Pag-ibig
 Aralin 29 Krotona'y Nagdiwang
 Aralin 30 Tagapagtanggol ng Syudad
 Aralin 31 Ang Kasamaan ni Adolfo
 Aralin 32 Pinag-isa ng Masamang Palad
 Aralin 33 Dakilang Pag-ibig
 Aralin 34 Panlilinlang ng Isang Balakyot
 Aralin 35 Masayang Wakas

SANGGUNIAN :
Cruz, Teresita Cristobal. 2009
Gintong Ani, Ikalawang Taon. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Ramos, Susan Helig. 1999
Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Sunday, November 15, 2009

Dapat Tandaan

November 2009
19 Thursday 2nd Summative Test B
20 Friday 2nd Summative Test B
23 Monday 2nd Summative Test B
24 Tuesday 2nd Summative Test B

Sakop ng ST B sa FIL II

1. Pangkatang Talakayan
2. Pagbabalangkas
3. Sa Pagbabalik ni Adela
4. F at L. 17-20

Saturday, November 7, 2009

need to speak your mind???

need to speak your mind??? just follow the link to join in a conference and collect lots of friends....


http://www.mylot.com/?ref=nilo_agpaoa

Tuesday, November 3, 2009

......sa aking balintataw

"Iyon lamang nakadarama ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan." --Kuwento ni Mabuti

T. A # 6


1. Alamin ang 2 uri ng balangkas.
2. Sumipi ng isang halimbawa ng pagbabalangkas.

Monday, November 2, 2009

T. A # 5

1. Anu-ano ang tungkulin o gamit ng wika?Isa-isahin at ipaliwanag.

Thursday, October 22, 2009

Test Schedules

November 2009
19 Thursday 2nd Summative Test B
20 Friday 2nd Summative Test B
23 Monday 2nd Summative Test B
24 Tuesday 2nd Summative Test B

December 2009
10 Thursday 2nd PERIODIC TEST
11 Friday 2nd PERIODIC TEST
14 Monday 2nd PERIODIC TEST
15 Tuesday 2nd PERIODIC TEST

January 2010
16 Saturday Issuance of Report Cards
Ang inyong proyekto para sa Ikalawang Markahan ay ipapasa na lamang sa Nobyembre 13. Ang pagpasa ng huli ay makakatanggap ng malaking kabawasan sa marka ng inyong proyekto.


Sunday, October 11, 2009

TAKDA 3 AT 4

TAKDA 3
1. Alamin ang kahulugan ng Palabaybayang Filipino.
2. Anu-ano ang mga pangunahing tuntunin sa Palabaybayang Filipino?

Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino

TAKDA 4
1. Gumawa ng malaking venn diagram sa isang pahina ng kwaderno. Isulat sa loob ng bilog ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Kristyano at Muslim.
2. Gumawa ng CHARACTER PROFILE nina Florante at Aladin sa inyong kwaderno.

Sanggunian : F at L

Tuesday, September 29, 2009

Sa Oras ng Kalamidad

Nakalulunos. Ito ang salitang maikakabit ko sa bagyong Ondoy na sumalanta sa libu-libong ari-arian at higit sa lahat ay kumitil sa buhay ng napakaraming mamamayan sa lugar ng Marikina at Pasig gayundin sa mga lugar na hindi mo inaakalang mapipinsala ng bagyo. Sa kabila nito, paano napapanatili ng mga Pilipinong bumangon, lumaban, at maging matatag sa unos ng buhay?
(...brb)

Sakop ng ST A -Ikalawang Markahan

1. Uri ng Teksto
2. Kasidhian ng salita
3. Uri ng Panitikan
4. Pamana (G.A)
5. Ang mga Ninunong Pilipino (G. A)
6. Pagbaybay sa Filipino ng mga salitang banyaga
7. Aralin 13-16 (F at L)

Thursday, September 17, 2009

Takdang Aralin Blg. 2

1. Alamin ang 2 anyo o dibisyon ng Panitikan.
2. Anu-ano ang mga uri ng panitikan at ibigay ang kahulugan at halimbawa ng bawat isa.

Mga Aralin sa Filipino II

Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
IKALAWANG MARKAHAN
2009-2010

YUNIT II AT YUNIT III (Mula sa Gintong Ani II)

 Ang mga Ninunong Pilipino
 Ihatid ang Mensahe ng Talumpati
 Balagtasan
 Mga Kasanayan sa Madulang Pagbasa
 Alaala ng Edsa
 Isagawa ang Matalinong Talakayan
 Dahil sa Anak
 Balangkasin ang Binasa
 Sa Pagbabalik ni Adela
 Pagbibigay ng Matalinong Reaksyon
 Pagsulat ng Sanaysay
 Sa Alaala ng Aking Lolo
 Mga Gamit at Tungkulin ng Wika
 Mga araling hango sa Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikalawang Bahagi


FLORANTE AT LAURA
 Aralin 13 Duke Briceo – Amang Mapagmahal
 Aralin 14 Panambitan ni Aladin
 Aralin 15 Pamamaalam
 Aralin 16 Ang Pagpatay sa Dalawang Leon
 Aralin 17 Sa Kamay ng Kaaway
 Aralin 18 Ang Pag-aalaga ni Aladin kay Florante
 Aralin 19 Florante
 Aralin 20 Para ng Halaman
 Aralin 21 Pagkukunwari ni Adolfo
 Aralin 22 Nahubdan ang Pagkukunwari

SANGGUNIAN :
Cruz, Teresita Cristobal. 2009
Gintong Ani, Ikalawang Taon. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Ramos, Susan Helig. 1999
Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikalawang Bahagi


Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
IKATLONG MARKAHAN
2009-2010

YUNIT IV (Mula sa Gintong Ani II)

 Pilipino : Isang Depinisyon
 Iba’t ibang uri ng Pakikinig
 Ang mga Pilipino Ngayon at Kahapon
 Pagbabalangkas ng mga Plano
 Teresa
 Kasanayang Pangsanggunian
 Nasagip
 Kasanayan sa Pagsulat ng Buod at Pagbibigay-Puna
 Ang Laki sa Layaw
 Mabisang Paglalarawan
 Pagsulat ng Tulang May Tugma
 Mga araling hango sa Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikatlong Bahagi


FLORANTE AT LAURA
 Aralin 23 Ang Unang Liham
 Aralin 24 Mga Tagubilin ni Antenor
 Aralin 25 Bihirang Balita'y Magtapat
 Aralin 26 Heneral ng Hukbo
 Aralin 27 Pag-ibig sa Unang Pagkikita
 Aralin 28 Luha, Sagot sa Pag-ibig
 Aralin 29 Krotona'y Nagdiwang
 Aralin 30 Tagapagtanggol ng Syudad
 Aralin 31 Ang Kasamaan ni Adolfo
 Aralin 32 Pinag-isa ng Masamang Palad
 Aralin 33 Dakilang Pag-ibig
 Aralin 34 Panlilinlang ng Isang Balakyot
 Aralin 35 Masayang Wakas

SANGGUNIAN :
Cruz, Teresita Cristobal. 2009
Gintong Ani, Ikalawang Taon. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Ramos, Susan Helig. 1999
Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Tuesday, September 15, 2009

Ikalawang Markahan

Takda Blg. 1
1. Manood ng 24 Oras o TV Patrol at magtala ng 3 balita sa inyong kwaderno.
2. Basahin at pag-aralan ang "PAMANA" p. 116 G.A

Wednesday, September 2, 2009

Unang Pangkalahatang Pagsusulit

Sakop ng Unang Pangkalahatang Pagsusulit

1. ST A/B
2. Kasaysayan ng wika
3. Wastong Balarila
4. Sa Lupa ng Sariling Bayan


Setyembre 7, 2009

Thursday, August 27, 2009

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.

Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi ‘sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandista’y sumulat sa Kastila, batid nilang ang wika’y malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika.

Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.

Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga

hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang

wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.

Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles

at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."

Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.

Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika:

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.


TALASANGGUNIAN

Gonzales, Lydia F. & Ramos, Jesus Fer.(1980). Pambansang Kamalayan sa Wika at Edukasyon, U.P., Diliman, Quezon City

Buensuceso et al, Salindiwa.(1992). U.S.T. Press, Manila

Sunday, August 2, 2009

BUWAN NG WIKA 2009



Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao.Sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan.
Sa ating bansa, ang wikang pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1986 Konstitusyon. Ayon dito, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino."
Sakop ng Lagumang Pagsusulit (B)
Agosto 13-14/ 17-18

(Mula sa Gintong Ani II)

• Epektibong Estratehiya sa Pagkukuwento
• Bumuo ng Patalastas at Anunsyo
• Mga Tagubilin sa Pagtatalata
• Salamat Kay Tatay
• Ipahayag ang Sariling Palagay at Hinuha
• Mga Huling Sandali ni Mabini

Florante at Laura
Aralin 9 Selos
Aralin 10 Nasaan ang Gayong Aruga
Aralin 11 Halina Aking Laura
Aralin 12 Ang Pagdating ng Morong Mandirigma
TAYUTAY

Sanggunian :

Gintong Ani II ni Teresita Cristobal Cruz, Ed Ph.

Florante at Laura ni Susan Helig-Ramos et.al









Friday, July 17, 2009

Wednesday, July 1, 2009

Sakop ng Lagumang Pagsusulit (ST A)

G. A
Paglalayag... Sa Puso ng Isang Bata
Ayos at Pagkakabuo ng Pangungusap
Anluwage
Piniling Pagmamahal
Kahulugan at Elemento ng Maikling Kwento

F at L

Aralin 1-8


ST A --Hulyo 16

Tanong : Handa na ba ang inyong proyekto? Ipasa agad ang pasulat na ulat(written report)para makapaghanda kayo sa gagawing panel discussion pagkatapos maiwasto ng guro ang pasulat na ulat (written report)

Takdang Aralin Blg. 14

1. Basahin at pag-aralan ang " Piniling Pagmamahal"
2. Sagutan ang pahina 43(1-6) II Suriin at...sa inyong kwaderno o libro.

Sanggunian : G.A mp 37-45

Takdang Aralin Blg. 13

1. Anu-ano ang mga ipinapakiusap ni Florante sa Diyos?
2. Ilahad ang dahilan kung bakit ayaw dinggin ng Diyos ang pakiusap ng binata.
3. Isulat ang saknong na nagpapakita nang unti-unting pagkawala ng tiwala ni Florante sa Diyos.

Sanggunian : F at L -- Diyos ang Tanging Nakaaalam mp. 37-41

Wednesday, June 24, 2009

Alaala ng Nakaraan


Ito ang larawan ng una kong karanasan sa larangan ng pagtuturo.Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga batang ito mula sa I-A PM class sa pinagtapusan kong paaralan(NTC). Maraming masasayang alaala ang sumasagi sa aking isipan sa tuwing nakikita ko ang larawang ito.Hindi ko mapigilang malungkot dahil napamahal na sila sa akin. Ngayon ay marahil nasa Ikatlong Taon na sila sa hayskul. Kitang-kita sa larawang ito ang dati kong palitong katawan(konting ihip ng hangin ...tangay ako!), pagod na mukha (ngunit laging nakangiti) at nanghihinang kalooban(maiiyak lang ako kapag tinanong mo kung bakit). Sa kabila ng lahat, isa lang ang masasabi ko sa kanila sa oras na ito... Mahal na mahal ko sila".

Iba't ibang mukha ng mga bata at sa kasalukuyan ay patuloy pa rin akong magmamahal sa mga batang tinuturuan ko.

Ito ang bokasyon na ipinagkaloob Niya sa akin :)

Takdang Aralin Blg. 12

1. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa (kahit ilang kahulugan ayon sa iyong opinyon)
a. Anluwage
b. Belen
2. Basahin at pag-aralan ang " Anluwage" ni Coronel .

Sanggunian : Gintong Ani II mp. , 19-28

Ipapakita ito sa Hulyo 7-8

Takdang Aralin Blg. 11

Sagutan ang Pag-unawa sa Nilalaman (1-3)p. 45 sa F at L. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Ipapakita ito sa Hulyo 3.

Takdang Aralin Blg. 10

1. Magdala ng sariling photo album / family photo album.
2. Mamili ng isang larawang ididikit sa kwaderno na nagpapakita ng masayang alaala kasama ang sinumang mahal mo sa buhay. Lagyan ng maikling pagpapaliwanag sa ibaba ng larawang napili.

Titignan ko ito sa Hunyo 30- Hulyo 2


tandaan : Maaari ninyong ipasa ng mas maaga ang inyong mga takdang-aralin upang magkaroon ng karagdagang puntos sa iskor ng takda, gayundin kapag may pirma ng magulang ang takdang ginawa.

Takdang Aralin Blg. 9

Pangkatang Gawain
- pagpapaliwanag sa tayutay at pagbuo ng 3 halimbawang pangungusap bawat tayutay na nakaatang sa mga ss. na pangkat :
Pangkat Pangngalan - pagtutulad at pagwawangis
Pangkat Panghalip - pagpapalit-saklaw at pagpapalit-tawag
Pangkat Pandiwa - pagmamalabis at pag-uulit
Pangkat Pang-uri - pagbibigay-katauhan at pagdaramdam
Pangkat Pang-abay - paghihimig at pagtawag

para sa presentasyon ng pangkat-> ilagay ang kasagutan sa cartolina
para sa indibidwal na takdang-aralin -> ilagay sa kwaderno ang sagot

tandaan : ang bilang ng takda ay depende sa talakayan ng bawat seksyon

ito ay titignan ko sa Hunyo 30 - Hulyo 3

Takdang Aralin Blg. 8

Sagutan ang Pag-unawa sa Nilalaman (1-4)p. 39

Sanggunian : F at L.
pasahan : Hunyo 30

Wednesday, June 17, 2009

Takdang Aralin Blg. 7

1. Anu-ano ang mga karahasang nagaganap sa Albanya?
2. Gumawa ng slogan o poster mula sa kaisipan ng aralin.
3. Anu-ano ang epekto ng akdang binasa sa mga ss:
- bisa sa sarili
- bisa sa damdamin
- bisa sa isipan
4. Paghambingin ang pamahalaan noon sa ngayon.


Sangguinian : Pamamayani ng Karahasan
Florante at Laura mp., 31-36

pasahan - Hunyo 26

Takdang Aralin Blg. 6

1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod :
a. salita
b. parirala
c. pangungusap
d. talata
2. Ipaliwanag ang 2 ayos ng pangungusap at uri ng pangungusap ayon sa pagkakabuo.

Isulat sa kwaderno.

pasahan- Hunyo 26

Takdang Aralin 5

1. Basahin at pag-aralan ang "Paglalayag... Sa Puso ng Isang Bata"
Gintong Ani II mp., 2-15
2. Ilarawan ang pangunahing tauhan ayon sa :
- pisikal na anyo
- pag-uugali at pagpapahalaga
- relasyon sa guro at mga kaklase
- suliranin sa buhay
3. Magbigay ng 3 mensahe/kaisipan mula sa kwento.

Gintong Ani II mp., 2-15

Takdang-Aralin Blg. 4

1. Bumuo ng 10 talasalitaan sa mga sumusunod na aralin: (sariling gawa)
a. Sa Babasa Nito
b. Gubat na Mapanglaw
2. Isa-isahin ang mga tagubilin ni Balagtas sa babasa ng awit.
3. Sa anong bagay inihahambing ni Balagtas ang kanyang tula?
4. Gumupit o gumuhit ng larawan ng isang kagubatan.Lagyan ng paglalarawan sa ibaba ng larawan.Ilagay sa kwaderno.

Monday, June 15, 2009

MUNGKAHING PROYEKTO (Pagdulog na Developmental)
Filipino II
TP 2009-2010
Pagsusuri ng mga Piling Maikling Kwentong
Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Award


I.Rasyunal

Batay sa itinadhanang kompetensi ng Revised Basic Education Curriculum, ang pag-aaral ng Filipino II sa mataas na paaralan ay naglalayong makahubog ng mga mag-aaral na mahuhusay na komyunikeytor ng wikang Filipino sa isang iskolarling pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita. Binibigyang-seguridad ang layuning ito sa pamamagitan ng iba't ibang pagdulog sa pagtuturo at pagkatuto. Kasama na ang pagpapaigting sa pagiging malikhain ng mga mag-aaral.Tinitiyak na ang mga makrong kasanayang pangkomunikasyon ng mga mag-aaral ay napauunlad gamit din ang maraming gawaing tutulay sa iba pang disiplina ng karunungan.
Bunga ng mga konseptong ito, naghanda ang mga guro sa Filipino II ng isang developmental na proyekto na tutugon sa pagsukat sa kaalamang konseptwal at kasanayang saykomotor ng mga mag-aaral sa pag-aaral na kursong nabanggit. Sentro ng proyekto ang mga batayang kaalaman sa pag-aaral ng Maikling Kuwento at Kwentong Pambata na nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Award sa taong 2005-2007.

II.Mga Layunin
Sa paggawa ng proyektong ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.nakikilala ang mga batayang detalye ng tiyak na bahagi ng Maikling Kuwento at Kwentong Pambata (Simula,Saglit na Kasiglahan,Suliraning hinahanapan ng lunas, Kasukdulan, Kakalasan at Wakas)na susuriin ng pangkat bilang pasulat at pasalitang ulat ng proyekto,
b.nalilinang ang kakayahan sa pagsasalita ng bawat kasapi ng pangkat sa pamamagitan ng malikhaing pag-uulat o panel discussion,
c.nakasusulat ng isang skrip mula sa napiling kuwento ng pangkat,
d.nakapagsasagawa ng dulang panradyo sa harap ng klase at
e.nakapagpapasa ng kopya ng isinagawang dulang panradyo sa cassette tape o CD .

III.Mga Materyales
Kopya o sipi ng Maikling Kwento o Kwentong Pambata na nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Award 2005-2007
Over Head Projector/ LCD Projector na gagamitin sa pasalitang pag-uulat ng pangkat, cassette recorder
Mga materyales na gagamitin ng mag-aaral sa pagsasagawa ng dramang panradyo(mesa,mikropono,CD player, mga bagay na makalilikha ng sound effects atbp.)
CD / Cassette tape na ipapasa bilang awtput ng mag-aaral
pulang clearbook para sa pasulat na ulat

IV.Pamamaraan
Unang Markahan: Pangkatang Pag-uulat
1.Ang mga mga mag-aaral sa bawat klase ay hahatiin sa limang grupo (8-10 miyembro bawat grupo).
2.Bubunot ang bawat kinatawan ng pangkat mula sa mga sumusunod na limang piling akdang nanalo sa Palanca Memorial Award :
a.“Langaw” ni Kristian Sendon Cordero(2nd Prize for Short Story in Filipino 2006)
b. “Si Intoy Syokoy sa Kalye Marino” (1st Prize for Short Story in Filipino 2006)
c.“Mga Landas ng Pangarap” ni Don Pagusara(1st Prize for Short Story in Filipino 2006)
d.“Junior” ni Sheila De la Cuesta(1st Prize for Children Story in Filipino 2007)
e.“Ang Batang Nanaginip na Siya’y Nakalilipad” ni Ed Maranan(2nd Prize for Children Story in Filipino 2005)
3.Iuulat sa takdang panahon ng bawat pangkat ang mga akdang napili nila. Kinakailangan na sa bawat pag-uulat, matatalakay sa malikhaing paraan ng pagsasagawa ng panel discussion ang mga sumusunod na elemento ng Maikling Kuwento at Kwentong Pambata (Simula,Saglit na Kasiglahan,Suliraning hinahanapan ng lunas, Kasukdulan, Kakalasan at Wakas)na susuriin ng pangkat bilang pasalitang ulat ng proyekto,
4.Bubuo rin ang bawat pangkat ng isang pasulat na ulat (written report) na nagtataglay ng mga elementong tatalakayin sa pasalitang ulat.
5.Sa ngalan ng pagkakapantay-pantay ng gawain, kinakailangang ang lahat ng kasapi ng pangkat ay may bahagi sa pasalitang ulat.(Ang kasanayang ito ang sentro ng proyekto sa unang markahan na siyang bibigyan ng marka)
Halimbawang gawain ng mga kasapi :
a.Pinuno- punong tagapagsalita, tagalagom ng impormasyong ilalahad ng pangkat
b.Mga miyembro : tagapagtalakay ng bawat bahagi ng maikling kuwento

Ikalawang Markahan: Pagsulat ng iskrip at pagtatanghal ng
dramang panradyo sa harap ng klase
1.Mula sa akdang sinuri at inulat ay bubuo ng skrip na naglalaman ng mga detalyeng kinakailangan sa pagsasagawa ng dramang panradyo .
2.Matapos masang-ayunan ng guro ang nabuong skrip ay kinakailangang itanghal muna sa harap ng klase ang gagawing dramang panradyo. Ipapakita na rin sa pagtatanghal ang mga paraan kung paano makalilikha ng iba’t ibang tunog habang umaarte ang ibang miyembro.

Ikatlong Markahan : Pagpaparinig ng ni-record na dramang panradyo at
pagsulat ng sariling reaksyon
1.Matapos maisakatuparan ang pagpapakita ng dramang panradyo sa harap ng klase ay maaaring mag-record na ang bawat pangkat ng dramang panradyo gamit ang recorder o CD player.
2.Iparirinig sa klase ang ni-record na drama at ang mga tagapakinig ay magbibigay ng reaksyon sa isang buong papel gamit ang mga sumusunod na gabay na katanungan:
a.Magbigay ng opinyon / puna hinggil sa :
1.Boses
2.Skrip
3.Sound effects
b.Mula sa iskalang 1-10(10 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa),bigyan ng puntos ang iyong napakinggan. Ipaliwanag ang dahilan.

V.Batayan sa Pagmamarka
Gagamitin ang sumusunod na rubrics para sa pagpaparinig ng dramang panradyo sa ikatlong markahan:
1. Boses 50%
-may sapat na lakas at tono ayon sa emosyon
-wasto ang pagkakabigkas ng mga salita
-angkop ang boses sa katangian ng tauhan


2. Skrip 10%
-malikhain ang pagkakabuo ng mga dayalogo
-hindi maligoy ngunit tiyak ang pagkakagawa ng dayalogo
-makatotohanan ang mga salitang ginamit batay sa akda
-may kaisahan sa mga dayalogong ginamit
3. Sound Effects 16%
-gumamit ng angkop na tunog sa bawat senaryo
-may malikhaing pagkakabuo ng mga tunog
-nalapatan ng angkop na musika na nagpatingkad sa bawat pangyayari
4.Pangkalahatang Presentasyon 10%
5. Tagapakinig 10%
Batay sa kabuuang puntos na ibinigay gamit ang iskalang 1-10
96% Kabuuan
Ginamit ang 96% bilang perpektong marka ng proyekto sa ikatlong markahan sapagkat ang markang nabanggit ang pinakamataas na marka sa mga kontroladong kraytirya ng asignatura sa ikatlong markahan.
Para naman sa una at ikalawang markahan ay gagamitin ang mga rubrics na inihanda ng Kagawaran ng Filipino para sa mga pangkatan, pasalita, at pasulat na gawain na kalikasan ng mga proyekto sa una at ikalawang markahan.
1.Nilalaman 30%
-kaangkupan sa paksa ng proyekto
-katumpakan(accuracy) ng nilalaman ng proyekto
-kawastuhan ng ginawang proyekto
2.Organisasyon at Kahandaan 20%
-may sistema ang bawat detalye ng proyekto
-kawalan ng mga mali, tipograpikal man o may kinalaman sa paksa
-may daloy o organisasyon ang pagkakaugnay ng proyekto o paksa
3.Pagkamalikhain 30%
-nagtataglay ng astetikong katangian
-kakikitaan ng craftsmanship o kahusayan
-may balanseng kaugnayan ang kagandahan sa dapat na nilalaman ng
proyekto
4.Pangkalahatang presentasyon 14%
94% (Kabuuan)
VI. Mga Takdang Panahon ng Pagpapasa
Unang Markahan – itinakdang panahon ng pag-uulat
Ikalawang Markahan – Nobyembre 9-12, 2009
Ikatlong Markahan – Pebrero 2-5 , 2010

Takdang Aralin Blg. 3

1. Anu-ano ang mga alaala ni Kiko kay Selya?Isa-isahin.
2. Ilahad ang mga paraang isinagawa ni Kiko upang mabawasan ang pangungulila.
3. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang binabasa ang tula?Ipaliwanag.
4. Paghambingin ang paraan ng pag-iibigan noon at ngayon.
5. Ibigay ang kahulugan at uri ng tayutay.Gumawa ng 3 halimbawang pangungusap sa bawat uri ng tayutay.

Sanggunian : Florante at Laura
mp., 8-17

Saturday, June 13, 2009

Pamantayan ng Pagmamarka

. Paraan ng Pagmamarka sa Asignaturang Filipino
Markahang pagsusulit 25%
Lagumang pagsusulit 10%
Maikling pagsusulit 15%
Kwaderno 15%
Interaksyong Pangklase (recitation) 15%
Gawaing Upuan (pagsasanay) 10%
Sulatin(pormal/impormal) 10%
Kabuuan 100%

Thursday, June 11, 2009

Takdang Aralin Blg. 2

Ito ay ipapasa sa Hunyo 17-18
1. Isa-isahin at iguhit sa kwaderno ang mga tauhan ng Florante at Laura.
2. Sagutan ang Pag-unawa sa Nilalaman sa Florante at Laura p.12

Takdang Aralin Blg. 1

1. Alamin at bumuo ng balangkas(outline)ng talambuhay ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
2. Gumupit ng larawan ni Balagtas at idikit ito sa inyong kwaderno.Lagyan ng paglalarawan(1-2 pangungusap)sa ibaba.

Sanngunian : Florante at Laura mp. 1-7

Kasunduan sa Asignaturang Filipino II

Kasunduan sa Asignaturang Filipino II
2009-2010


1. Pagkakaroon ng pulang kwaderno
2. Paggawa ng reaksyon/repleksyon sa bawat gawain o aktibidades
3. Pagkakaroon ng kumpletong tala
4. Pagpapaalam sa guro ng dahilan ng pagliban(pagbibigay ng excuse letter)
5. Makatatanggap ng 65 na grado ang hindi pagpasa ng anumang gawain o proyekto
6. Ang anumang huling gawain o proyekto ay magkakaroon ng kabawasan ng marka
7. Pagdala palagi ng dalawang aklat (Gintong Ani II at Florante at Laura)

Tuesday, June 9, 2009

Mga Planong Gawain sa Filipino II

Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
Unang Markahan

(2009-2010)

YUNIT I at YUNIT II (Mula sa Gintong Ani II)

• Paglalayag…Sa Puso ng Isang Bata
• Kalikasan/Kahulugan at Elemento ng Maikling Kwento
• Ayos at Pagkakabuo ng Pangungusap
• Anluwage
• Epektibong Estratehiya sa Pagkukuwento
• Piniling Pagmamahal
• Bumuo ng Patalastas at Anunsyo
• Suyuan sa Tubigan
• Mga Tagubilin sa Pagtatalata
• Sa Lupa ng Sariling Bayan
• Salamat Kay Tatay
• Ipahayag ang Sariling Palagay at Hinuha
• Pamana
• Ipaliwanag ang Kahulugan ng mga Pahiwatig at Pahayag
• Isang Bagong Daigdig…Isinisilang
• Lumahok Tayo sa Pormal na Pagpupulong
• Sa Kabataang Pilipino
• Pagkuha ng Tala
• Mga Huling Sandali ni Mabini
• Bumuo ng Paliwanag at Katwiran
• Mga Araling Hango sa Unlad Yamang Filipino II (Suplementong Magasin)- Unang Bahagi

Florante at Laura

Aralin 1 Francisco “Balagtas” Baltazar
Aralin 2 Paghahandog Kay Selya
Aralin 3 Sa Babasa Nito
Aralin 4 Pagpapakilala sa mga Tauhan ng Florante at Laura
Aralin 5 Gubat na Mapanglaw
Aralin 6 Pamamayani ng Karahasan
Aralin 7 Diyos ang Tanging Nakaaalam
Aralin 8 Alaala ng Nakaraan
Aralin 9 Selos
Aralin 10 Nasaan ang Gayong Aruga
Aralin 11 Halina Aking Laura
Aralin 12 Ang Pagdating ng Morong Mandirigma


Sanggunian :

Gintong Ani II ni Teresita Cristobal Cruz, Ed Ph.

Florante at Laura ni Susan Helig-Ramos et.al
Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
IKALAWANG MARKAHAN
2009-2010

YUNIT II AT YUNIT III (Mula sa Gintong Ani II)

 Ang mga Ninunong Pilipino
 Ihatid ang Mensahe ng Talumpati
 Balagtasan
 Mga Kasanayan sa Madulang Pagbasa
 Alaala ng Edsa
 Isagawa ang Matalinong Talakayan
 Dahil sa Anak
 Balangkasin ang Binasa
 Sa Pagbabalik ni Adela
 Pagbibigay ng Matalinong Reaksyon
 Pagsulat ng Sanaysay
 Sa Alaala ng Aking Lolo
 Mga Gamit at Tungkulin ng Wika
 Mga araling hango sa Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikalawang Bahagi


FLORANTE AT LAURA
 Aralin 13 Duke Briceo – Amang Mapagmahal
 Aralin 14 Panambitan ni Aladin
 Aralin 15 Pamamaalam
 Aralin 16 Ang Pagpatay sa Dalawang Leon
 Aralin 17 Sa Kamay ng Kaaway
 Aralin 18 Ang Pag-aalaga ni Aladin kay Florante
 Aralin 19 Florante
 Aralin 20 Para ng Halaman
 Aralin 21 Pagkukunwari ni Adolfo
 Aralin 22 Nahubdan ang Pagkukunwari

SANGGUNIAN :
Cruz, Teresita Cristobal. 2009
Gintong Ani, Ikalawang Taon. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Ramos, Susan Helig. 1999
Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikalawang Bahagi






Balangkas ng mga Aralin sa Filipino II
IKATLONG MARKAHAN
2009-2010

YUNIT IV (Mula sa Gintong Ani II)

 Pilipino : Isang Depinisyon
 Iba’t ibang uri ng Pakikinig
 Ang mga Pilipino Ngayon at Kahapon
 Pagbabalangkas ng mga Plano
 Teresa
 Kasanayang Pangsanggunian
 Nasagip
 Kasanayan sa Pagsulat ng Buod at Pagbibigay-Puna
 Ang Laki sa Layaw
 Mabisang Paglalarawan
 Pagsulat ng Tulang May Tugma
 Mga araling hango sa Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikatlong Bahagi


FLORANTE AT LAURA
 Aralin 23 Ang Unang Liham
 Aralin 24 Mga Tagubilin ni Antenor
 Aralin 25 Bihirang Balita'y Magtapat
 Aralin 26 Heneral ng Hukbo
 Aralin 27 Pag-ibig sa Unang Pagkikita
 Aralin 28 Luha, Sagot sa Pag-ibig
 Aralin 29 Krotona'y Nagdiwang
 Aralin 30 Tagapagtanggol ng Syudad
 Aralin 31 Ang Kasamaan ni Adolfo
 Aralin 32 Pinag-isa ng Masamang Palad
 Aralin 33 Dakilang Pag-ibig
 Aralin 34 Panlilinlang ng Isang Balakyot
 Aralin 35 Masayang Wakas

SANGGUNIAN :
Cruz, Teresita Cristobal. 2009
Gintong Ani, Ikalawang Taon. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Ramos, Susan Helig. 1999
Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Quezon City
FNB Educational, Inc.

Unlad Yamang Filipino (Suplementong Magasin
sa Filipino II)- Ikalawang Bahagi

Takda

Mayroon tayong recitation sa Sophomore's Creed, Mission, at Vision gayundin sa Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat.

Group singing for SSA hymn. Ngayong Hunyo 10, 2010.Good Luck!

Saturday, January 31, 2009

Schedules to Remember
Issuance of Report Cards January 9
ST Feb 5 to 10
Students' Day Feb 11
PT of Graduating Students Feb 26 to Mar 2
PT of Undergraduates March 12 to 17
Recognition Day March 26
Thanksgiving and Baccalaureate Mass March 27
PS and MS Graduation March 30
US Graduation March 31
Issuance of Report Cards April 7
SEP April 15 to May 15